VIII-DABEST

6 1 0
                                    

Natapos rin ang 3 subjects nila Pearl sa umaga.

"Pearl, mag-lunch na tayo sa canteen nagugutom na kasi ako.." yaya sa kanya ni Irish, ito ang pinaka-close niya sa mga classmates nila.

"O sige total vacant subject na natin!" aniya

Papunta na sila sa canteen nang makasalubong nila sina Kyler at ang dalawang mga bagong kaibigan siguro nito.

"Pearl!" Tawag ni Kyler sa kaniya

"Ky...ler?"

"Papunta ba kayo sa canteen? Tara sabay-sabay na tayo."

Halata naman sa mukha ni Irish ang pagtataka kung bakit sila magkakilala.

"Magkakilala kayo?" Gulat na tanong ni Irish

"Oo, bestfriends kami dati nong mga bata pa kami." si Kyler ang sumagot

"Talaga?" Tanong naman ng isa sa mga kaibigan ni Kyler

"Ah...Oo!"siya

"Tara sabay-sabay na tayong mag-lunch sa canteen!" wika naman ng isa pang kasama ni Kyler.

Pumunta na nga sila sa canteen at inorder ang gusto nilang foods. Habang naghihintay ay nag-usap usap muna sila.

"Ah...Pearl sila nga pala ang mga bagong kaibigan ko, sina Mervin at Anthony." pagpapakilala ni Kyler sa bagong mga kaibigan

"Ako naman si Irish Mabini, friend ni Pearl at apo ni Apolinario Mabini! Joke lang!" Natawa silang lahat sa sinabi ni Irish, sadya kasing joker at jolly itong kasama.

"Masaya kaming makilala kayo." wika nong Mervin

"Kami rin!" Si Irish ulit sumagot

Dumating na nga ang mga order nila at nag-umpisa na silang kumain. May iba namang mga girls na panay ang tingin sa kinaroroonan nila.

"Gwapo yung new student...ayiee!" Rinig nilang sabi ng mga ito. Siguradong si Kyler ang tinutukoy nila.

"Ang lakas talaga ng charisma mo, Pre!" Biro ni Mervin

"Baka kayong dalawa ang tinutukoy nila at hindi ako."

"Ang gwapo mo naman talaga kasi Kyler eh! New student nga diba!" turan ni Irish

"Change topic nga tayo!" Request ni Kyler

"Okay! So, papano kayo naging mag-bestfriends dati?" Usisa ni Irish sa kanila ni Kyler.

"Kasi.." Magsasalita na sana si Kyler pero inunahan niya ito baka sabihin pa nito ang katotohanan, kung ano siya dati.

"Kasi magka-barangay kami dati, lagi kaming magka-klase at lagi akong ipinagtatanggol ni Kyler sa tuwing may nam-bubully sakin nong bata pa kami." ani Pearl

"Ahh..so siya pala protector mo?.." Si Anthony

"Oo ganun nga." aniya

"Paano naman kayo nagkahiwalay? I think hindi na kasi kayo mag-bestfriend ngayon?." Si Irish

"Iniwan kasi ako nito, pumunta sa Maynila at ngayon lang nagpakita!" pabirong sabi niya.

"Ganun? Nag-iiwan ka pala Pre eh! Hahaha!" Wika ni Mervin kay Kyler

"Noon yun, hindi na ngayon!" Napatingin si Pearl sa sinabi ng dating bestfriend.

'Sana nga hindi mo nanaman ako ewan ulit, dahil gusto kong maibalik ang dati nating pagkakaibigan. We're bestfriend Forever, ayos lang kahit di mo ako ulit magustuhan dahil may boyfriend naman na ako, pero sana nga di na muling bumalik yung feelings ko sayo..' Sa isip niya habang tinitingnan ang pagtawa ng kaibigan. Hindi pala niya nasabi pa kay Kyler ang tungkol kay Ethan. Siguro kailangan niya pa ng tamang oras para sabihin iyon.

Marami pa nga silang napag-kwentuhan na kung anu-ano at pagkatapos ay nagsibalik na sa kaniya-kaniyang room.

---------

Kinahapunan ay nag-text si Ethan sa kaniya na hindi siya nito maiihatid ngayon sa pag-uwi dahil may basketball practice pa ito.

Naglalakad pauwi nang may marinig siyang tumawag sa pangalan niya.

"Pearl, Wait for me!"

Napatingin siya sa likod at si Kyler pala ito na nakasunod lang sa kaniya. Huminto siya at hinintay ito.

"Kyler?.."

"Thank You for waiting, let's go!"

Naglakad nanaman ulit sila.

"Salamat nga pala Pearl kanina..."

"Salamat para saan?"

"Kasi inunahan mo akong mag-kwento at hindi mo sinabi ang totoo kong pagkatao dati.."

"Yun lang naman pala eh! Syempre naman hindi ko hahayaang mapahiya ang bestfriend ko sa mga humahanga sa kaniya!" aniya

"Bestfriend?"

"Yes Kyler, ibalik natin ang pagiging mag-bestfriends natin dati! Ano Beshy ulit tayo?" Iniharap niya ang kamay kay Kyler para um-appear ito sa kaniya.

"Sure!" Appear ni Kyler sa kaniya

"Pero hindi na dapat Beshy ang tawagan natin, hindi na kasi sakin bagay yon!" Sabi pa nito

"Ah..Oo nga pala, anong gusto mong endearment natin? Eh kung DABEST nalang kaya?"

"Okay..game! yan nalang Dabest!"

Na-miss nilang dalawa ang bonding time nila kaya dumaan sila sa favorite tambayan nila dati sa Chowking at umorder ng Halo-halo.

"Dabest, paano kung may inililihim pa ako sayo na I think hindi pa siguro tamang oras para sabihin ko sayo. Ok lang ba yun?" Sabi ni Pearl

"It's okay, naiintindihan ko naman. Siguro you have reasons naman!" Sagot naman ni Kyler

"Talaga? The Best ka talaga, Dabest!" Aniya sabay yakap sa bestfriend.

Napansin niyang parang awkward pala ang ginawa niya kaya agad siyang bumitiw.

"Ahhh...sorry.."

Ngite lang ang sinagot nito. Bakit parang sobrang gwapo na talaga nito ngayon?

------

Hapon na rin ng makauwi si Kyler sa bahay. Nakaramdam siya ng lungkot dahil nag-iisa nanaman siya ulit at hindi na kasama ang bestfriend. Nasa Maynila kasi ang nga magulang niya dahil naroon ang trabaho ng mga ito. Mga ilang linggo palang siyang nakatira rito sa nabiling property ng mga magulang  kasama ang care taker ng bahay nila. Civil engineering ang kursong kinuha niya ngayong kolehiyo.

Hindi niya maiwasang maisip kung ano nga ba ang tinutukoy ni Pearl kanina na lihim nito sa kanya? Pero sabagay kahit siya may lihim rin kay Pearl dahil hindi pa niya nasabi ang totoo rito, na ito ang dahilan ng lahat kung bakit nagbago siya at muling nagbalik.

Dahil mahal niya ang bestfriend.

Nagdadalawang-isip siya kung aaminin niya ba ang nararamdaman sa matalik na kaibigan o mas mabuting magkaibigan nalang sila hanggang sa huli?

Dahil sa ngayon, hindi na niya tiyak kung siya parin ba ang nasa puso nito o may nagmamay-ari nang iba?

The Gay Turns to a HeartthrobWhere stories live. Discover now