Kabanata 4

871 26 2
                                    

Kabanata 4

Countless Questions

"I-Ivan." Niluwagan ko ang pinto para makapasok siya. "Ba't ang aga mo ngayon?" Tanong ko.

Alas otso pa lamang ng umaga. Madalas naman ay alas onse siya pumupunta dito. Nakaka-panibago lang. Hindi naman sa ayaw kong pumunta siya, pero... hindi ko pa kasi alam kung paano ba dapat ako makitungo sa'kanya pag-katapos ng mga nalaman ko. Hindi ko alam kung paano siya haharapin gayong alam kong may problema pala kami... sila ni Irene.

"May dala akong pag-kain." Sabi niya sabay taas ng mga supot na dala niya. "Nag-breakfast ka na ba?" Tanong niya pa.

Marahan lamang akong umiling. Nginitian niya ako at dire-diretso na siyang pumasok sa kusina para ihanda ang mga dala niya.

Halos tatlong segundo pa akong natulala sa nilakaran niya bago ako tuluyang sumunod.

Naguguluhan ako. Masyadong komplikado ang buhay ni Irene, hindi tulad ng inaasahan ko. May mga oras nga na gusto ko na lang sabihin ang totoo. Pero nag-aalala lang ako dahil baka mas lalo lang gumulo ang lahat. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila at sa kung anong gagawin nila.

Nang madatnan ko siya sa dining room, pinanood ko lang siya sa ginagawa niya. Mukhang ang saya-saya niya pang pag-silbihan ako. Hindi mo agad mapapansin na may malaking problema pala na kinakaharap ang relasyon namin. Napaka-maaalalahanin ni Ivan para maisip na may mali siyang nagawa.

"I brought your favorite. Nadaanan ko kasi kanina yung Italian Restaurant na palagi nating kinakainan noon. Naisip ko na baka na-miss mo na yung Ravioli, saka Capricciosa nila." Napatigil naman siya nang mapansing nakatingin lang ako sa'kanya.

"Hey. Are you okay?" Nag-aalala pa niyang tanong.

Umayos ako ng tayo at tumikhim. "I'm alright. M-may iniisip lang ako."

Tumango siya at pinag-hila niya ako ng upuan. Nginitian niya pa ako kaya agad akong lumapit at umupo doon.

"Masyado pang maaga para mag-isip ng kung ano-ano." Paalala niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

"S-salamat."

Humila na din siya ng upuan niya at kumuha din ng pag-kain.

"Nag-punta daw sila Kim dito?" Tanong niya na nag-pakunot ng noo ko.

Paano niya nalaman?

Alam kaya niyang alam nila Kim yung tungkol sa baby? Pero bakit ganito? Bakit kung makitungo siya sa'kin parang wala namang problema?

Hindi kaya nag-kaayos na sila ni Irene bago yung aksidente?

"Nabanggit ni Tita Vee sa'kin. Magka-text kasi kami kagabi. Kinamusta lang kita." Dagdag niya. Siguro ay dahil napansin niyang nakakunot ang noo ko.

Marahan akong tumango bago sumagot. "Pumunta sila pero saglit lang. May pasok pa kasi si Paula at Lily. Si Kim naman may date daw sila ng boyfriend niya."

Tumusok na lang ako ng isang ravioli at kinain iyon.

Paborito ba ito ni Irene? Okay lang naman ang lasa pero hindi ko lang masyadong gusto. Hindi ganito ang tipo kong pagkain.

Ipinag-kibit balikat ko na lamang ang naisip at nag-patuloy na lang sa pagnguya.

Ako si Irene, kaya gusto ko ng ravioli. Yan ang itinatak ko sa isip ko.

"Lily? Sinong Lily?"

Napatigil ako sa pag-nguya dahil sa tanong niya.

Hindi ba Lily ang pangalan niya? Gigi?

Entangled (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon