02

1 0 0
                                    

"FATHERS DAY"

"My last dance is my father and guess what girls, he allow me to have a boyfriend." Panimula ni Tina ng maupo kami. Nangingiti pa.

Nandito kami ngayon sa park kasama ang mga bago kong kaibigan.

"Wow ang astig naman ng daddy mo." Napatango ako bilang pagsang ayon sa sinabi ni Gina.
"Sobrang strict kasi ni papa samin lalo na at puro babae kami" patuloy nya.

"Well, iba iba naman ang tatay sa pagpapalaki sa kanilang mga anak." Napatingin ako kay Mary dahil sa kanyang opinyon.

Nakakatuwa silang pagmasdan na proud silang merong ama kahit na ay parang dismayado ang ilan sa amin dahil sa paraan ng pagpapalaki ng isang Ama.

"Daddys girl ako nag iisip na nga ako kung anong pwede kong ibigay sa kanya sa darating na Fathers day." Usal ni Tina.

Napaisip ako. Ano bang magandang regalo para sa isang Ama? Simple pero di malilimutang regalo...

"U-uh girls?... kelan ang Fathers day?" Nag aalangang tanong ko na ikinakunot ng kanilang noo.

"W-wala kasi akong nakalakihang A-ama kaya, hindi ko alam kung kelan at anong pakiramdam ng mayroong Ama." Napapahiyang dagdag ko at tumungo.

Random StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon