Four

216 14 0
                                    










"Ano nakausap mo na ba?" Tanong ni Mae kay Veronica. Hindi naman ito sinasagot ni Veronica pero mukha hindi ito titigil na guluhin siya hanggat hindi ito nakakakuga ng sagot mula sa kaniya.

"Nakaalis ka na ba sa torpe phase mo ha?" Patuloy pa nito. Busy siya sa kaka-record ng mga quizzes ng mga estudyante niya at kakagaling lamang ni Shantanna dito para kuhanin ang quiz na hindi niya pa natetake. Ang ipinagtataka niya lang ay naka civilian ito, at designer clothes pa talaga ang suot. Simula kasi ng umalis siya sa bahay nito ay hindi na naman siya pinapansin.

"Oh, ikaw naman tulala ngayon. Kwento ka na kasi dali!" Kalabit na naman sa kaniya ni Mae. Bakit ba kasi magkatabi ang office space nila? wala talagang takas eh.

"Ano ba gusto mong malaman ha?" Mahinang tanong niya dito.

"Edi ano pa ba?" Nakahalumbaba ito sa gilid niya at nakatitig sa kaniya. Inirapan niya na lamang ito.

"Nakausap ko siya last week, tinanong ko lang kung okay ba siya." Sagot niya dito at tinaasan lang siya ng kilay ni Mae.

" 'yon lang?!"  Tanong naman nito habang kinunutan siya ng noo. "Ang tagal-tagal mo na panakaw-nakaw ng tingin doon at sa klase ko pa talaga ikaw naglandi! Ang bagal mo naman!" Panenermon ni Mae sa kaibigang si Veronica.

"Teka lang kasi! Hindi pa nga ako tapos!" Panunuway niya dito.

"Nitong Friday nagpunta ako sa unit niya, alam mo naman na sigurong mag-isa lang 'yon diba? Sinabi kasi ng class secretary ko na three days na daw si Shan na hindi pumapasok dahil may sakit. Nag-alala ako kaya pinuntahan k—" Bigla naman nitong hinawakan si Veronica sa dalawang balikat iniyugyog, take note nanlalaki pa ang mata nito na tila hindi makapaniwala.

"Ano— Veronica!!!!!" Sumigaw pa ito sa buong faculty at kilig na kilig pa kaya naman lahat ng guro doon ay napatingin sa pwesto nila.

Nang mapansin nito na nakuha na nilang lahat ang atensyon ay agad na tumayo sa Mae at nanghingi ng pasensya. Iiling-iling at tatawa-tawa nalang ang mga kapwa guro nila.

"Buti pinapasok ka?" Tanong ni Mae ng mahimasmasan na ito.

"Nung una, ayaw niya. Binuksan 'yung pinto pero enough para makadungaw 'yung ulo niya. Napansin ko agad na namumutla siya at namumula ang tenga, sign na naiinitan or mainit ang pakiramdam ni—-"

"Syempre alam mo 'yon, lagi mo ba namang tinitignan." Singit ni Mae. Mahina lang ang pag-uusap nila, enough para silang dalawa lang ang makarinig.

"Ang epal mo." Inirapan agad ni Veronica si Mae. Tinawanan lamang siya nito para mainis siya lalo.

"Ilang minuto rin kaming nagtalo ha. Ang hirap kumbinsihin non! Halos magsigawan na nga kami sa pintuan eh. Pero sa huli, pinapasok niya pa din ako. Pero tingin ko hindi dapat niya talaga ako papapasukin eh, kaso siguro hindi na niya kinaya 'yung sakit ng ulo niya, kasi nung makapasok na kami nakita kong hinilot niya 'yung ulo niya pagkaupo niya sa sala eh."

"Tapos nakita ko sa dining table niya puro cup noodles! Kaya napagluto ako ng wala sa oras." Napahinto saglit si Veronica ng maalala niyang sinabihan siya ni Shantanna na masarap 'yung luto niya. Napangiti siya at pinamulahan ng mukha.

"Hoy. Share mo naman 'yan." Tukoy ni Mae sa pagpula ng mukha niya.

"She said that the food is nice daw." Napangiti siya pero ng maalala niyang tinawag siyang stupid nito dahil nakatunganga ito ay ngayon lang siya nakaramdam ng hiya at syempre hindi niya iyon sasabihin kay Mae dahil aasarin lang siya ng kaibigan.

"I spent the night there. Pinatawagan pa nga ni Shan 'yung family doctor nila sa'kin. Tapos ayon na hindi na naman ako pinapansin ngayon." She told Mae. Veronica decided not to tell everything that Shantanna told her for privacy.

VagabondWhere stories live. Discover now