The One

25 9 0
                                    


A Short Story by Beatrice Sanchez

"May prayer meeting sa church namin mamayang gabi? pwede ka ba sumama?" break time namin ngayon at kakatapos lang namin kumain.

"Ahh...sige pero anong idadahilan ko kay Papa? alam mo naman yun sobrang strikto nun." napatitig siya sa akin.

"Ako na bahala okay? so sasama ka?" tanong kong muli.

"Oo. Masaya ba dun?" kumunot bigla ang noo niya. "Kasi sa pagkakaalam ko pag prayer meeting kailangan seryoso." I chuckled. "Eh totoo naman eh! kasi syempre simbahan yun diba? kahit sabihin mo pang bahay niyo yun." hinaplos ko ang mahaba niyang buhok.

"Yes masaya kasi may Praise and Worship. Parang sa Catholic lang din na may Word of God ganon pero solemn lang kasi yung takbo ng service ng pang Catholic eh pag Born Again hindi. May part na masaya then may part na solemn or mabagal lang ang tugtugan." hindi pa din maalis ang kunot niyang noo dahil sa pagtataka.

"I promise you'll like there." napawi ang kunot sa kaniyang noo.

"Would they like me?" I smiled and nod. "Pano mo nasabi? kinakabahan ako alam mo ba yun? this is the first time that I will meet your parents, your family. Huwag mo akong iiwan ah?" nagaalala niyang tanong.

"Of course I wouldn't. I will never."

Simula nang makilala ng family ko ang girlfriend ko, lagi na nila siyang hinahanap. Naging madali lang ang lahat. Wala nang nangyaring panunuri at maulan na tanungan. Dahil may tiwala sila sa akin. Nagkaroon na ako ng 2 girlfriends before kaya hindi na ito bago sa family ko.

Nasa iisang school lang kami ngayong third year high school. We're in the same class. I first met her sa isang basketball court.

I don't know when I started to like her. I just found myself giving chocolates and flowers to her. Hindi naman naging mahirap ang panliligaw ko sa kaniya kasi sinagot naman niya ako agad.

Having those long lashes, reddish lips, long black hair, narrowed nose, curvy body and a morena skintone, a lot of men on our age falls in line just to win her heart. But sorry for them because I'm the blessed one who won my baby's heart.

"I love you Haven Rose Montenegro." nakangiti kong sabi sa kaniya.

She smiled at me and said my new favorite music to my ears.

"I love you too Rayver Fuentabella." Agad kong hinalikan ang kaniyang noo.

"Ayieeeee." pang-aasar ng mga kaklase namin sa amin.

I just love this girl so bad.

Regular na siyang umaattend sa church namin tuwing Sunday pati narin sa mga Youth gatherings namin. Napalapit na rin sa kaniya ang family ko at tanggap na tanggap nila siya.

Siya narin ang bassist at ako naman ang lead guitarist sa Music Team namin.

Lagi siyang kasama sa mga family gatherings namin at buti nalang pinapayagan siya. Alam na ng family niya ang relationship namin. But I guess there are still times that the Lord is challenging us in some other way. Her father doesn't like me and that's okay. Time will make him like me.

The OneWhere stories live. Discover now