Chapter 1// secret resort

24 7 0
                                    

LISA

Summer break kaya free kami ngayon kung san namin gustong pumunta. Kaya naisipan naming mag kakabarkada na pumunta sa isang Resort, pero hindi siya yung typical a resort almost isang dekada ng walang nag che-check in dito dahil May mga sabi-sabi daw na kakaiba sa resort na yun nagtataka ang iba kung bakit sa rami-raming resort dito sa Pilipinas bakit dun pa daw sa tago at misteryong resort ang pupuntahan namin.

"Ready naba ang lahat?" Tanong ni Nathan
"Kahapon pa, feeling ko nga ito nayung best summer ng buhay ko" excited na sabi ni Christian
"Guys? Seryoso ba talaga kayo?" Nag-aalalang sabi ko
"Lisa, ok lang yan and besides wala namang katotohanan ang lahat, ok? Concern na sagot ni Kiko
"Okey" napabuntong hininga ako at binitbit ang gamit ko papasok ng kotse

Di ako mapakali, kinakabahan ako di ko na pinansin ang mga kaibigan kong masayang nag uusap at ewan ko ba bat interesadong-interesado sila sa lakad na'to.Time Check it's exactly 9:00pm. Bumaba na kami sa kotse, napayakap ako sa sarili ko sa sobrang lamig, hindi siya yung hangin na presko at nakakahinga ka ng maluwag kundi hangin na nakakasakal, napansin ko naman na hinubad ni Kiko ang suot niyang jacket at isinuot ito sakin

dugdugdugdug

"Lisa ok kalang?" Pag aalalang tanong ni Ivon
"A-ah oo, May iba lang talaga akong nararamdaman" sagot ko
"Resort? I see kung bakit walang pumupunta sa resort nayun kasi sino ba namang May maraming Bibit ang aakyat diyan?" Inarteng sabi ni Sarah "at seryoso ba kayong aakyat ako diyan?" Dagdag niya
"Sino ba sabing ikaw lang? Mag kakasama tayo dito" naiiritang sagot ni Nathan
"Guys naman oh wag na kayong mag-away, halina" sabi Kiko at sabay hila sa kamay ko na mukhang naiirita na
"Aray naman" bulong ko
"Sorry" sagot niya

Dugdugdugdug

Naglakad kami sa ilalim ng mga nag tataasang mga puno. Sa panahon nayun ang Nararamdaman ko nalang ay kaba napahawak naman ako sa braso ni Kiko sa sobrang kaba, halos lamunin ko na ako ng kaba ko. Pero kahit na kinakabahan ako medyo naiibsan din kahit kokonti dahil andito siya sa tabi ko. Walang kami pero ramdam ko parang May something, concern siya sakin pero concern rin naman siya sa iba pero bat parang iba yung pakikitungo niya sakin?

"Guys dito nalang tayo magpapalipas ng gabi" sabi ni Christian
"Seryoso ka ba? Pare delikado" sagot naman ni Nathan
"Alas diyes na pare, May narinig akong mga chismis na delikado dawng mag lakad lakad pag ganitong oras, wala naman sigurong masama kung maniniwala tayo" sagot ni Christian

"Oh my ghadd!!!" Sigaw ni Sarah
"Sarah what happen?" Concern na tanong ni Kiko tss

Ok fine nagseselos ako

"Arghh, yung shoes ko nadumihan" pag iinarte niyang sabi kay Kiko
"Sino ba naman ang nag sabi sayo Sar na mag sasapatos ka , at puti pa talaga?" Naka taas kilay kong sabi
"Pake mo?" Naka cross arms niyang sabi
"Girls stop it, sige guys dito muna tayo mag sta-stay" sabi ni Kiko

Nagulat rin kami dahil sa narinig naming pag kaluskos ng mga halaman dahilan ng pag kayakap ko si Kiko.. i felt his heart beat.. is this love?
Kumalas ako ng pagkakayakap kasi halos halat sila napatingin samin ni Kiko

"I smell something pishy" tawang sabi ni Nathan
"Pishy ka jan" sagot ni Kiko
At hayun nag tawanan kaming lahat

Binuo na namin ang mga tent namin isa isa kami ng tent, i check my phone pero wala paring signal 'emergency call only'. Time check it's 11:30pm di parin ako makatulog, malamig ang sahig at ni-huni ng ibon wala akong marinig, naririnig ko lamang ang mabilis na pag tibok ng puso ko

