ELY

4 0 0
                                    

"Puting Tuwalya"
[Short Story]

     Ako si Elyse isang BEeD student. My friends used to call me Ely dahil boyish ako. Not just boyish pero, I'm a lipstick lesbian to be exact. Nakipagrelasyon sa mga lalaki pero di talaga nag wowork . 18 ako noong una akong makipag relasyon sa babae pero di rin Naman nag tagal naghanap kasi Yung gagong Yun ng lalaki di nakuntento sa akin.
      Malapit na akong maka graduate this coming March. I'm so down ng isang araw may nakilala akong isang babae na nagpabago ng buhay ko ng sobra. Siya yung babae na iibahin ang ikot ng mundo mo. Lilindulin ang tahimik mong buhay at kapag nawala siya tiyak gugunaw ang mundo. Ang pangalan niya ay Natasha.

*Sa tindahan , around 4am . Yan ang Oras ng gising ko 8:30am Kasi ang pasok ko, pero dahil mabagal akong kumilos at napaka daming thesis gumigising ako ng maaga kaya naka salubong ko ang babaeng laging naka tapis ng puting Tuwalya*

"Gooooooooood Moannnniiinngg Mamang!!!! Arrriibaaa!!! " Pag bati niya kay Mama Mia na nasa ibabang tindahan ng dorm namin. "Magandang umaga naman Sha, ano bibilhin mo nak?" Tanong ni Mama Mia . Tanging pag nguso at kindat ang isinagot ni Natasha. *Chuckle* Haha, Sigarilyo pala ang ibig niyang sabihin. Binigyan ni Mama Mia si Natasha ng isang kaha na malboro blue. Tapos umupo si Natasha sa tabi ko. Inakbayan Niya ako sabay Sabi ng "Mag toothbrush ka Kasi kagaad paggising mo para hindi ka mahirapan mag salita aa umaga" sabay tawa. My heart started to pound . Putek baka marinig na niya Yung tibok ng puso ko . Then after that she pat my head like a dog and said "See you around" sabay sindi ng Sigarilyo "Ciao" huling paalam niya.

"O??, Ang mata baka malaglag kakatingin. Wala na siya saka ka titingin sa malayo" Sabi ni Mama Mia sa akin ng mapansin niya na naagaw ni Natasha ang pansin ko. "What's her name?" Tanong ko. "Natasha, Yan ang pakilala niya. Yan din ang tawag sa kanya ng mga tao dito." Sagot Ni Mama Mia. " Hindi ba siya natatakot na masilipan?" Curious na tanong ko dahil tanging puting tuwalya Lang talaga ang nakikita ko na suot niya. Tuwing makikita ko Kasi siya may naka patupat na Sigarilyo lagi sa kanyang mapupulang labi at nakatapis siya ng isang puting tuwalya. "Tinanong ko na din siya noon tungkol sa bagay na Yan, Pero sinasabi Niya Lang ...Ma, wala na akong itatago kilala ako a buong ermita na pokpok ano pa ang itatago ko?. Pero nak, Alam mo siya na Yung pinaka mabait at totoong tao na nakilala ko sa lahat ng mga naninirahan sa dorm niyo." Pagkukwento Ni mama Mia . "Bakit naman Po?" Muling pagtatanong ko. "Pag may pera Kasi yang batang yan nagpapadala siya sa probinsiya nila ng twenty thousand, tapos aalis na tapos pag umuwi yan napaka daming bitbit na pagkain karamihan dinadala niya dito itinda ko daw. Pag binibigay ko ang napagbentahan Hindi Niya tinatanggap sabi niya itabi ko lang daw para sa kanya . Tapos bukod pa Yung binibigay niya na fifty thousand sakin monthly. Itabi ko Lang daw para incase of emergency sa akin o sa kanya. Yung mga anak ko nakatapos  lahat dahil sa tulong Niya Kaya nga tuwang tuwa sa kanya ang mga anak ko kahit na mas Bata siya sa mga ito siguro nasa nineteen years old Lang Yan. Pero ang lalaki na ng pera na nahahawakan. Siya din ang tumulong sa asawa ko na mapagamot ang kidney . Naka ngiti siyang tumutulong. Kilala din siya sa simbahan sa pagiging matulungin malaki daw Kasi magdonate , Alam mo naman pag malaki ang binibigay mo walang taong huhusga sayo kahit ano pang propesyon mo . Pero ganun pa man wala Naman talagang dapat humusga sa kanya dahil nga napaka matulungin ng batang iyan. " Pagkukwento ni Mama Mia.

