Eleven

8.3K 298 27
                                    

LINGON sa kanan, lingon sa kaliwa.

Tanginang buhay ito.

Bakit ba may pagkaVIP naman ang bubwit ko.

Ang daming sagabal, ang daming bantay. Balak ko siyang bisitahin sana, kaso ang daming bantay sa labas ng apartment niya.

Hindi ko naman nadala ang cell phone ko para sana tawagan ko siya.

"Kainis ha"bulong ko habang nakatitig apartment ni Karen.

nagpalipas ako ng ilang oras sa loob ng sasakyan, bakasakaling sa gabi mabawasan ang bantay ng bubwit na iyon. 

Pero ang lintek lang mas dumami ang bantay niya, kahit pa sabihin na naka-disguised ang mga agent sa paligid halata naman.

"Pss! anong tingin nila hindi sila halata? nagtitinda ng balot pero may nakasalpak na kung ano sa tenga tapos mukhang model. Street sweepers pero wala mamang hawak na walis, hay ano ba namang klaseng plano ang ginawa nila para dito?"reklamo ko habang nakatitig sa mga agent na nakakalat sa kalye.

Makalipas lang ang isang oras, nakakita na ang ng pwede kong pasukan sa bahay ni Karen. Pero natigilan ako at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang taong kalalabas lang ng apartment ni Karen.

"Ay! tangina, hindi natakot sa banta ko ang bubwit na iyon. Humanda siya sakin"kausap ko sa sarili ko.

Mas nanlaki pa ang mata ko ng makitang inihatid pa talaga ng pandak na iyon sa sasakyan si Ben. May kiss pa, buti nalang iyong lalaki ang humalik at nakaiwas si Karen kaya sa pisngi lang ang tama ng nguso ng Ben na iyon. 

"Naku, humanda ka saking lalaki ka. Tatadtarin kita ng bala sa nguso mo"inis ko sambit habang nanggigigil kong tinitignan ang papalayong sasakyan niya.

Makalipas ang ilang minuto lumabas na ako ng sasakyan pero bago iyon inayos ko muna ang pagkakasuot ko ng cap kong suot maging ang jacket. kahit gabi na at kainitan pa dito sa pilipinas tiniis ko mapuntahan ko lang ang bubwit ko.

Lingon ulit sa kanan, lingon sa kaliwa ng makita kong wala namang pakalat kalat sa tabi ko sinumulan ko ng umakyat sa likod ng apartment ni Karen. hindi naman mataas kaya okay lang sakin yakang-yaka ko ito.

Ilang sampa at hakbang paakyat narating ko din ang pakay ko. 

"Yah!"aniko pa ng makapasok ako sa loob.

"Halla!"reaction naman ng babae sa loob ng kwarto.

Sabay pa kaming impit na tili sa gulat namin sa isa't isa.

"Sir Dom, wrong room ka"pigil ang tawa niya ng masalita siya.

Napakamot naman ako sa batok ko ng dahil doon.

"Akala ko dito kwarto siya"alanganin kong sagot.

"Pwedeng padaan nalang dito sa pinto.?"alanganin ko na namang tanong sa kanya.

hay, ang epic lang akala ko tama ang kwarto na pinasok ko iyon naman pala kay Kristine ang napasok ko. 

"May bantay"bulong niya.

Mariing napapikit ako sabay mura ko sa sarili.

Wala akong choice kundi ang sa bintana na naman dumaan, Sinilip ko muna ang labas baka may bantay na sa labas bago ako lumipas sa kabilang bintana.

"Ay Higanteng palaka!"sigaw ni Karen.

Sakto kasi sa pagdungaw ko sa loob ng kwarto niya ang pagsilip niya din sana sa labas ng bintana niya.

"Dominador!"gulat na tawag niya sakin.

Agad siyang sumilip sa labas maging sa baba, kung may tao bago niya ako tinulungan na makapasok sa loob.

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Where stories live. Discover now