𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 1

213 10 1
                                    

                 C H A P T E R  1
         ✎﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

𝓚𝔂𝓵𝓪 𝓜𝓪𝓮'𝓼 POV
Napatingin ako sa paligid ko at lumabas ako ng sasakyan, natumba ako at tumingin sa paligid ko, ang raming tao. Tumayo ako at nilibot ang paligid, sobrang rami ng tao sa paligid, bigla akong naka rinig ng ambulansya at napa tingin ako rito. May kinuha silang mga tao sa mga sasakyan, nakita ko na binuksan nila ang sasakyan na kung saan ako galing. Hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko at napa atras pa ako. Napa takip ako sa bibig dahil sa gulat, hindi maari!!.

Sinundan ko ang katawan ko na dala dala ng mga nag rescue, nakita ko rin ang mga artist na aking hinahangaan, at lalo akong nang hina ng makita ko ang katawan ng mga Idol ko na sinasakay rin sa ambulansya. Hindi ako maka paniwala, patay na ba ako??.

"Hindi ka pa patay pero malapit na" nabigla ako ng may biglang sumalita sa likod, napa lingon ako at isang lalaking naka full black na damit, may sumbrero sya at biglang may kinuha na notebook, sa jacket nya.

"Sumunod ka" sabi nya kaya sumunod ako, biglang nasa ospital na ako at andun ang katawan ko, ang pamilya ko ay andun at umiiyak, lalo akong napa takip sa bibig ko.

"Hindi pa naman ako mamatay di ba??" Sabi ko

"Malapit na, dalawang araw nalang at mamatay ka na, dito ka lang dahil yung kasama mo sa aksidente ay susunduin ko na, ngayon na ang pagkamatay nya" sabi nya

"Teka, sino ka ba?? At sino ang namatay?? Yung BN7 at Sweet Fantasy mamatay rin ba??" Tanong ko

"Masyado kang matanong, Ako ang Grim Reaper, si Zachary ang sunod, ngayon ang kamatayan nya, sya ang bumangga sa sasakyan mo, sinundo ko na ang BN7 kanina lang, hindi tagumpay ang operasyon, pagkatapos mong operahan, mga dalawang oras sinundo ko na sila, yung aksidente ay 10 oras na, nag skip lang tayo ng oras para mas mapa dali, una kung sinundo doon ay si Zach, pina paalam ko lang sya, at sunod ang Sweet Fantasy, na nag papaalam lang din, kaya yun din ang gawin mo" sabi nya at biglang nawala.

Napatingin ako kina Mama na hanggang ngayon ay umiiyak. Niyakap ko sya sa likod.

"Ma, malapit na daw akong mamatay, magpaka buti kayo ahh, wag kayong masyadong umiyak, malulungkot ako nyan, babantayan ko naman kayo ehh, kaya wag kayong mag aalala, andito lang ako" sabi ko at biglang may narinig akong takbohan.

May biglang pumasok sa pinto, kapatid ko pala si Jaymee. Dali dali syang pumunta kay Mama kaya umalis ako sa likod nya.

"Ma!! Yung lalaki na naka bangga kay Ate, patay na daw" sabi ng kapatid ko. Totoo nga ang sinabi nya at susunod ang Sweet Fantasy.

"Sana hindi yan mangyari kay Ate, mabuhay ka naman Ate ohh, malulungkot kami kapag wala ka" sabi ni Mallen.

Nakarinig pa kami ng takbuhan sa kabilang kwarto at marami ang mga ito. Lumabas naman si Jaymee at may tinanong na isang nurse.

"Ohh ano daw??" Tanong ni Mama

"Ehhh Ma!! Sabi daw nya yung Katty daw tumutunog yung ganon ohh!! *turo sa makina* humihina na daw ang puso" sabi ni Jaymee

"Kawawa naman, pero sana naman ay wag yan mangyari sa ate nyo"malungkot na saad ni Mama. Niyakap ko ulit sya sa likod, "Ma, Sorry! Iiwan ko na kayo, kahit na ilang ulit nyo yan sabihin hindi magbabago na mawawala na ako, sorry!! At paalam na po!!" Sabi ko at inalis ang pagkakayakap kay Mama, umiyak ako pero walang luha dahil sa kaluluwa lang naman ako ehh.

Lumabas ako ng kwarto at bigla kong nakita ang Grim Reaper na kasama ang dalawa, si Zach at si Katty, parang nag uusap sila at parang nag mamaka awa sila, pero hindi sila pinapayagan. Biglang may bumukas na portal at pinapasok sila, wala silang nagawa kaya pumasok na sila. Naglakad ang Grim Reaper patungo sa isang kwarto at parang hindi nya lang ako pinansin, naka kita ulit ako ng isang Grim Reaper pero babae ito, pumunta sya sa isang kwarto at biglang may lumabas na lalaki doon at tumatawag ng nurse, mamatay na ang nasa loob ng kwarto.

𝕬𝖋𝖙𝖊𝖗 𝕯𝖊𝖆𝖙𝖍 𝕬𝖈𝖆𝖉𝖊𝖒𝖞 [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora