Maling Akala

23 1 0
                                    

Natutulog na naman siya sa klase niya. Buti di siya pinapagalitan ng teacher nila.

Katatapos ko lang ng pinapagawang seatwork ni Miss ngayon. And as usual, nakatingin na naman ako sa may labas ng bintana ng room namin. 

May isa pang building sa tabi ng building na kinabibilangan ng room namin. 10 feet across our building, katapat na katapat ng room namin ang room niya. Araw-araw, sa tuwing natatapos ako sa gagawin ko, tinitingnan ko siya. Naka-lean sa bintana, nakasabit yung earphones sa tenga niya at mukhang mahimbing na natutulog. Nakaka-curious tuloy siya. Ang alam ko lang, ang room kung saan siya pumapasok ay isa sa mga rooms ng Grade 8.

"Awts. So grade 8 siya? Eh grade 10 tayo eh," sabi ng kaibigan kong si Eila nang mabanggit ko sa kanya yung lalaking yun.

"Bakit, masama bang magka-crush sa kanya? Eh crush lang naman eh," depensa ko sa kanya.

"Ang alam kong gusto ng isang Rina Santos ay ang lalaking mas matanda sa kanya. Anyare sa'yo?"

Di na lang ako nakasagot sa kanya. Ano magagawa ko? Eh sa na-curious ako sa lalaking yun eh.

Pero di ko in-expect na sa bawat araw na lumilipas na lagi ko siyang nakikita, nagkakaroon ako ng weird feeling. Sa tuwing nagtatama ang tingin namin kapag tumitingin ako sa labas ng bintana, parang trip ng puso kong kumawala sa'kin at magpaangkin sa kanya.

Tuwing may pagkakataon ako, tina-try ko siyang hanapin sa second building. Di naman sila magtataka na may grade 10 na napadpad sa second building dahil nandoon ang nag iisang library ng campus namin.

Pero kapag napapadpad ako sa room niya, laging di ko siya naaabutan. Tinry ko ring magmasid sa cafeteria pero wala pa rin. Parang pinaglalayo kami ng tadhana.

Isang araw, napaaga ang pagpasok ko.

Naglalakad lakad lang ako sa buong campus nang mapadaan ako sa isang vacant room—na parang hindi yata. May narinig akong parang nagtatawanan sa loob—no, scratch that—parang nag-iiritan. Yung tipong ipit yung boses sa sobrang kilig. Dahil siguro sa curiousity at likas na pagiging usisera ko, sumilip ako sa may uwang ng pintuan. May lalaking nakaupo sa may lamesa at parang tawa ng tawa habang may kausap ito. Hindi ko masyadong maaninag kung sino yung kausap nung lalaking nakatalikod sa'kin.

Pero nung lumapit yung lalaki sa kausap niya para bumulong dito, kusang bumukha yung bibig ko ng makita ko na yung kausap pala nung lalaki ay yung lalaking gustong gusto kong makausap. Mas nagulat ako nung parang kinilig pa siya sa binulong ng lalaki sa kanya at di pa nakuntento kasi niyakap niya pa ito habang bahagyang namumula ang mukha. Tapos sinubsob niya pa yung mukha niya sa leeg ng kausap niya. Hindi ko alam kung bakit natuod ako sa kinatatayuan ko. 

Parang pinupunit yung puso ko. 

Hindi ko na rin alam kung anong naisip ko nang tumakbo ako palayo. Parang may sariling utak ang mga paa kong lumayo papunta sa hallway. Di pa nga kami nagkakakilala tapos brokenhearted na agad ako. Sino ba naman kasi yung nagsabi na umasa ka Rina?! Naiinis ako sa sarili ko kasi hinayaan ko pang umasa ako para lang sa wala!

Nanlalabo na yung mata ko dahil sa mga luhang lumalabas dito. Di ko na namamalayan yung daan basta mabilis akong naglalakad palayo sa kanila.

Oo na, mukhang mababaw pero nakakainis na ang bilis kong ma-inlove sa isang taong nakikita ko lang sa labas ng bintana namin.

Nang biglang may nakabangga sa'kin—or should I say, ako ang nakabangga sa kanya.

Dahil nanghihina ang tuhod ko, napasalampak na lang ako sa sahig.

"Miss, ok ka lang ba? Sorry, di kasi kita nakita agad."

Tiningala ko yung lalaking nakabangga sa'kin.

Di ko alam kung baka epekto lang 'to ng nakita ko kanina pero kahawig niya yung lalaking pumunit ng puso ko. Tino-torture ata ako ng tadhana.

Nanghihina akong humagulgol ng iyak. Baka sakaling maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Hinatak ako ng lalaking nakabangga ko patayo saka ako niyakap. Tumatapik-tapik ang kamay niya sa likuran ko. Nang-aalo.

Dahil siguro sa halo-halong emosyon at pangangailangan ng comfort, hinayaan ko na lang siya.

"Sige, iiyak mo lang 'yan. Dadamayan kita. Kung iniiyakan mo siya ngayon, hindi siya para sa'yo.  'Wag kang mag-alala dahil andito na ako. Kaya ako na lang. Please?"

Maling AkalaWhere stories live. Discover now