Chapter 5

1 0 0
                                    

San tayo pupunta? Gusto mo ba dalhin Kita sa hospital?" Lumingon ako sakanya nakatingin Lang siya sa labas ng bintana mukang malalim ang iniisip .

"No. Malaking issue to pag nag punta tayo ng hospital dalhin mo nalang muna ako sa inyo sa bahay niyo o kahit saan ikaw ang gumamot sakin." Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya napa preno ako sumubsob ang muka niya dahil di siya naka seat belt.

"Da'fuck what is your problem woman? Bakit bigla bigla kang nag pepreno papatayin mo ba ko!" Sigaw niya sakin nakatitig Lang ako sakanya ano daw Sabi niya ?

"Ha ? B-bakit anong dahilan bakit sakin? Dadalhin nalang Kita sa hospital di ka pwede sakin pagagalitan ako ng kuya ko" sagot ko sakanya pinikit Niya Lang ang mga mata niya saka sumandal.

"I don't care Kasalanan mo kung bakit ako na daplisan ng bala kundi hindi ka lang tanga at kung umilag ka o tumakbo ka nalang sana di sana wala akong sugat ngayon . So sa ayaw at sa gusto mo kargo mo ko ngayon understood ?" Ako Naman ngayon ang napa pikiit malaking Problema to pag nag kataon .

"Antipatiko" saka ko ulit pinaandar ang kotse .
Lumingon siya sakin at tinaas ang isang kilay .

"Anong binubulong bulong mo Jan?" Tanong niya sakin .

"Wala. May narinig kaba ha? May narinig ka?"
Nag sisimula na uminit ang ulo ko . Hindi ganitong paraan ang pinangarap Kong klase Ng way ng pag kikita namin dalawa di ko to ineexpect dapat romance Yun yung matatapilok ako tapos masasalo niya ko mag kakatitigan kami saka mag lalapit ang mga labi namin.

Kaso Hindi e. Ang layo ng pangarap ko sa nang yayari ngayon kamuntikan nakong mamatay Pati siya kamuntikan na my gosh I can't believe this!

"Don't shout at me woman.
Kanina ka pa natutulala sakin alam Kong gwapo ako at sikat ako baka nga isa ka sa mga fans na nag kakandarapa sakin oh wait stalker ba Kita baka mamaya niyan pinag nanasahan mo na pala ako sa isip mo I wonder Kung may gusto ka sakin or worst Patay na Patay ka sakin" Napa preno Ulit ako dahilan para mapasubsob Ulit siya .

"What the hell is your problem!! Aughh .. my hand shit !!"

Napatingin ako sakanya bwiset na lalaking to grabe ganon na ba ko kahalata Hindi lang antipatiko punong puno pa ng kayabangan ang katawan .

"Hoy! for your information Hindi kita gusto Ni Hindi nga kita kilala at lalong hindi ako Patay na Patay sayo! Ang kapal ng apog mo tinulungan lang Kita dahil marunong ako makipag Kapwa tao Oo ayon nga marunong Lang ako makipag Kapwa Tao Kaya wag kang assuming Jan pwede? Saka ano bang pangalan mo Sino kaba ?"

I rolled my eyes no choice ako kelangan kong taasan ang pride ko Hindi ko pwedeng ipakita sakanya Yung totoong nararamdaman ko sa mga oras na to .

"Seriously you don't know me ?" Naka ngisi siya sakin .

Di ko nalang siya pinansin pinaandar ko na ulit ang makina ng kotse at Hindi nako muling umimik ..

_*_*_

Nakarating kami ng condo ko bandang 11:20pm na palingon lingon ako sa gilid gilid sana walang makakita samin .

Dumaan kami sa likod ng building pinasuot ko muna sakanya Yung sumbrelo saka Yung mask nag ii-narte pa nga ayaw pa ng una pero pumayag din siya kinalaunan.

Nang nasa tapat na kami Ng unit ko agad Kong pinindot Ang pass code ko sabay hinatak siya papasok sa loob. Nakahinga ako ng maluwag sa wakas success pumunta ako sa fridge at kumuha ng tubig.

