#4 Fix A Heart by Demi Lovato

52.8K 1.5K 144
                                    

They say that it is better to leave a broken heart as it is... because you might get yourself hurt trying to fix its broken pieces.

--

Sinubukan kong ayusin ang nasira nyang pagkatao.

Sinubukan kong buuin ang nabasag nyang puso.

Sinubukan kong ibalik ang nawala nyang ngiti.

Pero...

Hindi pala talaga ako ang makakahilom sa mga sugat nya.

--

"Ihahatid na kita Grace."

"Hindi na." Sagot nya.

"Hindi naman ako humihingi ng permiso mo eh. Sinasabi ko lang para alam mo." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Okay." Kinuha ko yung mga libro mula sa kamay nya. Tapos sumakay na kami ng jeep. All the while na nagbibyahe kami, nakatingin sya sa labas. Napabuntong-hininga na lang ako. Halos isang buwan na pero ganyan pa rin sya.

Palaging malayo ang tingin.

Palaging iba ang hinahanap ng mata.

Masakit isipin na makailang beses ko ng pinilit na ako naman ang paglaanan nya ng atensiyon. Pero... ang hirap makipagkumpitensya sa taong minsang nagmay-ari ng puso nya...

Si Jared.

Naging sila nung first year college kami. HRM student si Jared na mas matanda sa 'min ng isang taon. Lumipat sya sa department namin nung first year kami at supposedly ay second year na sya. Irregular sya noon pero sikat agad sa klase dahil gwapo at may-pagka-bad boy ang dating.

Lahat halos ng babae sa klase namin ay may gusto sa kanya... pwera kay Grace.

Si Grace tahimik lang at parang walang pakialam sa kanya. She doesn't swoon over him. Ni hindi nya ito tinitingnan.

Aaminin ko na noon ay wala pa akong gusto kay Grace. Magkaklase lang kami at magkaibigan.

Bago matapos ang second sem ng first year... niligawan ni Jared si Grace.

At nung mag-second year na kami, nalaman na lang namin na naging sila nung bakasyon.

Noong una wala lang sa 'kin pero ewan ko ba... hindi nga yata namimili ang pag-ibig. Kahit anong pigil ko dahil bawal, hindi ko pa rin napigilang mahulog sa kanya.

Unti-unti... hanggang sa lumalim... at nasasaktan ako ng patago. Palihim ko syang minamahal... nakikita ko namang masaya sya kay Jared. Nasasaktan ako pero nagpapasalamat na rin... dahil at least masaya sya.

Kalagitnaan ng second sem ng second year ng mag-break sila. I rejoiced for a bit. Akala ko may pag-asa na... tapos... naging sila ulit. Umabot yun hanggang ngayong fourth year first sem.

Akala ko talaga hindi na sila maghihiwalay. Sabi kase, yung mga taong nakilala mo sa college are the ones who'd be more likely to be present in your adult life. So I assumed na pagkatapos nilang mag-aral, a few years later, they'll get married.

Pero sa kalagitnaan ng pagti-thesis namin, nakipag-break na naman sa kanya si Jared. Awang-awa ako kay Grace noon and I wanted so badly to comfort her... but she won't let me.

She won't let anyone.

Ilang araw syang wala sa sarili. Ilang araw na nakatulala. Pati mga teachers naiiling na rin pero walang magawa.

At parang sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, tripleng sakit ang nararamdaman ko.

Mas masakit pa rin talagang makita ko syang nasasaktan kesa makita ko syang masaya sa piling ng iba. But I know I have to do something.

Music and Lyrics (one-shots)Where stories live. Discover now