Chapter 2

23 0 0
                                    

Raine

Nandito ako ngayon sa locker ko at kukunin ang damit ko para sa next class ko sa P.E.

"HUY!" napalingon naman ako sa likod at kitang-kita ko ang napakalapad na ngiti ni Phoebe. "Kamusta? HAHAHA!" shet napakaingay talaga ng babaeng 'to. Pinagtitinginan tuloy kami dito sa corridor.

"Uso move-on, okay?" at binuksan ko ang locker ko na puno na naman ng mga sulat at roses. Seriously, tantanan niyo ko huhu.

"Sus. Magkakalove-life ka na sana eh. Anu ba 'yan!" saka siya sumandal sa ibang mga locker.

Kung alam mo lang Phoebe. huhu

"Oi, tama na yan. Anong oras klase mo?" tanong ko sa kaniya habang kinukuha ang mga libro ko sa locker.

"10 minutes nalang. Hehe. Ihatid mo ko pleaaasee? Wala ka pa namang klase eh." Pagmamakaawa niya at nagtwinkle-twinkle pa ang mga mata niya.

Nauna na kong maglakad at iniwan siya run. "Hoi! IIWAN MO KO?!" sigaw niya. Shet nakakahiya.

Sumenyas naman ako na bilisan niya kaya napatakbo siya sa gilid ko.

Habang naglalakad kami sa pasilyo ng building ng College of Engineering ay 'di ko maiwasang hindi marinig ang mga bulung-bulongan nila.

"Si Gallardo yan diba?"

"Wow. Ngayon ko lang siya nakita up close."

"Pre, ang ganda. No, anghel."

"Kasama niya pala si Mortejo, grabe."

Na coconscious ako sa mga pinagsasabi nila kaya napayuko na lamang ako habang hinahatid si Phoebe sa room nila.

"Grabe, HAHAHA! Ang sikat mo talaga no? Pati sa college namin, kilala ka ah? Well, sino ba namang hindi makakakilala sa representative ng school sa mga Science Quiz Bowls? HAHAHAHA!" sinamaan ko siya ng tingin dahil napaka ingay niya talaga.

Narating din namin ang room ni Phoebe. Pasalamat siya at wala pang teacher na pumasok. Pero nung papasok pa lang siya sa silid nila ay biglang umingay ang classmates niya at nagkagulo nang nakita ako. Shet. Tiningnan ko naman si Phoebe at tawa lang siya ng tawa.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam niya talagang mangyayari 'to. Wala naman akong magawa kundi ngumiti ng napaka awkward sa harap nung mga kaklase niya. Napapakamot na rin ako sa ulo dahil 'di na ako komportable.

Sakto naman at dumating na ang teacher nila at nagsibalikan ang mga yun sa upuan nila.

Nang paalis na ako ay biglang may nahagip ang mga mata ko sa mga kaklase ni Phoebe. Teka. Magkaklase pala sila sa subject na 'to?

Nagulat naman ako nang biglang tumingin din siya sa direksyon ko at nahuli niya akong nakatingin sa kaniya kaya yumuko na lamang ako at patakbong umalis sa kinaroroonan ko. Shet.

Pumunta ako sa tambayan namin ni Phoebe palagi at iniisip ko pa rin yung nangyari kanina. Shet. Pahiya ka talaga Raine eh. Ba't ka kasi natulala dun sa Paul na yun? Eh, 'di ka nga pinansin na kahit halos na mga kaklase niya ay nilapitan ka! Aish!

Tiningnan ko ang relo ko at may 1 hour pa bago ang P.E namin.

Ang maganda sa university namin ay pwede kang magchoose kung anong sport ang gusto mo para maging subject sa P.E. Pinili ko ang Taekwondo para pang self defense and magaling din si dad dun at tinuturuan niya ko kaya nag-eexcel talaga ako sa sport na ito. Si Phoebe naman ay Aikido kasi trip niya lang daw. Baliw talaga. If I know may pinopormahan lang siya dun kaya kahit na member na siya ng school choir namin ay nagmakaawa siya sa conductor nila na sumali sa Aikido class.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Am I Ready for Love?Where stories live. Discover now