'May narinig akong boses na humihingi ng tulong.. tulong
Tumayo ako at lumabas sa tent ko at tinignan ang ang pinagmumulan nang boses. Papalapit ako ng papalapit sa pinagmumulan ng boses pahina ng pahina naman eto, ' shh ' napa lingon ako sa likod kung saan narinig ko ang boses

"Sino ka? Ikaw bayung humihingi ng tulong?" Tanong ko, tumaas ang balahibo ko at kinain na ako ng kaba ko, papalapit siya saakin at ako naman ay pa atras, tumakbo ako pa atras na siya nama'y patakbo na mukhang sasakalin ako, hanggang naramdaman ko ang puno na dumikit na sa likod ko at siya namang pag dikit ng kamay niya sa leeg ko at aktong pag sakal sakin

"Tu-l-lo-long!" Pa ubo kong sabi

"Lisa ok kalang?" Tanong ni Kiko
"Oo" hingal na sabi ko
"It's just a nightmare" sabi naman ni Christian
Uminom muna ako ng tubig para ma himasmasan. Lumabas na ako sa tent at tiniklop ito, at nag patuloy na kami sa aming pag lalakad

"Sigurado kabang ok kana?" Nag aalalang tanong ni Kiko
"Oo, masamang panaginip lang naman yun" sagot ko, pilit kong ngumiti pero di ko magawa

Halos isang oras kaming naglalakad sa madilim na paligid, umaga palang pero madilim na dahil natatabunan na ng mga malalaking puno ang kalangitan. Napahinto kami sa mala-Resort na wala ng maintenance sabagay isang dekada nalang rin ang nag daan

"Guys heto na ba yung resort na sinasabi niyo?" Tanong ko
"Finally, were here!" Exciting na sagot ni Christian
Dahil sa sagot niya biglang nanlambot at nanlamig ang buong katawan ko

Halos silang lahat ang napangiti dahil andito na kami. Ang creepy ng resort May mga spider web na, ang kakapal na ng mga dumi. Kaya walang nakakatagal dito kasi una ang layo pangalawa madumi. Bago kami pumasok nilibot ko muna ang paningin ko sa kabuuan ng resort malaki ito kaso ngalang wala ng maintainance, biglang lumakas ang ulan at nag pasilong kami sa terrace muna ng resort. Nanlamig ang buong katawan ko nang may isang babaeng lumapit saamin

"Maligayang pagdating sa aming munting Resort mga ma'am at sir!" Masayang pag welcome samin ng isang babae na Naka itim na Belo
"Ahm, hey! Ba't walang signal dito?" Naka taas kilay naman si Sarah
"Sarah-" sabi ni Nathan
"What?" naka pameywang na tanong ni Sarah
"Ahh yun ba ma'am, pasensya na wala eh bukirin na kasi" sagot ng babae
"Eh Wi-Fi?" Tanong uli ni Sarah
"Wi?Fi?...." Nag tatakang tanong ng babae siguro di niya alam ang salitang iyon
"Never mind" sabi ni Sarah at kumirap ito "What's your name pala ate?" Dagdag niyang tanong
"Ako si Lourdes" sabay lahad ng kamay sa amin pero niisa walang naki pag shake hands sa kaniya binaba niya nalang ito ito at ngumiti, pero sa likod ng kaniyang ngiti ay nararamdaman ko nama'y tinatago siya
"Pasok napo tayo?" Anyaya niya saamin, unang pumasok sa amin ay si Nathan besides siya naman ang Naka isip ng lahat na ito

Habang nag lalakad sa kahabaan ng pasilyo, May naamoy akong masangsang na amoy mukhang amoy patay? No, impossible.. or maybe possible, munting gasera lamang ang gamit namin upang kahit papaano'y lumiwanag naman ang lugar na lalakaran namin. Habang kami'y nag lalakad inilibot ko ang aking paningin at napahinto sa isang pintuan na bahagyang pababa. May basement ba dito? O Underground Parking lot. Hanep din ah. Pero biglang hinarang ni Lordes ang tinitingnan kong pinto

"Tara sasamahan ko na kayong mag check in sa receptionist" Naka ngiting sabi niya, ba't ba sa tuwing ngingitian niya kami ay mukhang May nililihim siya at tumungo na nga kami .

The Mysterious LadyWhere stories live. Discover now