CHAPTER 3

284 10 1
                                    

CHAPTER 3

*The New Student*

CZYRINE's Point of View

Nagaantay lang kami na dumating si Ms. Arzel, ang adviser namin. Ang subject na hinahandle niya sa'min ay Math. Napalingon ako sa paligid,

Si Jaycee ay hawak ang phone niya. Paniguradong tinetext niya si Lorenz ng palihim. Okay lang naman ang magcellphone basta wala pa ang prof. Si Lorenz ay ganu'n din, hawak ang cellphone habang nakangiti pa ang loko. Si Kryshia naman ay nagsusulat sa isang papel. Si Nate ay pasimple naman siyang sinusulyapan. Nagpapassing note sila. Tss,

Napabuntong hininga ako at humarap nalang sa board. Ayoko silang tignan, nasasaktan lang ako sa ginagawa ko. Hays, bakit ba hindi ko magawang sumaya?

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto at tumambad 'rito si Ms. Arzel.

Nag goodmorning kami sa'kanya. Marahan niya namang inilapag ang folder at papers na hawak niya sa teacher's table. Tumayo ito sa harap at walang emosyon kaming tinignan, "Class you will have a new classmate, kid please introduce yourself" Aniya at nagulat kami ng tumambad 'rito ang isang lalaki.

Matangkad at may kapayatan ito. Mapupungay ang mga mata niya. Mapula 'rin ang labi nito, animo'y wala itong bisyo sa buhay. Overall, gwapo siya. Mababase mong masungit ito dahil sa tindig ng awra na nakapalibot sa'kanya. Humarap ito sa'min at bored kaming tinignan,

"Russel Lim Vargas" Pagpapakilala nito.

'Yun lang?

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. 'Yun lang talaga? Jusmeyo!

Palihim akong napapalo sa noo ko. Nakita ko ang pagkairita at pagkainip sa mukha nito, maya-maya ay humarap ito kay Ms. Arzel habang pinipigilan ang galit, "Pwede na ba akong umupo?"

Nagitla si Ms. Arzel sa'kanya. Maski kami ay hindi inaasahan na sasabihin niya 'yon. Napapikit si Ms. Arzel dahil sa inis. Ilang sandali pa ay iminulat na niya ang mata niya at matalim na tinignan si Russel 'daw, "I'm Ms. Arzel, your adviser. I hope you know the word, RESPECT!" Pigil taas ng boses ni Ms. Arzel, napangisi lang 'yung Russel at umupo sa tabi ko.

Palihim ko siyang sinulyapan,

Aba! Bastos, Tsk! Tsk!

Napairap nalang si Ms. Arzel sa kawalan at nagsimula nang magturo.
.
.
.

(TIMESKIP: UWIAN)

A/N Sorreh, tamad talaga ang otor

Naglalakad na ako papunta sa locker ko. Habang naglalakad ako ay narinig ko ang mga bulungan sa paligid,

"Omg! Ang hot nung new student"

"Oo nga Sapphire! Ang gwapo pa, sheyyt!"

"Parehas silang gwapo ni fafa Nate!"

"Sang-ayon ako sayo Jean. Iniimagine ko na ang abs ni fafa Nate at Russel!"

"Wait, Russel ang pangalan?"

"Oo besh, narinig ko sa mga kaklase ni fafa Russel. Kyaah! Ang yummy!"

Kinilabutan ako sa mga narinig ko. Mas natakot pa ako sa mga sinabi nila kesa sa mga horror films na napanood ko! Amp.

Hindi ko nalang iyon pinansin at binuksan nalang ang locker ko. Nilagay ko ang mga gamit ko, du'n ko lang napagtanto na hindi ko pala dala ang ballpen ko.

Amputek! Minamalas nga naman oh! Favorite ballpen ko pa naman 'yon.

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa matinding inis, siguradong malalagot ako kay mama kung nagkataon!

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip kung saan ko ba nilagay 'yon ng may tumapik sa balikat ko. Nilingon ko kung sino 'yon at bumungad sa'kin Ang lalaking tranferee na si Russel. Pero nagulat nalang ako na nakatapat ang kamay niya na hawak ang ballpen ko!

Kuminang ang mata ko ng makita kong hawak niya iyon. Hulog ka ng langit Russel!

Tumikhim ito bago magsalita, "Nakita kong nahulog sa upuan mo kanina. Sorry hindi ko nabigay agad" Aniya at inabot sa'kin ang mahiwaga kong ballpen. Tinanggap ko ito at tumitig sa'kanya.

"Don't let it go, if you still have a chance to find it"

Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Naiwan naman akong naistatwa sa posisyon ko. Pakiramdam ko na dobleng ibig sabihin ang sinabi niya sa'kin ngunit hindi ko mabatid kung ano ang nais niyang iparating. Ang alam ko lang ay,

Nalilito ako, nalilito ako dahil hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin...

***

Hello Kyuties! Ito na yung update. Salamat sa pagbabasa😊😊

-Em🌙🌑

Loving Him From Afar✔️ (UL Series #1)Where stories live. Discover now