Chapter One

4 0 0
                                    

Chapter One // Family

"Mimi, didi," naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa akin ni Yna sa bewang.

"Mimi, didi, we helped yaya Ami cook breakfast po." pagmamalaki naman ni Yto.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo at nakita ang dalawang anak ko na masaya habang nakatayo sa gilid ng kama namin ng asawa ko.

Mahina kong tinapik ang balikat ni Yana at nakita ko namang nagmulat siya kaya't nginitian siya at sinenyas sa kaniya ang kambal namin.

"Ano namang itinulong niyo kay yaya?" tanong ko pa sa kanila.

"I helped yaya open the stove and I turned it off too." pagmamayabang ni Yna habang nakataas pa ang kanang kamay na kala mo ay nagrerecite.

"Ako po taga tikim tas sasabi ko po kay yaya kapag di masarap." pagmamayabang din ng kambal ni Yna na si Yto.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Yanna na nakaupo na din pala sa tabi ko, "Wow, ang gagaling naman ng mga anak ko. Pakiss nga."

Lumapit sa kaniya si Yna para halikan siya samantalang tumakbo naman si Yto papunta sa dulo ng higaan. "Yto, kiss mimi daw!"

Umiling ng umiling si Yto at tinakpan pa ang labi niya, "Ayaw ko po ng kiss po ni mimi kasi di po pa siya totoothbrush."

"Ahh, ganon ha?" tinaasan siya ng kilay ng mommy niya habang nakangiti kaya nagtatakbo na si Yto papalabas ng kuwarto namin ni Yanna.

Alam kasi ni Yto na tatadtarin siya ng kiss ng mommy niya. Narinig ko ang mahinang hagikhikan ng mag-ina ko dahil kay Yto. "Sama naman si daddy sa yakapan niyo."

Tumawa si Yanna at hinila ako papalapit sa kanila para yakapin.

"Kain na po tayo mimi tapos po babath na ako tapos po hatid niyo na po kami ni Yto sa ischool." sunod sunod na sabi ni Yna kaya nagkabulol bulol siya na ikinatawa uli ni Yanna.

Tumango na lang ako at pinauna na siyang lumabas ng kuwarto namin ni Yanna.

"Haaaay, inaantok pa ako." sabi ni Yanna at muling humiga at tinakpan ng unan ang mukha.

"Bumangon ka na diyan, kailangan nating ihatid mga anak natin sa school." sabi ko pa pero muli rin akong humiga at yinakap ko siya papalapit sa akin. "Thank you so much, mahal ko."

Ibinaba niya ng kaunti ang unan na nakaharang sa mukha niya at nakita kong ngumiti siya sa akin. Inalis niya ng tuluyan ang unan sa pagitan namin at yinakap niya pa ako ng mahigpit, "Thank you din, mahal."

"Yakap din kamiiii!!!!" rinig kong sigaw ni Yto at Yna at tumalon papunta higaan namin para makiyakap.

Oh God, thank you so much for this family.

__________

Sorry for the super short update.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BetrayedWhere stories live. Discover now