CHAPTER 57

44.6K 1.6K 208
                                    

CHAPTER FIFTY SEVEN

Hindi Kaya


Matagal ang naging katahimikan sa linya ni Skyrene ng sabihin ko sa kanya ang lahat. Though alam niya naman ang nangyari kay Stella, hindi naman kami masyadong nakapag-usap dahil nasa ibang bansa ito nang mangyari iyon.

"I'm sorry if I wasn't there when-"

"Sky... Don't be silly. Ayos lang naman ako kaya huwag mo nang alalahanin 'yon. We're still okay, kinakabahan nga lang dahil palabas na si baby pero maayos kami."

I heard her sigh at that. "I hope you're truly fine." aniya pa rin sa malungkot na boses.

"Oo naman. Ako pa ba?"

"Iyon na nga eh. Kilala kita Valerie at alam ko kung kailan ka maayos at hindi."

"I'm okay. Isa pa, mabuti na ring alam na ni Jaycint ang lahat," nahinto ako.

Dapat sa pagkakataong 'yon ay maging masaya na ako dahil wala na akong dapat pang itago sa kanya pero kabaliktaran no'n ang nararamdaman ko. Siguro kasi totoo ang lahat ng mga sinabi ko sa kanya noong gabing 'yon... Siya ang pangarap ko. Iyong pangarap na habang buhay ko nalang papangarapin dahil ang desisyong ito ang tanging makakabuti para sa aming lahat.

"Kumusta nga pala ang biyahe niyo?" pagbabago ko nalang sa usapan para hindi na maungkat kung ano talaga ang estado ko ngayon dahil baka kapag ginatungan ko siya ay totoong maging malungkot na naman ako.

Sobra sobra na kasi. Kung ako lang siguro ay ayos lang pero iniisip ko ang kalagayan ko at ang anak ko kaya hindi ako pwedeng magkulong nalang sa anino ng lungkot.

"Okay lang naman. We'll be there soon, okay?"

Napangiti ako at wala sa sariling napatango. Kahit kasi sabihin kong huwag na silang mag-abala ay alam kong kailangan ko rin si Skyrene ngayon dahil wala na akong maisip na mapagsasabihan kung gaano ako kahina ngayon. I can't call Enrique at hindi rin kaya ng puso kong kausapin siya ngayong alam kong galit pa rin siya sa akin. Sinira ko ang lahat ng usapan namin pati na rin ang tiwalang ibinigay niya sa akin. Ang pangakong hindi na ako magmamahal ang unang ipinangako ko pero iyon rin ang pinaka-nasira ko sa lahat. Wala eh. Jaycint's love broke all the boundaries of my heart, at alam kong gano'n rin kasidhi ang nararamdaman ko para sa kanya kahit na taliwas iyon sa lahat ng aking plano kaya dapat lang na kamuhian ako ni Riki.

I deserve to be hated. Sinungaling kasi ako at marupok pero ayos lang. Ang sitwasyon ko ngayon ay walang pinagkaiba sa mga nangyari noon sa akin na wala na akong nakikitang liwanag pero marami ang nagbago ngayon. Isa na doon ang kung paano ko tignan ang buhay dala ang positibong pananaw. Sa kabila ng hirap ay naniniwala akong may pag-asa at lilipas rin ang lahat kaya iyon ang ipinagpapasalamat ko. Ang noo'y walang alam na babae't mababa sa mata ng lahat ay marunong ng mag-isip at tumimbang sa bigat ng buhay. Nawi-weirduhan man akong isipin na gano'n na ako kung mag-isip pero hindi ko magawang magreklamo. Kahit kasi nahihirapan ako ngayon ay masaya ako at kuntento... At syempre, excited na rin sa pagdating ng biyayang alam kong ugat ng lahat ng pagbabago sa puso ko.

"Thank you, Skyrene"

"You're welcome. Basta kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako ha? Medyo busy lang kami ni Eros pero pupuntahan kaagad kita kapag natapos na ang lahat ng inaasikaso namin ngayon."

"Sige lang, maghihintay ako."

Muli kong narinig ang pagbuntong hinga niyang parang siya ang napapagod sa pag-iisip sa sitwasyon ko at sa amin ng kanyang pinsan.

"Kumusta na pala sila diyan?"

Natigil ako sandali dahil hindi ko alam ang eksaktong isasagot ko gayong hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy niya. Kung sila Tiya Winny, maayos naman sila. Kung ang mga tao naman sa mansion, siguro ay pareho lang rin pero kung si Jaycint... Hindi ko alam. I didn't hear from him since that night. Maybe he's now moving on para sa paglabas ng anak niya ay mas madali na niyang matanggap ang lahat. Hindi ko alam pero hiling ko na sana ay gano'n nga at maging maayos lang ang lahat sa kanya.

Sana Bukas (West Side Series 1)Where stories live. Discover now