Chapter 1

122 8 0
                                    

REVISED CHAPTER...

Lotus' POV

"Ano ba, Lotus? Ganyan ka na lang ba talaga ha? 'Yan ba ang buhay na gusto mo? I'm sure this is about Kai again..." Hindi na naituloy pa ni Mommy ang pagsasalita nang agad ko siyang sansalahin.

"Why mention him? Labas si Kai Red sa usapan. At bakit ba nakikialam ka na parang nag-aalala ka sa akin? The last time I checked wala ka namang pakialam sa akin? What changed?" Kunot ang noo ko, hindi nagugustuhan ang patutunguhan ng usapang ito.

"Gusto lang kitang mapabuti..." Paismid akong napa tawa sa narinig.

"Can you hear yourself? Bakit mo ba ito ginagawa?" Humakbang ako nang isa, mas lumapit pa sa kaniya. "Can we go back to the time where I'm like the air to you? I go pass you like nothing, like I'm nothing? Can we do that?" Tanong ko pa saka bahagyang lumayo sa kaniya. "Stop putting a show, Mom. We all know how you treat me here. You don't have to pretend like you care." Pagkasabi ko non ay tinalikuran ko na siya. Wala akong oras para makipag sagutan pa sa kaniya.

Mabilis akong naglakad paalis sa Lugar na iyon. Hindi na pinansin pa ang mga mapanghusgang tingin sa akin. They all know who I was kaya walang ni isa sa mga nakatingin ang naglakas loob na pumagitna sa amin. We own this place and by that I can do anything I want. Dahil sa nakakaubos lakas na presensya ng tao sa paligid ko ay dumeretsyo na ako sa parkinglot at minabuti nang wag pumasok sa susunod na subject ko.

I'm Lotus Gray Rivera and we own this place. My Mom manage this whole school and Dad's taking care of our businesses. I'm 19 and the second born. Tatlo kaming magkakapatid. Ate Lorain which is the eldest and Lorenz our bunso.

Siguro iniisip nyo na ako ang pinaka brat sa aming magkakapatid pero you haven't met ate Lorain yet. Dahil sa sama ng ugali niya Impakta ang tawag ko sa kaniya. Manang-mana siya kay mommy na sa loob ang kulo. Sila actually ang dahilan kung bakit living hell ang buhay ko dito sa Mundo.

At iyong palabas ni Mommy kani-kanina lang, isa yon sa madami pang dahilan kung bakit masama ang tingin sa akin ng mga tao. Well two years ago hindi naman ganito kasama ang ugali ko. In fact mabait ako noon, sobrang bait na kayang-kaya akong i-bully ng mga estudyante dito. I was the nerdy one, the weak and helpless Lotus. This whole place was literally hell for me every single day of my life. Well not untill Kai Red came into the picture.

Nung dumating siya masasabi kong naging bearable ang lugar na ito para sa akin. May Taga tanggol ako kapag pinagtutulungan ako. Pero mabilis ko ring kinamuhian ulit ang lugar na ito. Dahil dito... dito rin ako nagmakaawang wag siya umalis. Dito ako sumaya at nasaktan ng sobra.

Pero thanks to him natutunan kong lumaban. Dahil sa ginawa niya nagising ako. Ngayon hindi na ako basta-basta papayag na kaya-kayanin nalang nila.

Patuloy ako sa paglalakad walang kahit na anong emosyon ang mababasa sa akin. Taas noo akong naglakad hanggang sa matanaw ko na ang malaking gate nitong campus. Nakita na akong palapit ng mga guards doon kaya dali-dali silang nagsiayos. Agad na binuksan ng isa ang gate ang isa naman ay inabot sa akin ang susi at helmet ko.

Mabilis ko itong kinuha at tinungo na ang Ducati ko at agad iyong minaneho pa-uwi.

Nang makarating ako sa bahay ay agad na akong umakyat sa kwarto ko. At agad na ihinilata ang katawan sa kama. Napa hinga ako nang malalim nang makuntento sa paligid ko. Itim ang kumot ko at kulay dugo naman ang mga unan.

My eyes roam around my room. Lahat ng gamit na makikita mo ay itim kung hindi naman ay pula. It looks like a vampire inspired room, but I'm not really into fantasy. I guess I'm just really obsess with the color black and red.

Kalaunan ay hindi ko na namalayang nakatulugan ko na pala ang pagmamasid sa kuwarto ko. Hindi na ako nakakain ng dinner, its fine though ayaw ko namang kasama sa hapag sila Mommy. Kinabukasan naman maaga akong nagising. Syempre pa ayaw kong makasabay sa pagkain si Mommy.

