Chapter Eighteen

779 33 2
                                    

NAKAUPO si Yhen sa loob ng isang restaurant habang iniisip ang dahilan kung bakit napapayag siya ng mga kaibigan sa ipinipilit ng mga ito.

“May irereto ako sa’yo,” sabi ni Siena kay Yhen habang kumakain sila ng lunch sa Wengdy’s—isang fastfood malapit sa opisina. Tila naging interesado naman ang iba pa nilang kaibigan dahil natuon ang pansin ng mga ito kay Siena.

Tumawa siya. “Hindi ko kailangan ng lovelife, Sie.”

“Of course you really don’t. Lalo na ngayon,” makahulugang wika ni Champagne. Kinunutan ni Yhen ng noo ang housemate na si Margarette na agad nag-iwas ng tingin sa kanya. Siguradong alam na ni Champagne ang ginagawang pagkakampo sa kanila ni Yuki araw-araw lalo pa’t bumalik na si Kuya Monch kaya hindi na napupunta si Yuki sa opisina.

Tatlong linggo na ang lumipas mula nang maging instant houseboy si Yuki sa kanila. Hindi na niya ito madalas sinusungitan pero bihira pa rin niya itong kausapin. At least, she was civil with him. And no matter how much she hated to admit, she begins to get used with his presence—one realization that scares her the most. Kaya pilit niyang iniiwasan ang pakiramdam na iyon.

“Sino ba?” tanong ni Brianne habang ngumunguya ito ng fries.

“Iyong bagong model. Si Jerchael Delamiene,” sagot ni Siena.

“Iyong naghatid ng lunch kay Yhen noong isang araw?” tanong ni Cloelia.

Tumango si Siena. Hinayaan lang niya mag-usap ang mga ito at tinuon ang kanyang atensyon sa kinakaing halo-halo. She knew Jerchael Delamiene. Bagong talent ito ni Madam Chay na nagti-training pa ngayon. Kasama nila si Jerchael last week sa isang photoshoot at doon pa lang ay naramdaman na niya ang pagpapalipad-hangin nito sa kanya bagaman limitado ang mga kilos ni Jerchael na halatang nahihiya. Hindi naman sa nag-a-assume si Yhen pero may ilan na ring mga lalaki noon ang kumuha ng atensyon niya kaya alam na niya kung paano kumilos ang isang lalaking interesado. Pero kagaya rin noon, wala siyang panahon para doon.

“That Joseph Marco look alike? Gwapo nga 'yon. I-date mo na, Yhen!” kunsinti naman ni Margarette bago siya nginisian. Para bang hinahamon siya ng mga mata nito.

“I can’t date him. Wala sa plano kong makipag-date,” kibit-balikat na tugon niya.

“Right. As I’ve expected,” bulong ni Champagne bago ito tumawa.

“Dahil kay Yuki siguro,” natatawang sambit ni Estrella. Of course, the whole gang knows about him already.

“Ex na ‘yon,” paglilinaw ni Cloe.

“May tatlong klase ng ex. Iyong mag-ex na tapos na talaga at mutual ang paghihiwalay, iyong mag-ex na may isang patuloy pa rin na nagmamahal kahit hindi na mutual, at iyong mag-ex na mahal pa rin ang isa’t-isa pero sa kung anong dahilan ay hindi pwedeng magkabalikan. What’s yours, Yhen?” ani Champagne.

Naitirik ni Yhen ang mga mata nang lumipad sa kanya ang mga tingin ng kasama. “Seriously, girls. Let’s not talk about this.”

Napasipol ang iba niyang kaibigan at ang iba naman ay makahulugang tumango at ngumiti na parang may nakuhang sagot sa reaksyon niya.

“Kung ano talaga ang totoo, iyon ang mahirap isagot, ‘no? Kaya minsan, iniisip ng iba na okay lang magsinungaling, eh. Syempre, para hindi nga naman mahirapan,” napapalatak na wika ni Siena.

“Hindi ‘yan makikipag-date kasi hindi pa ‘yan nakaka-move on. Iyon lang 'yon. She can go out on a friendly date naman, 'di ba? Matino naman iyon si Jerchael at hindi naman ibig sabihin na papakasalan na niya kaagad iyon. So maybe, that means something,” tumatangong sambit ni Champagne na parang kumbinsidong-kumbinsido ito sa sinabi.

Girlfriends 3: Right Here, Right Now (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon