Chapter 40: Kidnapped

317 6 0
                                        

Tanya POV

Kanina pa ako naka upo sa sofa habang hawak ang inhaler ko. Si Zack naman ay kausap parin ang mga polis kasama ang ilang katulong namin.

"Ma'am Tanya, inom po muna kayo ng tubig. Namumula po kayo." Napa lingon ako sa isang katulong namin na may hawak na tubig. Tinanggap ko yun at ininom saka tumingin sa kanya.

"What's your name?"tanong ko.

"Angela po." Sagot niya.

"Nasaktan ka ba? May nasaktan ba sa inyo?"tanong ko.

"Wala po. Natatakot lang po kami para kila Seniora at Madam." Sagot nito habang naka yuko.

Tumingin ako sa ilang katulong namin na kausap ang polis. Umiiyak sila at halata sa kanila na natatakot sila.

"Angela Right?"tanong ko. Tumango tango siya.

"Mamaya pagkatapos kausapin ng mga polis yung iba mong kasama. Sabihin mo na ihanda lahat ng gamit niyo at pumunta sa airport."sabi ko.

"Po ma'am? Tatanggalin niyo na po ba kami?"napa kunot ang nuo ko sa tanong ni Angela.

"No, mag babakasyon kayo sa London. Isang buwan kayo don sa bahay ko para mawala mga takot niyo. Bibigyan ko kayo ng pera para pang gastos niyo. May private plane ako sa airport, yun na ang sakyan niyo. Ipapa assist ko nalang kayo sa kakilala ko." Sabi ko at inirapan siya.

"Ma'am Tanya." Muli ko siyang tinignan. Umiiyak ba siya?

Bigla akong nagulat ng yakapin niya ako.

"salamat po." Parang unti unting natunaw ang yelo sa puso ko ng sabihin nya ang salitang iyon. Napa pikit ako at dahan dahan siyang tinulak palayo sa akin.

"Wag mo nang uliting yakapin ako kung mahal mo pa ang trabaho mo." Sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

"Saka wag mo ngang isipin na mabait ako. Wala akong puso at nananakit ako." pataray kong sabi saka senenyasan siya.

"Patapos na sila. Kausapin mo na sila. Alis sa harap ko." Sabi ko saka binalik
Ang paningi  ko kay Zack na hinatid ang mga polis palabas ng bahay. Napa tayo ako ng muling bumalik si Zack.

"anong sabi?"tanong ko.
Lumapit siya sa akin.

"Maaari daw na kidnaping ang naganap. Inaalam pa nila kung may naka alitan ba ang lola at mama mo para gawin yun." Sabi niya at niyakap ako.

"Ayus ka lang ba?"bulong niya. Tumango tango ako.

"Maaayus din ang lahat. Mababawi din natin ang lola mo." Sabi niya kaya napa ngiti ako.

"salamat."sabi ko at niyakap siya pabalik.

"Ma'am Tanya... May tumatawag po sa telepono." Napa kalas kami ni Zack sa isa't isa at hinarap ang katulong na nag salita. Ibinigay niya sa akin ang telepono.

"Hello."

(Tanya apo? Asan ka? Tulungan mo kami)

(anak tulong!)

(Ahhhhh!)

(Mama!)

Agad akong kinabahan ng marinig ko ang sigaw ni Lola sa kabilang linya.

"Hello ma? Lola nasan kayo? Sabihin niyo kung nasan kayo!"

(Anak nasa madilim kami na----)

(Hello dear Tanya.) Agad umakyat lahat ng galit ko sa ulo ko ng marinig ko ang boses ni Veronica.

"Hayop kang ahas ka. Anong ginawa mo sa lola at mama ko!?"

(chillax Tanya Dear. Nag sasaya lang kami. We're celebrating your 1 year and something month with Zack. Is it amazing?)

"Ibalik mo ang lola at mama ko. Wag kang mandamay ahas ka."

(Hahahaha bitch i want to play. Play hide and si--)

"Letche! Sabihin mo nalang sakin kong anong kailangan mo?! Pera? Bahay? Eroplano? Sabihin mo! Ibalik mo lang ng maayus ang lola at mama ko!"

(Hahahahaha triggered.hindi pa nga ako nag eenjoy sa laro, masyadong mainit ang ulo mo kaya di ka nasaya eh.)

"I don't have time for shit Veronica. Tell me what do you want."

(I want Zack, i want you to get out of his life and i want you gone.) Naiyukom ko ang kamay ko sa sinabi niya.

"Letche kang ahas ka. Alam kong obsessed ka sa boyfriend ko pero di ko inakala na psycho ka."

(sweet but a psycho dear yeah its me. Naging Psycho lang ako ng malaman kong may iba nang nagugustuhan ang Zack ko.)

"FYI hindi mo pag mamay ari si Zack."

(But i think soon he will be mine. Kasi kung hindi yun mangyayare kakanta ang Bigbang ng bang bang bang habang pinapaulanan ko ng bala ang ulo ng lola't mama mo.)

"Baliw ka na talaga."

(Hahahahahah mamaya sa abandonadong pabrika itetext ko ang address at siguraduhin mong kayong dalawa lang ni Zack ang pupunta dahil kung hindi.... Mag papahanda na ako ng dalawang kabaong para sa lola't mama mo.)

"Hayop--"

*toot tooot.

Naihagis ko nalang ang hawak kong telepono sa pader sa inis at galit na nararamdaman ko.

Baliw na siya. Nababaliw na siya!

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Bad Girl In LoveWhere stories live. Discover now