Prologue

1.6K 51 2
                                    

Prologue












[A/N: Hello guyseu :) Enjoy reading po sa Prologue ng kwento nina Shania at Gregone <3 Medyo masakit po ito hehe. Maraming salamat po <3 Saranghaeyo <3 God bless <3]








***




"Let's have a divorce..."





May humiwa na malalim sa puso ko dahil sa sinabing iyon ni Gregone. Kahit alam na ng puso ko na iyon ang sasabihin niya ay nasaktan pa rin ito.





Nasasaktan pa rin ako.





Pinigilan ko ang umiyak dahil ayokong mas ipamukha niya sakin ang kasalanang nagawa ko.





Na ako ang dahilan sa divorce na sinasabi niya kahit may kasalanan din siya.





Ako ang unang nagloko. Ako ang unang nagtaksil sa kanya.





Ako ang may kasalanan kung bakit kami humantong sa ganito.





Pero alam ko na... na magiging ganito kasakit. Ang sakit sakit pala talaga! Iyong mga kulisap sa tiyan ay para na silang naghihingalo samantalang ang lakas lakas nila palagi. Naninikip din ang puso ko na para bang ilang sandali lang ay hihinto na ang pagtibok nito. Jeez!





"Kung iyan ang gusto mo... mas mabuti pa ngang maghiwalay na tayo." sabi ko sa kanya at gusto kong purihin ang sarili ko dahil hindi man lang ako pumiyok o umiyak nang sabihin iyon.





Kahit ang totoo ay ayoko! Ayoko! Ayoko ng divorce! Pero ano bang magagawa ko kung iyon na ang gusto niya?




At isa pa... Gusto ko na rin siyang palayain sa kasal na dahilan para makulong siya sa responsibilidad sakin at mapagkaitan ng saya ang buhay dahil hindi niya napili ang babaeng gusto niyang pakasalan.




Gusto kong maging masaya naman siya sa piling ng babaeng mahal niya. At hindi ako iyon. Hindi ako iyon kasi handa niya kong iwan para sa babaeng iyon.




"Ako na ang bahalang kumausap sa mga magulang natin... I know they will understand." malamig na sabi niya na siyang tumarak sa puso ko. Parang napakadali sa kanya na gawin iyon.





Ngayon pa lang na naiisip ko nang sasabihin namin sa mga magulang namin ang tungkol dito... Alam kong masasaktan namin sila ng husto dahil ang akala talaga nila ay masaya kami ni Greg. Masaya naman talaga kami... kung hindi lang nangyari ang mga ito.





"I will talk to my attorney so he can fix everything as soon as possible." wala pa ring emosyon na sabi niya at tinalikuran ako.





Doon tumulo ang mga luha ko. Dahil ramdam na ramdam ko na gustong-gusto na talaga niyang maghiwalay kami agad-agad. Shit! Ganoon niya ba talaga kagusto na iwanan na ko? Na matapos na ang halos apat na taon naming pagsasama? Pero masisisi ko nga ba siya?





Parang pinupunit ang puso ko sa sakit na bumabalot rito. Halos hindi ako nakahiga sa sakit.





Alam kong nagkasala ako sa kanya. Na nagkamali ako.





Pero hindi ba niya ko pwedeng pakinggan?





Bakit ang bilis? Bakit ang bilis niyang magdesisyon na maghiwalay na lang kami? Agad?





Bakit ka umiiyak? Bakit kailangan mo pang tanungin? Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Ikaw!





Mas lalo akong naiyak sa kastigo ng isipan ko.





Dahil tama ito. Kasalanan ko.



Naging marupok ako.



Naging mahina ako.



Kung hindi sana ako bumaling sa iba... Hindi sana siya mawawala sakin.



Nga ba?



Hindi ba at napilitan lang din naman siyang pakasalan ka dahil wala siyang pagpipilian? Dahil iyon ang gusto ng mga magulang niyo?



Paano kapag ito pala talaga ang gusto niya?

Ang maghiwalay kami?



Dahil sa kaisipan iyon ay mas lalong namatay ang puso ko. Ayoko! Pero may magagawa nga ba talaga ako para pigilan iyon?



Kinuha ko ang litrato namin nang ikinasal kami.



Kapwa kami nakangiti sa larawang iyon. Nakangiti...



Masaya...



Pero wala pang isang taon...



Naglalaho nang lahat.



Pwede ba kong humiling at bumalik sa nakaraan? Para maitama ang lahat?



Pwede ba?

O huli na ang lahat.

Dahil maghihiwalay na rin kami.

Hinaplos ko ang nakangiting mukha ni Greg...



The feeling of being Married with the Billionaire's Heir... was a mix of emotions.

I am the Billionaire's Wife.



His wife because we are arranged to marry each other.



And I know... if only he could have another choice... he will never want me to be his...



I am only the Billionaire's Wife in paper...
But not in his heart.



Shit!



Panghihinayang, guilt, lungkot, tampo. Lahat! Sabay-sabay kong nararamdaman ngayon. Pero mas nangingibabaw sakin ngayon ang sakit.



Sakit dahil alam kong mawawala na rin siya sakin.



Sana paggising ko... Hindi totoo ang lahat.



Sana panaginip na lang lahat.



Dahil ang sakit. Sobrang sakit.



***

Waaahhh! Ayan po. Pasensya na po kayo kung hanggang diyan lang po. I will try to update as soon as possible :) Maraming maraming salamat po <3 Good night <3 Saranghaeyo <3 God bless <3

The Billionaire's Arranged Wife حيث تعيش القصص. اكتشف الآن