Kabanata 10

139 13 0
                                    

Kabanata 10
Elordi Phelps

“You're not answering your phone.” bungad ni Anya sa akin pagdating ng lunch break.

Hawak ko sa mga kamay ko ang form from Internal Affairs na pi-fill up-an ko ng reklamo ko. Masyado kasing mahaba ang pila sa Registrar's Office, dahilan para dumiretso ako sa IAO.

"Low bat, sis. Hindi ko na rin nacharge dahil masama ang gising ko." sagot ko naman at saka bumuntong hininga at muling sinulyapan ang form na hawak ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin ito magawang fill-up-an.

"Anong meron?" Anya asked when she sat at the empty seat facing me. "Seriously, you looked tired. Naghydrate ka ba? Must be the effect of drugs last night."

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Anya. Drugs last night? What does that even suppose to mean?

"What drugs? What happened last night that I know nothing of?" gulat kong tanong sa kaniya sabay baling ko ng tingin sa paligid dahil mamaya ay may nakikinig na pala sa amin. Edi diretso akong napatalsik sa Administration Office at maging rat nang wala sa oras.

"You took one martini, remember? Sinama ka ng Snake Queen sa hide-out niya. You have to tell me everything you saw." dagdag pa ni Anya na hindi ko na talaga naintindihan. Wala akong maalala sa pinagsasasabi niya, maliban na lang sa martini na sinasabi niya, because I know I drank one glass—or took a sip maybe. I didn't like it that much though.

"Oh, no. Don't tell me that you can't remember a thing, sis." Anya concluded while staring at my confused face.

Napabuntong hininga na lamang ako at bahagyang kumibit-balikat sa kaniya. Napapikit siya ng mga mata sa disappointment, at maladramatikong itinungo ang ulo sa top ng mesa ng booth namin. "Damned shame, Hal. Why?"

"Anyway, what's that for?" pagbabago na niya ng topic nang iniangat na niya ang ulo niya at agad hinila paalis sa kamay ko ang form na hawak ko.

Tila nagkaroon ng panibagong pag-asa ang mukha niya nang marealize niya kung ano ang hawak kong papel.

"Don't shit on me, sissy!" tila ba nagtagumpay niyang sambit tapos ay malaki ang ngiti niyang sinambit sa akin, "Tell me everything you want to report with that cult! So, magrereport ka without even consulting me first?"

Muli akong naguluhan sa sinabi ni Anya sa akin dahil magkaibang bangka yata ang sinasakyan namin ngayon—hindi kami magkaintindihan.

"No. It's actually about my stay at Hilton Hall. I was just confused why I'm staying there, when all girls should be at Harren Hall."

Unti-unting kumunot ang noo ni Anya habang tila inaaral niya ang mukha ko, "Was it about what I saw when I barged in to you both?"

Umiling agad ako kay Anya dahil hindi naman iyon ang problema. "Believe me, it's much worse than that, Anya."

"Shit, so you really have no recollection on what happened last night after taking that martini?" tanong pa niyang muli, tila naninigurado. Tumango ako sa kaniya pero agad nangunot ang noo ko, "Why are we even talking about it now? Hindi ba tayo nag-usap kagabi noong hinatid mo ko sa dorm ko?"

It's her turn to crease her forehead. Mukhang hindi talaga kami nagkakaintindihan sa bawat topic na ino-open namin. "Gaga, hindi kita hinatid."

"You didn't?" paglilinaw ko sa naintindihan kong sinabi niya. Agad siyang tumango sa akin tapos ay biglang kumunot ang noo, "You remember the guy last night? Did you see him again? Baka hinatid ka niya."

The guy last night? Was that Elordi, the surgery student?

As if on cue, nakita ko agad si Elordi na naglalakad patungo sa gawi namin bitbit ang dalawang tray ng pagkain. Napalingon agad ako sa likod ko, dahil baka mamaya ay may kasama siya at dito sila nakapuwesto sa likod ko.

Glitter & Crimson (Ursula State Series, 2)Where stories live. Discover now