chapter 26: don't stop me

520 17 2
                                    

Kairi's POV

"Hah?! Kayo na??" Kinikilig na tanong nila Stella at Terra kay Heroine. Ako naman , tahimik lang na nakikinig

Nasa student council room kami ngayon at naglalunch

"Sshh! Hinaan nyo yung boses nyo.. grabe naman yung reaksyon nyo" sabi ni Heroine na medyo namumula pa

Excited sya na sabihin sa amin ang magandang balita tungkol sa kanila ni Cliff

"Ayaaaaah! Paano mo sya sinagot" Hindi naman mapigilan yung kilig ni Stella habang hinahampas yung braso ko

Napakagat labi muna si Heroine saka ngumiti at nagkwento"eh kasi magkasama ulit kami kagabi tapos.." ayun, nagkwento sya and so on.. Magkahawak kamay pang nagpipigil ng sigaw sila Stella at Terra.

"Aaawww! Nakakainggit! Ang sweeeet!!! I hope magtagal kayo.." sabi ni Terra na parang batang pumapalakpak pa

"Eh ano balita kay Cayden?" Singit ko

"Ate naman! Bat sinama mo pa sya sa usapan? Nakipagbalikan na yun kay Zoe di ba? At si Heroine, nakamove on na.. di ba obvious? " sabi ni Stella sakin

"Hindi yun.. ang ibig ko lang sabihin, di ba nagconfess ka sa kanya noon? Ano na nangyari dun?"

"Hah? Tinapos na namin yun, nireject na nya ko.. pero, okay na rin yun para hindi mabother si Cliff kaya nilinaw na namin ni Cayden sa isa't isa na pangalagaan na lang namin yung friendship namin" nakangiting pagpapaliwanag naman ni Heroine..

Tinapos na? So... wala na?

Medyo nakaramdam ako ng konting panghihinayang.

Pero, actually masaya naman ako sa kanila ni Cliff.

Ngayon lang din sya naging makwento about sa buhay nya na kadalasang hindi na nya sinasabi sa amin..

Nakangiti at tahimik na lang ako habang nakikinig sa masayang pagkekwento nya. Sila Terra at Stella naman , kilig na kilig pa rin.. -_-

Pero, okay lang. Ang mahalaga masaya na sya ngayon.

Matapos naming magluch, bumalik na kami sa kanya kanyang Classroom pero si Stella, sumama muna sakin

"Haaay! Naiinggit ako kay Heroine.. parang ang saya nung love life nya" reklamo ni Stella habang nakadukdok sa desk ko

"Eh, bakit? Di ka ba masaya sa boyfriend mo?" Walang gana yung tono ko dahil sawang sawa na ko pagdating sa boyfriend nitong si Stella na gabi-gabi nyang kwinekwento sakin

"Hmp! Ewan ko ba dun! Wala namang effort yun"

"Bat di mo na lang hiwalayan?"

"Eh mahal ko eh"

"Drama mo"

" heh! E bat ikaw? Wala ka ngang boyfriend eh!"

"Heh ka rin" mabilis na sagot ko sa kanya kaya tinawanan nya lang ako.

Sakto namang pumasok si Kurt at Zayne

"Oh? SQ??" Tanong sa amin ni Zayne

"Anong SQ?"

"sister's quarrel, heheheh"

Joke ba yun? Hindi kasi kami tumawa. Instead, nagtinginan lang kami

"Ay! Oo nga pala, aalis na rin ako ate.. may quiz pala kay Sir Fernandez mamaya.. balik na ko sa room para makapagreview.." paalam sakin ni Stella saka lumabas sa classroom namin

Naalala ko bigla, may kailangan akong sabihin sa dalawang to kaya tumayo ako sa upuan ko

"Sumama kayo sakin"

Ms. Arrogant's Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon