Chapter 14

5K 169 2
                                    

Thanks Angel Divine Deleon!

Matthew Lei’s POV

“Fuck you, Ken. Wake up," naiinis akong tumingin kay Ken. He's still sleeping.

"What happened to him? Nagsasabi naman siya kapag mag-iinom. Bakit hindi siya nagyaya ngayon?" tanong ni Jin.

Lahat kami walang ideya sa nangyayari sa kanya. Ken is not vocal by his personal feeling, malalim ang lalaking ‘to. He only trust himself.

“I think he has a problem, i caught him once talking to a girl. Mukhang ayaw niya sa babae," si Louise ang sumagot.

“Baliw na 'yan," sabi naman ni Jin.

"I'm not crazy, you idiot. Guwapo,"

Kapwa kami napatingin nang magsalita ang nakangiting si Ken. He's awake. Ngumiti ako sa kanya samantalang ang dalawa naman ay masama ang tingin sa kanya.

"Baka gago pwede pa," dugtong pa niya.

"Dude? What happened? ang hina mo! Hindi mo pa kinaya ang mga ‘yon?" asik ni Louise kay Ken.

I know Ken. Malakas si Ken, sa tutuusin kaya niyang tapusin lahat ng mga lalaking ‘yon, pero hindi ko naiintindihan ang ginawa niya. Bakit kinailangan niya ang tulong ko? When i knew that he can kill those guys.

"I did it on purpose," he said.

Napatingin na lang siya sa kawalan. I knew it, pero sa ginawa niya tinakot niya si Jane.

Suntukin ko kaya ulit ang mukha niya?

"Bakit hindi mo kami inaya?" tanong ni Jin na magkasalubong ang kilay.

"Why are you did that on purpose? What purpose?" Si Louise naman ang nagtanong.

"Sabi ko na hjndi dapat muna ako gumising," aniya at dismayado pa atang nagising siya.

"Gusto mong sapakin kita nang makatulog ka ulit?" agad na tanong ko sa kanya.

Ngumisi naman ito sa sinabi ko. “Chill. ‘Kita mong nabangasan na ang perpekto kong mukha, dadagdagan mo pa!" asik niya sa ‘kin.

Lumayo na ako sa kaniya at umupo sa upuan. Masama ang tingin sa kanya ni Louise at Jin.

"What happened? Bakit nandun si Jane?" tanong ko.

Napatingin naman sa akin si Jin. "Nandun si Jane?"

Tumango naman ako sa kanya. "What is she doing here?" tanong ni Jin naman kay Ken.

"I don't know. I seen him with her boyfriend."

My jaw clenched when i heard what he said. "Boyfriend?” i asked, clarifying if it's right.

"Oo?" sagot niya na parang sigarado siya.

Paano niya maging boyfriend ‘yon e parang bakla gumalaw?

"Hahaha! Nagkaboyfriend pa talaga siya sa lagay niyang ‘yon ah!" malakas na tumawa si Louise ngunit agad din 'yung nawala nang batuhin siya ni Jin ng tissue sa gilid nito.

"And he saw me, he helped me," sabi ni Ken.

Napabuntong hininga ako. That girl. I am damn worried to her, alam kong takot siya sa nangyayari kanina..and if the guy who was with her kanina ay boyfriend niya ay parang hindi ako sang-ayon.

Parang bading. Damn gay. Hindi sila bagay!

E..ano naman ngayon? Tsk. Bakit ko ba ‘to iniisip?

“I seen how she's worried to me, pasabi salamat, Lei." sabi sa 'kin ni Ken, hindi na ako sumagot sa kanya.

“Well..she seems kind..and interesting. I feel like i like her,"

Mabilis akong tumingin kay Ken sa sinabi niya. He started laughing.

He's fucking crazy!

“Dude, are you serious?" jin asked him but he just chuckles.

Mayroon sa akin ang hindi sang-ayon sa sinabi niya. No. She can't like her. Bakit siya? Bulag ba siya?

“Stop that shitty mind of you, ken," sabi ko.

"Why? Bawal ba, Lei? Bawal ba akong magkagusto sa kaniya?"

Sa bahaging ‘yon ay naging tahimik ang paligid. I don't know if he's saying the truth.

“Ken? Are you okay? O..natamaan lang ang utak mo?" tanong naman ni Louise.

"Hahaha! I was just kidding!" nagpakawala ako ng hangin nang tumawa nang malakas si Ken.

"Dude, you're crazy," si Louise na natatawa kay Ken.

"Fucker," jin also whispered.

Natigil ang tawanan nilang tatlo nang pumasok sa loob ang parents ni Ken. Gulat akong napatingin kay Tita at Tito. Paano nila nalamang nandito si Ken e hindi ko naman sinabi?

"Hi Tita..Tito.." binati namin silang dalawa.

Nagkatinginan kaming apat kung sino ang tumawag kila Tita, nang makitang nakayuko si Louise ay agad akong napailing.

Siya nanaman ang nagsabi. Damn you, Louise.

“Ano nanaman ‘tong gulong pinasok mo, Ken!" napapikit ako nang sumigaw si Tita.

“Leave us first," tumingin sa amin si tita.

Lahat naman kami lumabas at hinintay na papasukin ulit kami.

"Sorry..kinabahan kasi ako kanina, e!" sabi ni Louise na nakaupo.

Hindi na namin siya sinisi. Kahit ako rin ay nag-alala, and i know that he is just worried.

But whatever happens to Ken, nandito naman kami sa kanya, hinding-hindi kami mawawala.



Napailing na lang ako nang napagtanto kong hindi ko natanong kung nakauwi na ba si Jane. Agad ko namang kinontak si Manang kung nandoon na sila, nakahinga lang ako nang maluwag nang sabihin ni Manang na nakauwi na sila.

Habang nakaupo ay inaalala ko ang sinabi ni Ken. Totoo ba na boyfriend niya ‘yon?

Gusto kong magalit sa sarili ko kung bakit parang labag sa loob ko ang ginawa niya. Right. I didn't own so wala akong karapatan.

But there was a part of me that disagree. Bakit? Kahit ako ay hindi rin maintindihan ang sarili ko. Ang labo..sobra.



Napatingin kami sa pinto nang lumabas si Tita at Tito.

"Lei, thank you for bringing him here, and Louise for telling me this, and Jin for staying with him. Thank you," sabi sa amin ni Tito.

Ngumiti naman kami sa kanila. "He just need a rest, bukas ay iuuwi na siya. Puwede na kayong umuwing tatlo," pagkasabi non ni Tito ay nagpaalam na kaming umuwi.

Right. They are doctors, kaya alam kong tama ang sinabi nila.








That NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon