Chapter 10: Stronger

311 10 0
                                    

LOU's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas mula 'nung magkaayos kami nila Mitch at Shawntel, hindi ko rin naman sila matitiis dahil sobrang mahal ko 'yung magkapatid na 'yun. Sa dami ba naman ng naitulong nila sa buhay ko, hindi naman ako makakatagal na hindi sila makasama.

Ilang araw na rin kami'ng nagstay ni Gabriel sa bahay nila daddy, nagdecide kasi kami na dito muna kami habang magulo pa ang lahat at habang nasa ospital si Andre. Mas lalo lang naman ako'ng malulungkot kung nasa bahay ako dahil bawat sulok ng bahay na 'yun ay may magandang memories ako'ng naalala. At si Andre 'yun.

Si Shawntel halos dito na rin nakatira sa'min dahil ayaw naman daw niya'ng isipin ni Dudz at ng ate niya na lagi siya'ng nakikisiksik sa kanila. Hinayaan ko na rin si Shawntel na dito muna sa'min para may makasama ako at makakwentuhan sa kwarto.

Tulad na lang ngayong gabi, dito matutulog si Shawntel sa bahay kaya magkasama kami sa kwarto, at si baby Gabriel naman nakatulog na sa crib niya.

"Shawntel." tawag ko sa kanya habang nagla-laptop siya sa may desk ng luma ko'ng kwarto.

Napatingin siya sa'kin, "Yes, LouLou?" tawag naman niya sa'kin at kaaga din siya'ng bumalik sa ginagawa niya, "Sorry ah, ang dami ko din kasi'ng inaasikaso sa kabila ng nangyari sa business ko."

Tumango naman ako, "Gusto ko lang sana itanong kung talaga ba'ng wala ka ng balak makipagbalikan kay Vince?" tanong ko sakanya. Napatingin naman siya sa naging tanong ko, "Alam naman natin pare-pareho na sinusubukan ni Vince na makuha ka ulit diba? Wala na ba'ng pag-asa?"

Hindi naman kaagad nakasagot si Shawntel.

Well, hindi naman talaga madali'ng sagutin 'yung tanong ko, lalo na sa nangyari sa kanila ni Vince. Hindi biro ang pinagdaanan niya'ng sakit. At hindi rin naman biro ang kasalanang nagawa ni Vince.

Sinarado niya ang laptop niya at naging seryoso na ang mukha niya.

"Oo, nakikita ko na sinusubukan niya'ng pagkatiwalaan ko ulit siya, at sa maniwala din kayo o sa hindi, sinusubukan ko rin naman ang intindihin siya." paliwanag niya sa'kin, "Kayalang, sa tuwing naalala ko 'yung mga gabi'ng hinihintay ko siya'ng umuwi galing sa trabaho niya, naawa ako sa sarili ko e."

Ilang beses ko na ba'ng nasabi'ng naging magulo ang relasyon ni Shawntel at Vince mula 'nung makunanan si Shawntel? Grabe ang mga naging awayan nila, pero mararamdaman pa rin ang pagmamahal nila para sa isa't isa, dahil ganon naman talaga 'yun e, kahit gaano pa kalalim ang awayan niyo, lalabas pa rin ang totoo na mahal niyo ang isa't isa. Dahil 'yun ang tunay na pag-ibig.

"Lou, hindi ko sinasarado ang posibilidad na pwede pa kami." sagot niya sa'kin. Tumayo ako at lumapit sa kanya at patuloy siya'ng pinakinggan, "Pero sa ngayon kasi kailangan ko muna'ng ibalik 'yung dati'ng Shawntel na buo, masayahin at mahal si Vince, ngayon kasi sobra sobra ako'ng naninibago sa sarili ko."

Naupo ako sa isa'ng arm ng upuan ng inuupuan niya at inakbayan siya, "Bakit mo kailangan ibalik 'yung dati'ng Shawntel? Kung pwede ka naman magsimula ulit?" tanong ko sa kanya at hinimas ko ang buhok niya, "Hindi mo ba naisip na kung ibabalik mo 'yung dating Shawntel, e di babalik ka rin sa kinalalagyan mo ngayon. Kaya kesa bumalik ka ng bumalik, magsimula ka na lang ulit ng bago. Likewise with Vince, magsimula ulit kayo'ng dalawa."

Napatingin naman siya sa'kin na para ba'ng tinatanong niya kung worth it ba kung saka-sakaling magsisimula ulit sila.

Kinuha ko 'yung kamay niya at nilagay sa tapat ng puso niya, "Alam na niyan na si Vince pa rin ang laman niyan. Ikaw na lang ang in denial." sabi ko sa kanya.

When Lifetime BeginsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora