The Royal Chapter 7

1.8K 124 8
                                    

"Uy Vin diba ngayon ididischarge dapat si Nanay Flor?" tanong ni Lay sakin. Andito na ako ngayon sa loob ng room namin. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa bill at kung gaano ito kalaki. Alam ko mawiwindang to pag nalaman nya. 

"Yun na nga Lay eh, hindi ko pa mababayaran ang Hospital fees."paiyak kong sambit dito. Napahilamos nalang ako sa mukha ko. Frustrated na talaga ako. Ngayon wala na akong ibang option kasi yung konting pag-asa ko sa last option ay wala na. Sobra naman kasi ang lalaki na yun ano ba ang tingin nya sa sex? Disposable? Yung tipong itatapon lang pagkatapos gamitin. Sagrado sa akin ang bagay na yun kaya nga ibibigay sa lalaking pakakasalan ko. 

"Vin may problema ba?magkano pala ang babayaran mo?" tanong ng kaibigan ko sa'kin. Lumapit ito sa akin at hinahagod-hagod ang likod ko para gumaan gaan ng kaunti ang bigat ng kalooban ko. 

"750,000 pesos Lay." maluha luha kong sagot dito. Halata sa reaction ni Lay na nagulat sya. Lord saan ko ba talaga kukunin ang perang ganyan kalaki. Baka ibenta ko nalang ang kidney ko para makakuha ng ganong halaga.

"WHAT! Ano ba naman yan ba't ba naman kasi ang mahal mahal dito, ano ba ang mga gamot na pinaiinom nila sa mga pasyente, may GINTO ba?" malakas nitong sambit habang paikot-ikot sa harapan ko. Ang mahal mahal kasi ng ospital nato isa ito sa mga pinakamahal na ospital sa bansa namin ewan ko ba kung bakit dito ko pinili iadmit si nanay. Baka sa taranta ko narin to at sa kagustuhan kong pahabain pa ang buhay ni mama. Dahil kung sa mga public hospitals kasi ay parang hindi maaasikaso ng maayos at natatakot akong mawalan ng nanay. Ayaw ko pa. Gusto ko pang ibalik ang dating samahan ng pamilya namin. Hindi ko na rin kinaya ang magpigil ng luha at bumuhos ulit ito. Durog na durog na ako ngayon. Parang konti nalang ay mawawala na ako sa katinuan. 

"Oo Lay . . . hik . . . saan ako kukuha nyan. . . hik . . . " sagot ko sa kaibigan.

SOMEONE'S POV

Nasa loob ako ng isang 5 star restaurant and isa din kami sa mga major stockholders dito kaya labas pasok lang ako sa restaurant na ito. That boy is really interesting. He got that features that is very perfect for my million dollar plan. I can't help but smile. This is it, this is the start of my reign, this is where I get the reward for all of my sacrifices before. He is the key to the success of my plan. I was on that situation ng bumukas ang pinto and there I saw the man that will force that boy to do it. The missing piece has arrived.

"Oh hello Mr . . . let me just say former Mr. board member, kumusta ka?"pagbati ko dito. Umupo ito sa harapan ko and I can see his face frown like he's very disgusted to see me right now. Well he should be because the feeling is mutual. Well di naman sya aabot sa puntong yan kung hindi sya naging tanga. He should have played it smart. In business there are a lot of things to consider and most importantly you need to be wise because the wisest beats everyone. 

"Anong kailangan mo sa'kin?" tanong nito at halata sa kanya ang pagka inis. Natawa tuloy ako dahil wala talaga syang kalaban laban sa'kin. Actually, I just forced him to come and meet me here. Well, I used my power. 

"Technically I don't need you, your worthless remember?"But I need him!"pag-abot ko sa kanya ng picture and nakita kong parang nabigla sya sa kanyang nakita. 

"Anong kailangan mo sa kanya?" galit sya. Akala ko pa naman wala na syang pakialam sa anak nya. Oh, I forgot! yung anak pala nya ang nagsusustento sa mga bisyo at layaw nya sa buhay. I see. Kaya naman pala ganoon ang reaction nya dahil mawawalan na sya ng ATM kung saksa sakaling successful ang discussion namin ngayon and I don't want a NO for today either.

"Oh easy . . . chill. Based on my research, naging pabaya ka naman diba, wala ka namang ginawang tama ngayon because you are into your bisyo, ayh wait meron pala, tama lang pala na naging walang hiya ka dahil hindi ka mahihirapan sa magiging kasunduan natin."

