One

84 5 4
                                    

"Sabi ko na nga ba nandito ka ulit eh. Halika na Ma, nakaluto na sina lola at tita." Napapailing kong kinuha ang groceries na hawak niya at saka ko siya hinawakan sa braso.

"Tama, padilim narin, kamusta ka sa school anak?" Saad nito habang hinahawi nito ang medyo may kahabaan ko naring buhok.

Ngumiti ako sa kanya nang maalala ko ang grades ko ngayon papatapos na ang taon, "third honor na daw ako, kaya wag kang mawawala sa recognition day ha."

"Aba, hindi nga? Mukhang magkakaanak pa ata ako ng Valedictorian ah?"

"Dalawang taon pa po, pero pagbubutihin ko," para maging scholar ako sa college, para hindi mo na intindihin pati ang malaking gastos ng pagkokolehiyo ko.

"Tama yan, alam kong maaga pa, pero ano ba ang gusto mong kunin na kurso?"

"Business Management po siguro o Marketing."

"Katulad na katulad ka ng iyong ama." Ngumiti ito saka ginulo pa ang buhok ko. Ngumiti nalang ako dito pero kahit na labintatlong taon na ako, hindi ko parin maitago ang sakit pag nababanggit niya ang tungkol sa tatay ko.

Wala akong masyadong alam sa mga bagay bagay tungkol kay papa, wala rin madalas sa bahay si mama dahil sa trabaho. Kapag tinatanong ko naman siya ay tipid na tipid lang ang mga sagot niya. Hanggang sa magsawa narin ako sa paghahanap ng sagot, wala din naman kasi siyang naitagong larawan o kahit na anong gamit ni papa. Nung bata ako, madalas akong nabu-bully dahil lang sa wala akong tatay, pero nasanay narin siguro ako. Andito narin siguro ako sa point na masyado na akong manhid sa mga panunukso nila. Ngumingiti nalang ako kapag may nagsabing illegitimate child daw ako kasi surname ni mama ang gamit ko, pero wala na akong pakialam doon. Nasubukan ko narin yung magalit ng husto kay papa, pero ang sabi ni mama wala naman daw mangyayari sa buhay ko kung puro galit lang ang paiiralin ko. Naisip ko na baka tama sya, inisip ko nalang din na patay na siguro si papa kaya hindi niya masabi kung nasaan ba ito.

Pagkagising ko kinabukasan ay wala na si mama, sabi ni lola ay may out of town event daw ang kumpanya nila kaya sa makalawa pa ang balik. Nagtataka akong bumalik ng kwarto dahil wala namang nabanggit sa akin si mama tungkol doon. Nagpapaalam kasi siya ultimong kahit gagabihin lang, napatingin ako sa cellphone pero wala man lang kahit text message, saka Sabado ngayon..saan naman sila pupunta?

Pagkatapos mag almusal ay agad din akong naghanda, kailangan ko kasing pumunta sa bayan para bumili ng ilang supplies para sa proyektong tinatapos. Medyo magtatanghaling tapat na nung makarating ako sa bookstore, agad akong pumasok para makabili at nang makauwi na, ayoko namang ipagpabukas pa ang pagtapos sa proyekto. Palabas na ako bitbit ang paperbag nang matanaw ko ang isang pamilyar na tao na pumasok sa coffee shop sa kabilang kalye. Agad akong tumawid nang huminto ang mga sasakyan upang makasiguro na hindi ako dinadaya ng aking paningin.

Kitang kita ko kung paano umupo si mama sa tapat ng isang lalaking may salamin sa mata, alam kong hindi siya ang boss ni mama dahil ilang beses na akong napupunta sa opisina nila. Naka asul na polo ito na nakatuck-in sa suot na jeans na tinernuhan pa ng brown na sapatos, sa mga kilos nito ay mahahalatang may sinabi ito sa buhay. Hindi ko rin alam kung gaanong katagal na akong nakatayo sa di kalayuan at patuloy parin silang pinapanood. Akala ko ba ay trabaho ang inaasikaso ni mama, sino ang lalaking kaharap niya ngayon?

Nilisan ko rin ang lugar nang makaramdam ng init na nagmumula sa sikat ng matinding araw. Kadarating lang din ni tita sa bahay buhat sa pamamalengke nang makauwi ako.

"O, saan ka naman galing na bata ka? Tumawag ang mama mo, uuwi daw siya mamayang gabi." Sabi ni tita habang patuloy ito sa pagsasalansan ng mga pinamili, dumiretso ako sa kwarto para magbihis ng damit at agad ding lumabas.

UNTITLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon