◇ Twenty Five ◇

1K 45 36
                                    

JINAH'S POV

"Minho matulog ka na, 10 pm na ng gabi oh" sabi ko kay Minho habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko.

"Ayoko, baka pag gising ko wala ka na sa tabi ko, katulad kanina, yung mga unggoy na yun ang bumungad sa akin hindi ikaw" sabi niya at yumakap sa akin.

Kaming dalawa nalang ni Minho ang nandito dahil pagkadating ko kanina ay pinaalis na nya agad yung iba dahil gusto daw niya akong masolo. Pero bago sila umalis ay kinausap ko muna sila sa labas para itanong kung anong nangyari kay Minho.

"Nabangga kasi ang kotse ni Minho sa poste buti nalang di siya nabalian ng buto pero tumama ang ulo nya sa manibela at nagkaroon siya ng amnesia, pero pili lang, kaya siguro akala niya kayo pa"

"Jinah pwede bang mag panggap ka na kayo pa ni Minho, tulungan mo din siyang maibalik ang lahat ng ala ala niya"

Dahil nga marupok ako at mahal ko pa 'tong gagong to, pumayag ako.

"Matulog ka na, pangako hindi kita iiwan" sabi ko

"Okay, pero kiss mo muna ako " sabi ni Minho

Putangina.

"Matulog ka na! Isa"

"Dalawa!" Sagot niya. Inirapan ko naman siya.

"Dali na, isang kiss lang at matutulog na ako" sabi niya. Umirap ulit ako pero deep inside gusto ko, de charot landi ko talaga.

"Isa lang ha" sabi ko, tumango naman siya habang nakangiti. Umirap ulit ako at hinalikan siya. Kakalas na dapat ako nang hawakan niya ang batok ko at diniinan ang paghahalikan namin. (shet ano ba 'tong pinagsusulat ko HAHHAHA)

Kumalas na siya at hinalikan ang noo ko. "Goodnight Babe, I love you" sabi niya pagkatapos niyang halikan muli ang labi ko.















aAAaaAaHhhHhH... salamat ng marami sa inyooo 1k reads na AAAHHHH SALAMAT TALAGAAA ㅠㅠ

𝐜𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 : 𝐌𝐈𝐍𝐇𝐎 √Where stories live. Discover now