Kabanata 11

180K 4.6K 535
                                    

Kabanata 11


Cassiopeia's Point of View


Pagkababa ko sa dining room ay naabutan kong kumakain doon si Christopher. Noong nakita niya akong papalapit sa kanya, napansin ko ang sunod-sunod niyang pagsubo ng pagkain. Hindi pa man din ako nakalalapit ay natapos na siya kaagad at parang nagmamadaling umalis.

Naiilang din kaya siya ngayon dahil sa nangyari kagabi?

"Good morning, Christopher." Bati ko sa kaniya. Ngumiti pa ako nang pagkatamis-tamis sa harap niya.

Nakita ko ang pag-ismid niya sa akin kasunod ng kanyang pagtayo para ilagay ang pinagkainan sa lababo. Sungit.

Habang kumakain ako ng almusal ay naramdaman ko ang malakas na pag-vibrate ng telepono ko. Nang tingnan ko ito ay nabasa ko ang text na ipinadala sa akin ni Desiree.

DesireeBantot
Bading, mag-mall tayo. Sale ngayon dali!

E? Wala akong pera, e :(

Treat kita. Sama ka na, ha? I love you, baby. :*

Ayon, libre naman daw pala! E, di go! HAHAHAHA.

DesireeBantot
1PM. SM North, okay? Don't be late. See yah, sweetypie.

Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko na rin kaagad ang aking pinagkainan at saka pumunta sa salas. Nasa mood ako manood ng K-Drama sa oras na ito.

Kinuha ko ang DVD tape ko ng My love from the star at isinalang sa DVD Player. Ang pogi talaga ni Kim Soo Hyun. Lakas maka-chinito! Gosh.

Sobra akong nag-eenjoy sa pinanonood ko nang biglang patayin ni Christopher yung TV. Inis akong lumingon sa kanya saka siya sinamaan ng tingin.

"Bakit mo pinatay? Problema mo?"

"Hindi mo pa ba nakakabisado iyang ka-alien-an na 'yan? Ilang beses mo nang napanood 'yan, ah." Sabi pa niya sa akin. Inihagis niya ang remote doon sa kabilang sofa.

"So, nakikinood ka din pag nanonood ako?"

"Anong masama? First of all, ako ang nagbabayad ng kuryente at nag-aaksaya ka."

"Feeling naman kanyang pera talaga 'yon." Bulong ko sa sarili ko.

Napatingin na rin siya sa 'kin nang masama.

"Oo na, hindi na manonood." Tinanggal ko na yung tape sa player. "Killjoy." Bulong ko pa ulit.

Umakyat na lang ako sa kwarto. Panira ng trip talaga yung lalakeng 'yon.

Desiree's Point of View


Narito ako sa mall ngayon at kanina pa ako naghihintay. Ang tagal naman ng baklang 'yon. Dapat pala ay nagsabay na kaming pumarito para hindi ako naiinip ngayon kahihintay sa kanya.

Nagpapalinga-linga ako sa paligid at tinitingnan kung mayroon na bang Mikael ang susulpot nang biglang..,

"Hoy!!"

"Ay, palakang kalbo!!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat sa kanya.

"Astig na palaka 'yon, ah." Nakangisi pa siya sa 'kin.

Si Alexis lang pala, tss. Napaka pangit na palaka!

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now