"Malaya"By:Kim

18 1 0
                                    

Minsan,Hindi kahit natin naisin, Kailangan nating lumaya

Hindi dahil may nagawa tayong masama

Kundi dahil ayaw nating maging masama

Minsan, Kahit hindi natin gustuhin kailangan nating magparaya

Hindi dahil wala na tayong magawa

Kundi dahil, adlam natin na una palang ito na ang tama

"Ang lumaya"

"Magpalaya"

"Maging Malaya"

Ang lumaya, sa tadhanang hindi natin mawari

Mag-palaya sa sarili nating tila'y nakatali,

At Maging Malaya sa pag-ibig  na di na dapat pa manatili

Mag-palaya sa sarili nating tila'y nakatali,

At maging malaya sa pag-ibig na di na dapat pa manatili 

Dahil minsan ang "manatili"ay isang katangahan.

Bakit pa nga ba tayo mananatili kung palagi nalang tayong nasasaktan?

Ewan, Pero minsan 

Ayaw na nating manatili hindi dahil may iba na tatong pupuntahan 

Kungdi dahil kailangan ang ating sarili na minsan nating nakalimutan

Oo, tayo mismo,ang nagkulong sa ating sarili 

sa hawla ng pag-ibig na minsa'y nabuo.

Dahil sa bulag na panahon

binging pagkataon 

at mga piping mga pagtungon

Kaya ngayon, ang lumaya para sa ating sarili.

ay ang bubuo sa puso nating nagpira-piraso

Upang maisalaysay na natin ang mga dapat na itinugon

Marining na natin ang mga pagkakataon 

at makita ang  dating bulag na panahon 

Pero, Aminin man natin o hindi.

Minsan ilang beses man natin dayain ang tadhana sa huli, tayo parin ang nadadaya 

Ilang beses man natin gawin ang tama sa huli, man parin ang ating ginagawa 

Ilang beses man tayo gumagawa ng tula wala nang silbi, kung hindi naman na nagtutugma

Ilang beses man tayong magbilang ng mga tala wala nang silbi, kung ang ningning ng mga ito unti unti nang nawawala 

Minsan ilang beses man natin tangkain ang lumaya 

sa huli, tayo parin naman ang babalik ng kusa 


Wag AkoKde žijí příběhy. Začni objevovat