1

124 4 0
                                    

Chapter 1

Jewel's Pov

"Hoy jewel asan ka ba? Kanina ka pa namin hinahanap ah?"sigaw sa kabilang linya ng kaibigan kong si Rhea natawa nalang ako sa pagbulyaw nito kahit na ganyan siya ay masasabi kong hindi kagaya sa iba na kapalastikan at pagpapakitang tao lang ang pinapakita.


"Sorry Rhea pero kailangan ko ng umuwi eh maaga pa ako bukas eh" malungkot kong sabi. Nandito kasi ako sa restaurant na pinapasukan ko mag mula noong magkasakit si mama.


"Ewan ko sayo bat kasi ayaw mo pa magsettle down eh, oy! Andami kayang nagagwapuhang mayayaman ang inaaya kang pakasalan kung ako ikaw? Sasagutin ko na yung isa sa mga yun" biro pa niya sa kabilang linya.


"Eh kaso hindi naman ikaw ang inaaya kaya wala ring saysay ang sinasabi mo" pang-aasar ko sa kanya. Alam kong concern lang siya sakin dahil simula ng iwan ako ni mama ay ako nalang talaga mag isa sa buhay. May mga tao parin nandiyan para sa akin pero ang inuungot niyan ay ang taong makakasama ko daw hanggang pagtanda,parang hindi naman ako nito kilala na hindi ako basta basta makukuha sa mga pabulaklak,tsokolate o kahit ng yaman nila.


"Tse! Sige mag-ingat ka nalang sa biyahe ah???? Loveee youuuuuuuu" sabi pa niya bago ko ibaba ang tawag niya,napabuntong hininga nalang ako.


Nagsimula na akong baybayin ang daan pauwi at sa kalagitnaan ng daan hindi ko inaasahan ang isang kotse na patungo sa direksiyon ko at parang hindi na ito kontrolado dahil ang ibang mga kotse ay muntik narin nitong mabungo kung hindi iiwasan nang iba.


'Shemay bubungo sakin!'


Huli na ng maiwasan ko ito dahil talagang bubunggo na ito sakin wala akong nagawa kundi mapa-upo nalang at hayaan nalang kung anong mangyayari sa akin.


*CCCCCCRRRRRRRAAAAAAAASSSSSHHHHH*


************

Nagising ako at puro puti ang naaninag ko amoy ko rin ang amoy ng alcohol at iba pang ginagamit na kung anumang chemical dito sa kwarto. Hindi agada ko nakakilos at naguguluhan kung bakit andaming nakakabit sa akin.


Unang lumapit sa akin ang mga nurse na sa tingin ko ay naka antabay sa akin kung anu-ano pa ang mga sinabi nila sa dalawang doctor bago kumilos matapos silang sabihan ng isa. Lahat ng mga nakakabit sa akin ay isa-isang tinanggal nahirapan pa ako sa paghinga nung una kaya nilagyan ulit ako ng oxygen mask bago ako mawalan ng malay ulit.


Nagising muli ako at ngayon ay medyo bumubuti na ang pakiramdam ko dahil para akong nawalan ng patong patong na pagod sa katawan simula ng makatulog ako uli "Gising ka na pala iha" sambit ng isang doktor sa gilid ko,nagtataka ko itong tinignan.


"Anong ginagawa ko dito?"mahinang tanong ko. Agad akong inalalayan nito paupo at nilagyan pa ng unan ang sandalan ko sa likod.


"Nandito ka dahil sa insidenteng nangyari sayo tatlong linggo na ang nakakaraan" pahayag niya


'Tatlong linggo na akong tulog?!' para akong nanigas sa nalaman ko bakit ganun katagal ganun ba kalala ang nangyari sakin? Sinabi pa nito na naging kritikal din ang kalagayan kaya halos isang linggo ako sa ICU,may bumibisita naman sa akin at nalaman kong si Rhea at ang may ari ng restaurant na pinapasukan ko.

Miserable ChoiceWhere stories live. Discover now