Chapter 14: Lipat-bahay

126 35 10
                                    

Lipat-bahay

Third person's POV

Pumasok ang tatlo na parang normal nanaman na araw. Iexclude niyo si Chandra kasi ayaw pa niyang pumasok ngayon.

At sa palaging nangyayari kina Kristy at Vicky ay hindi pa rin sila nagpapamsinan. Kapag nga nagkakasalubong sila ng tingin ay bigla rin nila itong iniiwas.

Mag-isa ngayong kumakain si Vicky ng lunch sa cafeteria. Nang nagulat siya dahil sa kalagitnaan ng kanyang pagkain ay may umupo sa harapan niyang upuan which is vacant pa.

"Hi miss beautiful," sabi niya.

"Hi," cold na pagkakasagot niya.

Sa isip niya ay ngayon lang siya lapitin ngayong narelease na nila ang kanilang music video.

"Pwede bang makitable?" maangas na sabi niya.

"Hindi naman sa akin ang table para ipagdamot," cold pa rin niyang sabi.

At dahil dun ay tuluyan na nga siyang umupo. Itinago na ni Vicky ang baon niya at tumayo na sana pero pinigilan lang nung lalaki.

"Aalis ka na?" tanong niya habang nakahawak sa braso ni Vicky para pigilan ito.

"Obvious ba?" parang nang-aasar na tanong ni Vicky.

"Pero miss, hindi pa natin kilala ang isa't-isa," sabi pa ng lalaki.

"Alam mo, hindi ako interesado sa'yo kaya kung pwede lubayan mo na ako?" sabi niya at tuluyan na ngang umalis.

The fact na hearthrob ang lalaki sa campus nila tapos inaayawan niya lang.

Nagtungo na agad si Vicky sa kanilang room at gaya ng laging scenario ay naglesson-lesson na lang sila at nag-iiwasan pa rin ang dalawa.

Sa eskwelahan naman nila Shaira at Lailly ay sabay silang kumain ng lunch sa kanilang cafeteria dahil wala namang date si Shaira ngayon kaya sabay sila ni Lailly na kumain.

"Ganito pala talaga kapag sikat ka na," masayang saad ni Lailly at nakatingin sa paligid na kita niya namang maraming nakatingin sa kanilang dalawa.

"Oo nga, kaya masanay na tayo," saad naman ni Shaira.

"Ahm hellow ate. I'm junior student and I'm super fan of yours, can you please sign your album that I bought?" tanong ng isa sa mga babae na lumapit sa kanila.

"Yeah sure," sabi naman ni Shaira.

Sa isip niya ay sasabayan niya na lang ito sa pag-ienglish kahit 'di niya alam.

Nasign-an na ni Shaira ang album at hinihintay na lang nila ang sign ni Lailly.

"Ako pa?" Tinuro pa ni Lailly ang sarili niya na parang hindi makapaniwala.

Tumango naman ang dalawang babae. Kaya sinign-an na rin ni Lailly ang album na binili ng babae.

"Thank you," sabi nila at tuluyan na ngang umalis.

Ipinagpatuloy naman nila Lailly at Shaira ang pagkain. Hanggang sa natapos na nga silang kumain ay tumayo na sila at nagtungo na sa kanilang room.

At nang makarating na nga sila ay may nakita nanaman si Lailly sa armchair ng kanyang upuan. Ito ay isang letter.

Kinuha na niya ang letter at binuklat ito. At gaya nga ng naunang letter ay nag-effort talaga ang nagbigay. 'Can't wait to see you on Saturday. Sana sumipot ka' pagbasa ni Lailly ng laman ng letter sa kanyang isip.

"Ooh." Bigla niyang naitago ang letter nang nakita niyang nakadungaw si Shaira sa sulat. "'Di makapaghintay si kuya?" tanong niya at bumalik sa kanyang upuan na ngiting-ngiti. "Uy mahahanap na niya ang the one niya," sabi pa ni Shaira at sinindot-sindot ang tagiliran ni Lailly.

Spice Girls (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon