Dieciseis

1K 43 11
                                    

J E M A

"EPIC fail ka naman, Jho."
Kunotnoo kong sambit habang nakadungaw sa bintana ng kotse.

Nangingitim ang kalangitan at ani mo'y magpapakawala na ito ng gyera.

"Ayaw mo n'yan? Di ka masasunburn."


Hirit ni Jho na kanina pa denial na palpak talaga itong naisip n'yang lakad namin.

"Iyon ang punto ng pagtampisaw sa dagat, mare. Ang masunog ang balat sa galit na sinag ng araw."

Naiiling na sabi ni Jia habang abala sa pagmamaneho.

"Kontrabida talaga kayo."

Tila nagtatampong saad nito. Sabay nirecline ang shotgun seat para bahagya s'yang makahiga. Lumabi pa ito at humalukipkip.

"Aysus! Nagtampo naman kaagad ang Baby Damulag. Tawagan na ba namin si Bea?"

Pang-aasar ko kay Jho.

"Jema."

Matalim ang pagkakabigkas ni Jia ng pangalan ko, kaya natutop ko ang bibig ko.

Nakita ko rin ang saglit na pagkunot ng noo n'ya sa rearview mirror nang sandali n'ya akong pasadahan ng tingin.

Nalimot kong matagal na nga palang hiwalay sina Jho at Bea.

Tumikhim ako para ibahin ang usapan.

"Wag ka nang nakabusangot d'yan, Jho. Gagawa na lang tayo ng sand castles tapos papapicture tayo kay Jia, para masaya at para may pangpalit ka na sa profile picture mong magsesecond birthday na."

Natawa na lang din si Jho sa huli kong sinabi.

"Gaga ka talaga!"

Tili n'ya.

Si Jia naman naiiling dahil gagawin na naman namin s'yang dakilang photographer.

"Dapat talaga may bayad ang serbisyo ko, eh. Driver na nga ako, photographer pa. Ilibre n'yo ako ng dinner ha!"

"Bente lang ang meron ako, eh. Pwede na ba iyon?"

Kunotnoo kong sabi habang pinapakita sa kanya ang lukot na bente pesos galing sa bulsa ko.

"Ay, teh! Kahit kapnudels sa tindahan ay hindi mo n'yan maibibili si Jia."

Kunwari'y nagkamot ako ng batok.

"Hmmm. May Marie ako rito, Jia. Ito na lang libre ko sa'yo."

Sabay abot ko sa kanya ng biskwit na galing sa bag ko.

Parang nalukot naman ang mukha ni Jia.

"Marie na nga lang afford mo, durog pa."

Humagikhik lang si Jho sabay kinuha yung biskwit.

"Sa akin na lang, gutom na ako, eh."

Napabuntong hininga na lang si Jia at napailing habang naghahanap ng parking space.

Wonderwall (JeDean)Where stories live. Discover now