CHAPTER 39

1.8K 93 3
                                    

Chapter 39

Nang makalapag ang private jet nila Hillary sa Isla Berde ay wala akong sinayang na oras at tumakbo agad sa nag-iisang bar sa lugar na ito. Hinayaan ko na muna ang lahat ng gamit ko sa  jet nila, alam ko din namang bubuhatin yan ng mga tauhan ni Hillary. Pamilyar na ako sa lugar na ito dahil ilang beses nadin akong nakapunta dito. Mabuti naman at dalawang oras lang ang biyahe dahil nag text sa akin si Hillary na private jet nalang nila ang sakyan ko para maging madali ang pagdating ko.

Hinihingal ako ng makarating sa bar. Humugot ako ng malalim na hininga at binuksan ang pinto. Agad na nagtagpo ang kilay ko dahil walang katao-tao sa bar ngunit sobrang ingay ng disco music at sumasayaw ang disco lights sa paligid.

"Feeling ko maghuhubad na siya sa harap ng maraming tao." napailing nalang ako ng maalala ang sinabi ni Asequia sa akin kanina. Bat ako nagpauto sa hunghang nayun eh private island to. Mga kamag-anak niya lang naman ang pumupunta dito at kapag summer lang naman nila hinahayaan na may bumibisita na turista dito. Tch. Napailing nalang ako at inilibot ang paningin sa paligid. Pumunta ako sa bar counter at nakita ko doon si Xenon na nag mi mix ng drinks. Umupo ako sa sa tool habang tinitingnan lang ang ginagawa niya.

"Where are they?" tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin at binigay sa akin ang ginawa niya. "Margarita cocktail," saad niya at inignora ang tanong ko.

I scoffed at tinungga ang margarita na binigay niya. The salty and sweetness taste of margarita is stuck in my throat. I cleared my throat at nagtanong ulit kung nasaan sina Hillary.

"Nasa taas." kibit-balikat na aniya.

Umakyat ako sa hagdanan at mula dito ay naririnig ko ang ingay sa taas. Mukhang nagkakasiyahan silang lahat. Nang makapasok ako vip room ay nakita ko si Maple na nakahiga sa lamesa habang nag iinuman naman sina Hillary. What the hell?

Biglang napatingin sa gawi ko si Austin at nanlaki ang mga mata niya.

"Wow Uncle Pres!" he clapped his hands happily at tinuro ako kaya napatingin din ang iba sa gawi ko. Napailing nalang ako sa kaabnoyan niya at nilapitan si Maple.

"Bat ang tagal mo?" pasuray na tanong sa akin ni Hillary. Iniluhod ko ang isang tuhod ko at inayos ang kulay pulang buhok ni Maple dahil natatakpan ang mukha niya. She's breathing heavily and i can smell alcohol from her mouth.

"Bat niyo pinainom to?" iningnora ko ang tanong ni Hillary.

"Gusto niya eh." sagot ni Chizka.

I sighed at binuhat si Maple ng pa bridal style. "Saan kayo tumutuloy?" nilingon ko sila habang buhat-buhat si Maple.

"Ah sa hotel kami tumutuloy kaso pwede mo namang dalhin si Maple isa sa pent house namin kung gusto mo."

"Sige." tinanguan ko sila at bumaba na.

"Hoy." tawag ko kay Xenon na nag mimix parin ng drinks.

"Oh?" aniya ng hindi manlang ako nililingon.

"Tsk pauwiin mo nalang lahat ng yun mga lasing na sila."

Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Xenon dahil agad na akong lumabas. Napapikit ako ng mariin ng makitang malayo pa ang lalakaran ko. Damn it.

Nang makarating ako sa penthouse na tinitirhan ko kapag pumupunta dito ay tagaktak na ang pawis sa noo at buong katawan ko. I turned on the lights bago inihiga si Maple sa kama. Kinumutan ko siyaat hinalikan ang noo niya bago ko binuksan ang aircon at pumasok sa banyo. I contacted Hillary at agad niya namang sinagot ito.

"Hey Preston my man." lasing na talagang aniya. Rinig ko din ang hagikhikan at tawanan ng mga kasama namin sa kabilang linya. I looked at my wristwatch at nakitang alas kwatro palang naman ng hapon.

Hidden Identity (Completed)Where stories live. Discover now