Nilingon ko siya na ngayon ay naka upo sa sofa ko inililibot niya ang mga mata niya sa loob ng condo ko . Lumapit ako sakanya at inabot Ang isang basong tubig .

"In fairness it's nice place." Saka niya ininom ang laman ng baso inirapan ko lang siya .

Naglakad ako papunta sa kwarto ko pero nilingon ko muna siya .

"Jan ka Lang muna kukuha Lang ako ng first aid kit." Nakatingin lang siya sakin at itinaas ang dalawang kilay niya

Di ko na yun pinansin at tuluyan Ng pumasok.

Teka nasan ko ba nailagay Yun? Chineck ko sa CR Wala sa ilalim ng kama Wala eto nanaman ako bakit ba lagi kong nakaka limutan Kong san ko nilalagay Ang mga bagay bagay .

Tinitignan ko ulit sa mga drawer ko kung don ko ba na ilagay Ang lintek na first aid kit na Yan ng may mag salita sa likod ko .

"So di mo pala talaga ako gusto no ?" Di ko siya pinansin dahil Sobrang busy ko sa pag kakal'kal sa mga gamit ko .

"Hindi Naman talaga" sagot ko ng di siya tinitignan . Naiinis nako dahil nagugulo na Yung mga tinupi kong damit kakahanap Lang sa first aid kit na Yun .

"Lalong Lalo na di mo ko kilala no?" Napairap ako ano bang klaseng tanong yan sinagot ko na siya kanina Sa kotse ah inuulit nanaman Niya.

"Lalong Lalo Hindi okay . Kaya please Lang tumigil ka na Hindi ko na nga mahanap Yung hinahanap ko dinadaldal mo pako." I sigh asan na ba Kasi Yun lahat na tinignan ko nanatili padin akong nakatalikod sakanya iniisip ko Kung nasan ko ba talaga na ipatong Yun .

"Alam mo meron akong konting suggestion dapat nilagyan mo rin ng poster ko yung kisame mo kasi baka kulang pa yung mga nasa wall mo and in fairness Ang cute ng design ah may naka lagay pang KARSHEN LORENCE FLORENCIO FOREVER may tatlong Puso pa it's cute gusto mo bang mag pa authograph sakin or pirmahan ko nalang isa'isa Yung mga poster dito?"

Dahil sa mga sinabi niya di ako nakagalaw feeling ko parang gusto kong kainin ako ng lupa ngayon .
Umakyat lahat ng dugo ko sa muka don ko siya tuluyang nilingon .

Yung ngiti niya kanina nung nasa stage siya ganyang ganyan ang ngiti Niya sakin ngayon para siya naka Kita Ng clown pero pinipigilan niyang tumawa.

Agad akong tumakbo sa pintuan ng kwarto ko at agad sinara napasandal ako sa likod ng pintuan at napahawak ngayon sa dibdib ko rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko sa Sobrang lakas.

"Hey! Open this door may dala akong Pentel pen ayaw mo ba Ng authograph ko ? Willing din akong makipag selfie sayo if you want"

Napaupo ako sa sahig at napakagat sa labi ko bakit ba nakalimutan Kong isara Yung pinto kanina ? Ano bang kahihiyan to .

"SHUT UP !!!" sigaw ko sakanya Nakakainis ! Nakakainis ! Ganto pala Ang feeling na malaman Ng crush mo na crush mo siya ..

Pero napatigil ako sa pag iisip ng marinig ko siyang Tumatawa sa likod Ng pinto .

It's like music in my ears ang sarap sa pandinig ko ..

Tumatawa siya dahil sakin ..
Walang iba kundi dahil sakin ..

Napangiti ako .
walang ibang Tao dito kami Lang at ako lang nakakarinig ng mga tawa niya walang ibang mga fans walang ibang babae kundi ako lang..

Ang sarap sa pakiramdam tumatawa si Karshen Ng dahil Sakin.

Please StayWhere stories live. Discover now