5

54 2 0
                                    

CHAPTER 5

Paano na ito? Ba't ba kasi ngayong month pa? Pwede bang i-move? Pwede ko bang hatiin ang katawan ko sa dalawa? Hindi naman ako pwedeng mag-excuse sa klase ko mamayang 3-4pm dahil kailangan ko talagang pumasok. At mamayang 2pm may rehearsal naman ako kasama si Frans para sa school division contest. Hays.

"Ay!" sigaw ko ng mapaupo ako sa daan dahil sa may nabangga ako. Ang sakit ng pwet ko. Ang lakas ng impact.

May narinig akong nagtatawanan dahil sa nangyare sa akin. Tumayo ako at tiningnan kung sino ang bumunggo sa akin at pinagtawanan ako.

"Ang lampa kasi. Yan tuloy na napaupo sa sahig" tumatawa nitong ani kasama ang mga kasamahan nitong akala mo may birthday party na dadaluhan dahil sa kapal ng make up nila.

"Hiyang-hiya naman ako sa mga clown" sarkastiko kong ani na nagpatigil sa pagtawa nila. I smirk.

"Sinong clown?!" nangangalaiti nitong usal.

"Sino nga ba?" tinapik-tapik ko ang hintuturo ko sa pisngi ko na parang nag-iisip. "Nasa harapan ko ata?" nanunuya kong ani na mas nagpa-init sa ulo niya.

"You b*tch!" sasampalin na niya sana ako ng may kamay na pumigil sa wrist niya. Nakita kong namutla ito na parang nakakita ng multo.

"Try to hurt my baby, Jessy. You'll regret it" parang nasa Antarctica lang ako ng marinig ang sobrang lamig na boses niya.

"Siya ang nauna, Frans! Ako dapat ang kinakampihan mo!" pilit niyang inaagaw ang kamay niya kay Frans. Pero mas hinigpitan lang ni Frans ang pagkakakapit sa wrist nito.

"Sino ka ba sa tingin mo para kampihan ko?" hindi nawawala ang lamig sa boses nito.

"Akala ko ba mahal mo ako?" may sakit sa boses nitong ani at parang papatak na ang mga luha nito.

"Hindi kita minahal" ang diin ng mga salitang binitawan ni Frans, dahilan para tuluyan ng pumatak ang mga luha ni Jessy.

"Frans, tama na. Tayo na" pagpipigil ko sa kanya at hinila na siya palayo doon. Binitawan na niya ang wrist ni Jessy na may marka ng kamay niya.

"Akin ka lang, Frans! Akin lang!" umiiyak na sigaw ni Jessy habang papalayo na kami sa kinaroroonan nila.

Huminto lang ako sa pagkaladkad sa kanya ng makarating kami sa garden ng school. Binitawan ko ang kamay niya at humarap sa kanya ng nakapamewang. Tinaasan ko siya ng kilay ng makitang nakangisi ito.

"Anong nginisi-ngisi mo diyan?" mataray kong ani.

"Wala naman." inosente niyang sagot.

"Ba't kasi ganun yung sinabi mo sa kanya? Lalo mo pa siyang sinaktan sa ginawa mo." naiinis kong ani sa kanya.

"Totoo naman yun. I never love her the way I love you" kumindat pa ito sa akin at ngumisi.

Naramdaman kong nag-iinit ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niya. Haist! Ang bibig talaga nito! Walang pag-aalinlangan!

"Sapakin kita diyan eh!" agad akong tumalikod sa kanya dahil nahihiya akong makita niyang namumula ang pisngi ko.

Napatuwid ako ng tayo ng maramdaman kong may pumulupot na braso sa bewang ko mula sa likod. Nakikiliti ako dahil sa hininga niyang nasa kaliwang tenga ko. Ang sarap sa pakiramdam ng kanyang mga yakap.

"Don't worry. Ikaw lang ang mamahalin ko." ang lambing ng boses nito at hinalikan niya ang pisngi ko. Mas hinigpitan din nito ang yakap niya na parang ayaw na akong pakawalan.

"Frans, mali ito. 'Di tayo pwede." ang lungkot sa boses ko ay hindi ko na naitago. "At alam mo kung bakit" kinalas ko ang pagkakayakap niya at humakbang ng ilang hakbang papalayo sa kanya.

I Fall For Him (Unedited)Where stories live. Discover now