Kaya ng makapagbihis ay dahan dahan akong bumaba ng hagdan at buong ingat na binuksan ang pinto. Pero halos takasan ako ng kaluluwa ko ng marinig ang pamilyar na buses ni Daddy. Pikit mata akong humarap sa kaniya. I thought he's in New York for a business meeting, when did he get back?

"Where are you going?" tanong ni Daddy.

"Dad, you're here?" Pilit ang ngiting bati ko sa kaniya "Morning Dad, I'm going to school." Sabi ko pa saka lumapit para yumakap sa kaniya. "I thought may business meeting ka? Kailan ka umuwi?"

"School? Really, Lotus? This early? Ano naman ang gagawin mo doon nang ganito ka aga?" Kunot ang noung sabi pa ni Daddy. Is he mad? Is it because of my low grades? I'm sure mommy already told him.

Alam ko na rin naman na ang sagot kaya na pa buntong hininga nalang ako. "Fine, I'm going out early so that Mom and I's eyes won't meet. You know how we are, Dad." Naka simangot na pag-amin ko na ikina kunot lalo ng noo ni Daddy.

Ilang minuto pa akong tiningnan ng masama ni Daddy bago siya malakas na napabuga ng hangin, na ngungunsome nanaman sa katigasan ng ulo at pride ko. "I saw your reports card, what happened? Lotus, is there a problem? Maganda ang grades mo from grades school until junior high, what happened now? Is this because of Kai Red again..."

"Could you please stop bringing him up? There's no one to blame, I'm fine. You know what Dad? I'm going, good morning." Mabilis ko nang tinalikuran si Daddy after that. I just don't get it, why do they keep on mentioning him. Why they keep on bringing him up. Hindi ba pwedeng napagod lang ako maging mabuting anak? Hindi ba pwedeng napagod lang ako maging mabait? Hindi ba pwedeng inuna ko muna ang sarili ko? Hindi ba talaga pwedeng gano'n?

Mabilis lang akong nakarating sa school sakay ng motorsiklo ko. Maaga pa at nagugutom na rin ako kaya dumeretsyo na muna ako sa canteen para kumain.

Gusto ko sana ng matiwasay na umaga pero talagang sinusubok ako ngayong araw na ito. Masama ang tingin na ipinukol ko kay Maria na nakatakip pa ang dalawang kamay sa bibig na ani mo ay talagang nagulat. Mahinahon kong tinabig paalis sa damit ko ang pancake na dumikit sa blouse ko. Pigil akong bumuntong hinga at saka humarap sa kaniya.

"Sorry Lotus, hindi kita nakita." Naka ngising sabi nya na ani mo ay nangaasar pa. Muli kong tiningnan ang damit kong may mansya at malagkit dahil sa maypole syrup.

Wala talaga ako sa mood kaya nang muli ko siyang hinarap ay madilim na ang buong mukha ko. Mabilis kong dinanpot ang pancake na nahulog at ilang ulit iyong kinuskos sa simento at saka muli siyang hinarap. Saka ko walang habas na inginudngod sa mukha niya iyon. Walang emosyon ko iyong ginawa na ikina sigaw niya ng malakas. Hindi ko siya tinantanan hanggang sa mauboss lahat at madurog sa mukha niya.

"Hey stop!" Natigil ako sa ginagawa ng may humila sa akin palayo kay Maria. Walang tigil siya sa pagsigaw dahil sa ginawa ko.

"Sorry Maria ha, pero sinsadya ko. Bakit ba kasi pakalat-kalat yang mukha mo sa harap ko, sinira mo pa ang uniform ko. Tss wag mo kasi ako uumpisahan sa umaga..."

"Hey that's enough." Agad Kong ibinaling ang paningin sa nagsalita. "Don't you think that's too much?" Kunot ang noung sabi niya pa. Hindi pamilyar ang mukha niya at halatang transferee siya, ni hindi pa siya naka uniform. Halatang bago lang siya dahil walang maglalakas na loob dito para pumagitna sa akin kapag inis ako.

Bahagya Kong tinabingi ang ulo at saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa, kung pwede ngalang hanggang kaluluwa ay ginawa ko na. "Tss." Saka ko Siya tinalikuran pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko na ikinagulat ko.

D-Did he just touched me, again?

🍀Black_Stain_19

Stuck In-between Realities (Revising)Where stories live. Discover now