CHAPTER 16

15.6K 346 10
                                    

TUMINGALA ako ng maramdaman ko na may humawak sa kamay ko.

Inalis ko 'yon. "Anong nangyari?" Nag-aalala na tanong ni Keant.

Tumayo ako. "Wala." Sagot ko at tumayo saka siya iniwan na may basag sa living area.

Pumasok ako sa kwarto ko saka pumunta kaagad sa may cabinet saka kinuha yung mga damit ko at nilagay sa dalawang maleta.

Tama na ang kabaliwan na 'to, sobrang nakakasakit lang kung mananatili ako sa tabi niya.

Lumabas na ako at kinuha yung mga maleta ko.

"Saan ka pupunta?"

Tumingin ako kay Keant. "Uuwi na ako, wala ng dahilan para manatili ako dito."

"Sweetheart..."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Huwag mo akong iwan."

Umiling ako. "Tigilan na natin 'to, Keant soon you will be a good father to your child."

"Father? Child?" Nagtataka na tanong niya.

"Di ba palaging may nangyayari sa inyo ni Barbara? Maliban sa may nangyayari sa atin, may ginagalaw kang iba." Mapait na saad ko.

"Sweetheart..."

"Ganon ba ako hindi kagaling sa kama?"

"H-hindi sweetheart." Sagot nito.

"Kung ganon bakit mo ginagawa 'yon?" Giit na tanong ko.

"Hindi ko alam." Mahinang sagot nila.

Sinampal ko siya. "Gago!"

"Nasasaktan ako! Sobrang sakit! Ako nga hindi ko naisipan na magpagalaw o humanap ng iba dahil sayo umikot ang oras at mundo ko! Tapos ganito? Langya!"

"Sweetheart..."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Puwede tigilan mo ako sa pagtawag ng ganyan!"

"Sorry, huwag mo naman akong iwan."

Umiling ako. "No! Hangga't nandito ako, paulit-ulit mong gagawin 'yon. "

"H-hindi ko na gagawin, please."

"Huwag na, wala na din naman patutunguhan 'to."

Kinuha ko na ulit yung dalawang maleta ko at naglakad na palabas ng bahay, pero hindi pa ako tuluyan nakakalayo ay naramdaman ko na niyakap niya ako.

Inalis ko yung pagkakayakap niya at tumingin sa kaniya. "Tumigil ka na, sasabihin ko kina Dada na itigil na ang kalokohan nila na ipakasal ka sa akin."

"Bailela please."

HIndi ko na lang siya pinakinggan at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bahay.

"Anak..." Tawag ni Dada.

Malungkot na ngumiti ako sa kaniya. "Tigilan niyo na ipakasal ako kay Keant."

"Bakit?"

Ngumiti lang ako. "Pagod na ako e." Sagot ko at nilagpasan si Dada.

Pagkaakyat ko sa mga gamit ko sa kwarto at nilock ko yung balcony dahil sigurado naman na aakyat si Keant.

Naglock ako ng pintuan saka naghubad saka pagod na humiga sa kama.

KINABUKASAN ay matamlay na nagbihis ako at bumaba.

Natigilan ako ng makita ko si Keant kasama ang parents niya, nagpatuloy lang ako sa pagbaba at dumeretso sa dinning area.

Tahimik na kumain ako kahit ramdam ko ang mga tingin nila, hindi ko na lang sila pinansin. Nang matapos ako ay umakyat na ako pero hindi pa ako nakakalahati sa hagdan narinig ko na tinawag ako ni Keant.

"Sweetheart."

Pumikit ako dahil sa sakit ng naramdaman ko tuwing tinatawag niya ako, hindi ko na lang siya pinansin at dumeretso sa pag-akyat.


An Affair With My Bestfriend ✔Where stories live. Discover now