Yun ang unang beses nalaman ko ang back story Niya. Mali pala ang tingin sa kanya ng mga dorm mates namin. Halos wala siyang kaibigan dahil sa trabaho Niya. At iba't ibang lalaki na naglalabas pasok sa kanyang kwarto. Simula noon tuwing alas tres ng madaling araw kumakatok siya sa pintuan ng kwarto ko. May dalang pagkain. Nakikiligo at humihiga sa higaan ko . Napaka amo ng mukha niya tuwing natutulog . At napaka giliw ng kanyang mga ngiti kapag gising naman . Malinis siya sa bahay. Ako Kasi weekly mag lalaundry pero Simula nung pumapasok na siya sa kwarto ko para akong naka kuha ng labandera at tagalinis ng bahay. Kahit mga thesis ko siya ang tumatapos napapatanong ako tuloy sa sarili ko ano pa ba ang Hindi Niya kayang gawin? . Napaginhawa Niya ang buhay ko. Lumalabas kami every morning ng weekend dahil may trabaho siya sa gabi. Alam Niya din ang Oras ng break time ko Kaya naman inaantay niya ako palaging lumabas ng school . Napaka dami niya laging baon na masasayang kwento kaya nawawala ang stress ko sa school. Hanggang isang araw , matapos ang ilang buwan  na kulitan tawanan at iba pang masasayang pagsasama .

         Napagdesisyunan ko na ligawan siya. At di Naman siya nag atubili na sagutin ako . Hanggang may nangyari samin . At unti unti na siyang nagbago. Nagkaroon siya ng maayos na trabaho sa isang call center company. Maayos Naman ang pagsasama namin walang problem parang napaka perfect talaga. Hindi namin nagagawang mag away dahil napaka galing niyang mag adjust at maka intindi . Pero isang araw

*Day100*

        Balak ko siyang sopresahin. Tatlong araw na Kasi kaming di nagkikita nauwi din Kasi ako sa probinsiya. May dala akong cake na black forest , blue roses, at malaking teddy bear stuff toy para sa kanya.

         Marahan akong pumasok sa kwarto Niya na bahagyang naka bukas. Maayos ang kwarto Niya tulad ng dati ngunit ang baho ng amoy na nanggagaling Kung saan . Nilibot ko ang buong paligid ng kwarto . Pero wala siya. Binitiwan ko muna ang aking mga dala at dumiretso sa aking kwarto baka Kasi doon siya natulog pansamantala habang wala ako. Pero wala padin siya . Medyo kinabahan na ako pero naging buo padin ang aking loob. Kaya pinuntahan ko si Mama Mia tinanong ko Kung nakita niya si Natasha pero ang sagot Niya "ilang araw ko na siyang di nakikitang dito , matapos na lumabas ang tatlong lalaki galing sa kwarto niya. Alam ko costumer Niya Yun dahil sila Jude, Marko at Danielle yun na anak ng mga politiko." Sagot niya. Doon na ako mas kinabahan . Kaya nagpasama ako Kay Mama Mia nabanggit ko Kasi na may mabaho sa kwarto ni Natasha . Pilit namin hinalughog ang buong kwarto hanggang sa tumawag na kami ng mga pulis na nanging sanhi para maalarma na ang mga dormmates namin. Hindi talaga Makita siya Natasha . Lumipas pa ang ialng araw mas lalong tumindi ang amoy . Tila nabubulok na si malaman . Talagang nakakabaliktad ng sikmura . Hanggang sa matunton ng investigation team ang nagbabagsakan na mga uod mula sa kisame ng kwarto ni Natasha . Nakatulong din ang mga aso sa paghahanap . At doon na nila nakita ang bahid ng dugo . Tanabtab nila ang plywood na tila nilagay Lang muli at tumambad sa aming lahat at naagnas na katawan ng . Pinaka mamahal kong si Natasha  .
Pilit Kong idiniin ang mga salarin ngunit makapangyarihan ang kanilang pamilya. Hanggang naalala ko ang video camera na niregalo ko sa kanya madalas niya itong paglaruan sa Gabi. Dahil ginagaya niya ang palabas na napanuod namin na paranormal activity .

Ang video camera ang naging sagot sa lahat. Mula aa pagtatapat Niya ng pag ibig sa akin at hanggang sa pagpatay sa kanya ng mga lalaki . Nakulong sila ng panghabambuhay .

Pero Hindi na maibabalik ang buhay ng nobya ko. Hindi na maibabalik ang matatamis na mga ngiti Niya, Hindi na maibabalik ang mga halik na sinasalubong Niya sa akin upang ako ay gumising sa pagkakahimbing. Ang makulay Kong buhay tila naging matamlay buong dorm naging matamlay. Wala nang kumakanta ng napaka lakas , wala na ang babaeng naka suot Lang lagi ng puting Tuwalya, wala na ang babaeng nangungulit sa mga pari at madre. Wala na ang babaeng magbibigay ng magandang pagbati sa umaga Ni Mama Mia . At higit sa lahat . Wala ang babae na pinaka mamahal ko .

Muli ako si Ely salamat sa pagbabasa. . .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

one shotWhere stories live. Discover now