"Walang hiya ka." akmang tatayo na sana sya ng biglang humarang ang mga tauhan ko at pinigilan sya.

"Pshhhhh doggy sit, ganyan ba ang dapat na trato ng mga ASKAL sa amo nila?"pang-iinis ko sa kanya. Wala naman syang nagawa kundi ang bumalik sa kinauupuan nya. 

"Well nasa akin na iyon kung ano ang gagawin ko sa kanya but hindi ko naman hahayaan na uuwi ka ng walang dalang buto diba kaya ito ang offer ko sa'yo." dagdag ko. Parang konting-konti nalang at sasabog na to sa galit. tsk, bagay lang naman ang mga nangyayari sa kanya considering how worthless he is.

"Your wife is on the hospital right now. . ." panimula ko but parang napatigil sya and bakas sa mukha nya ang pagkalito. 

"Oh, that's unfortunate of you, you didn't know?" I asked. Yumuko siya and I understand what it means.

"Anyways it's your problem already. However, the major one is the fee and I am very sure that you don't have that 750,000 pesos in your pocket right now? Am I right?"tanong ko dito at base sa naging reaction nya ay napangiti ako, yung ngiting tagumpay. I got this. 

"Pero para hindi ka mahirapan ay dadagdagan ko pa yan ng isang milyon." dagdag ko at uminom ng wine as a sign of success.

"So gusto mong bilhin ang anak ko sa halagang yan?" tanong nito sa'kin. I smiled. This is what I like about him. Madali syang nakakagets. At least, he still got a positive trait. 

LAY'S POV

Pabalik na ako ngayon sa private room galing sa pinakamalapit na fast food chain. Grabe naman kasi tong kaibigan ko halos makalimutan ng kumain. Ako na ang naglibre sa kanya kasi sobra sobra na ang problemang kinakaharap nya ngayon. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong may kumakausap sa BFF ko na isang lalaki na parang sundalo ang tindig at may mga back up pa itong mga lalaki sa likod.

"Vin, anong nangyayari?" bungad ko sa kanila kaya napatingin silang lahat sa'kin. Kinakabahan na ako para sa magiging kalagayan ng kaibigan ko. Para ko na kasing kapatid ko. 

"Lay may pinakita silang papeles sa'kin na binenta na daw ako ng ama ko at kailangan kong sumama sa kanila." pagsumbong sa akin ng kaibigan ko. Pansin ko ang mga namumuong luha sa mga mata nya pero bakit parang walang bahid ng galit sa mata nya. MInsan gusto ko ng sampalin to eh dahil sumobra ata sa kabaitan. Batid kong magbebreak down na naman ito ano mang oras. Shit lang! Naiinis tuloy ako sa ama nya, walang hiya ang taong yun matapos ang lahat ng kabutihan ni Vin ay ito lang ang isusukli nya. Kinuha ko ang kaibigan ko at pinapunta ko sya sa likod.

"Hindi nyo maaaring kunin sya, kukuha kami ng abogado."paggalit kong sigaw sa mga lalaking sundalong kaharap ko.

"Ma'am . . ."unang pasabi ng lider nila.

"Sir ako!" buong tapang kong sigaw sa kanila.

"Ayh, Sir naging kabayaran po sya sa hospital fees dito at legal po ang lahat ng nangyari. Binenta na rin po sya ng immediate family nya kaya kahit sino mang abogado ang kunin nyo ay wala po kayong laban knowing din po sa taong bumili sa kanya ay talaga pong wala kayong kalaban laban."para naman akong naawa sa kaibigan ko para syang aso kung ibenta ng ama nya. Kung naging ama ko yun talagang mapapatay ko sya sa ginawa nya. Napakaimoral ng matandang yun. Wag lang syang magpapakita sakin kasi kukunin ko talaga ang dalawang atay nya at itutubos ko dito sa kaibigan ko.  

"Wala na ba talagang ibang paraan?" naiiyak na tanong ni Vin. Pati ako ay naiiyak narin, naiiyak ako sa sinapit ant sasapitin ng BFF ko. Hindi nya to deserve!

________________________________________________________________________________

AUTHOR'S NOTE:

So ano po, kumusta po ang flow ng story ko. Sana po ay suportaan nyo po ito hanggang dulo dahil ito na talaga ang pinakaunang story na tatapusin ko. Ito pala talaga ang genre na malapit sa puso ko.

Please do vote and comment your feedback guys. Love you all see you sa mga susunod na Royal Chapters

SI Vin po ang nasa multimedia hahays bakit kaya nagawa ng ama nya yun.

Sold to be loved [COMPLETED√] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon