4:kaven

13 0 0
                                    

Britanny's POV

"Hoy Bri gumising ka na dyan!maligo kana may pasok pa!BILIS!" dinig kong sigaw ng bruha kong kambal mula sa labas ng kwarto ko, pero hindi ako bumangon dahil inaantok pako nag party party kami kahapon at napadami ang inom ko hindi naman non uminom si Bre.Pabalik na sana ako sa pagtulog ng marinig ko nanamang may kumakatok sa pinto ko, hindi parin ako umiimik dahil antok na antok pako.

May naramdaman akong nagbukas ng pinto ko pero hindi parin ako bumabangon

"Ahh ayaw mong bumangon?" rinig kong bulong niya at tumango naman ako akala ko ay tatantanan na niya ako pero mali

*SPLASHHHHH!!!*

Bigla akong napabangon sa lamig ng tubig na tumama sa mukha ko! May yelo pa ata dahil may naramdaman akong matigas na tumama sa ulo ko dinig ko ang lakas ng tawa at halos maiyak iyak pa siya habang nakaturo saakin at dahil napota ako sa kanya ay kinuha ko ang basang basa kong unan at binato ko sa kanya pero nasalag naman niya kaya na badtrip pako lalo

Hindi niya parin mapigil ang tawa niya kahit lumabas na siya ng kwarto kaya inis na bumangon nalang ako para maligo, ang aga aga pa naman.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako para kumain nadatnan ko si Bre na hinihintay ako sa lamesa

"Ang tagal mo!Ano bayan gutom nako" angal niya tinarayan ko lang siya hindi parin ako nakakamove on sa nangyari kanina

Habang kumakain ay bigla siyang nagtanong "Oh anong nangyari sa inyo ni Asher?" ibinaba ko ang kutsara ko at tumingin sa kanya ng seryoso

"As always hindi ko siya susukuan like duh! Sanay nako sa ugali niya ayos lang naman kung may girlfriend kuno siya" sambit ko at napatango naman siya

"Wag mong idadamay si Erin dyan ah?" seryosong saad niya at ngumiti naman ako, natapos na kaming kumain at aalis na sana papuntang school pero inalala ko si Erin

"Puntahan natin si Erin ang aga pa oh?Nakain palang yun panigurado" tumango lang si Bre at dumiretso na kami sa unit niya na katabi lang ng amin ginamit ko yung susing binigay niya saakin kahapon, nang mabuksan ko ito ay tumambad saamin ang unit niyang madilim, binuksan ni Bre ang ilaw at agad namang nahagip ng mata ko ang mga poster ng Attack on titan at Ibat ibang action figure kapansin pansin rin ang nag iisang action figure si Levi ata toh na nasa table ito lang yung kaisa isang nakahiwalay t yung iba ay nasa shelf.

Bago ko pa makalimutan ang pakay ko dito ay dumiretso na kami sa kwarto niya binuksan namin ito pero wala kaming nakitang tao sa kama.Naka bukas lang ang ilaw sa banyo niya at rinig namin ang shower

"Erin!!tambay kami dito ah? Bilisan mo!" sigaw ni Bre hindi naman kami naka rinig ng sagot mula sa kanya hinayaan nalang namin siya at umupo na sa sala

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Attack of loveWhere stories live. Discover now