The Haunting Starts

24 1 0
                                    





Note:Mas maganda kung naka dark mode nyo itong babasahin.




-----------

"It's funny how a lot of people fear the dead, but we shouldn't fear the dead instead we should fear the living."



"Oh! Detective Chavez, hindi ka parin susuko sa pag iimbestiga sa anim na nawawala? Ilang buwan na yan, ni panibagong lead nga wala tayong mahanap

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"Oh! Detective Chavez, hindi ka parin susuko sa pag iimbestiga sa anim na nawawala? Ilang buwan na yan, ni panibagong lead nga wala tayong mahanap." Napailing nalang ako sa pambungad ng kasamahan kong pulis. Dito ako nagtratrabaho sa mga pulis bilang isang detective. Ilan na buwan na nga ba akong naghahanap, na ngangalap ng impormasyon tungkol sa anim na  iyon. Andito ako ngayon sa silid ko, hawak ang tanging lead namin simula nung nag imbestiga kami ilang buwan ang lumipas, iniisip kung ano ba talaga ang nangyari.

"Alam mo, Officer Bautista. Hindi ba kataka-taka na ang tanging lead lang natin ay sasakyan ng may ari na isa sa nawawala?" Sabi ko rito sabay taas ng litrato nung sasakyan.

Base sa mga nakalap naming impormasyon noon ay talagang binalak ng mga biktima na pumunta sa abandonadong eskuwelahan. Base rin sa mga pinanood naming cctv videos ay dumaan ang sasakyan sa bayan. Isa o dalawang buwan makalipas namin nalaman na may ganitong pangyayari. Kung walang taong nag report sa amin na may sasakyang nakaparada sa tapat ng abandonadong gusaling iyon na tumagal ng isang buwan, ay hindi pa namin mapagtatanto na may nawawala na pala. Nasa gitna ng kagubatan ang eskuwelahang iyon at abandonado na ito kaya walang masyadong dumaraang sasakyan. Mga trenta o kuwarenta  minuto ang biyahe patungo roon.

"Detective, hindi kaya iniwan na lang nila basta ang sasakyang iyon at hindi na binalikan pa?"
Tanong sakin ni Officer Bautista, na nakatingala at hawak ang baba na mistulang nag iisip.

"Imposible, officer. Hindi bat may naiwan pang mga gamit ang mga biktima sa loob ng sasakyan. Kung gusto talaga nilang iwan ang sasakyan at hindi na ito babalikan pa, bakit andoon ang wallet ng isa sa biktima?, at ang cellphone rin ng isa sa biktima?" Kung binalak man nilang iwan ang sasakyan, bakit sila mag iiwan ng mahalagang bagay sa loob nito? Tanging tango lamang ang sagot sa akin ni Officer Bautista, habang narealize ang gusto kong iparating.

Wala talaga kaming makalap ng impormasyon. Pumasok na kami sa abandonadong eskuwelahan, sa kagubatan at nagpost na rin kami ng missing sign na nawawala ang anim na ito. Na pag alaman naming anim ang mga taong nawawala dahil sa selfie sa naiwang cellphone. Parehas ng ayos ang loob ng sasakyan at background sa selfie at sa lugar kung saan naiwan ang sasakyan. Nag picture muna ang grupo bago mawala. Napailing nalang ako, hindi nila alam na huling kuha nalang nila iyon bago sila mawala.

Lahat ay mga college student sa isang unibersidad sa Maynila. Napag alaman namin ang mga pangalan ng mga biktima dahil sa tulong ng social media at doon kami kumuha ng kanilang litrato upang ilagay sa missing post na idinikit namin kung saan saan. Ang mga pangalan ng biktima ay sina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Haunting of EmiliaWhere stories live. Discover now