Chapter 77

1.1K 35 2
                                    

Naka akyat na sina Jerome at Elmo galing sa pagkakahatid sa dalawang babae.

Nasa condo na sila at nag paalam na si Kisses sa kanila para mag ready sa pag tulog at maaga pa sila kinabukasan.
Humalik sya ng beso sa mga ito para mag goodnight. Huli nya hinalikan si Donny sa pisngi hinawakan nya ito sa kamay at sinabi

Kisses-" matutulog na kami love, kita na lang tayo tommorow.."

Donny-"ahhh, na miniss agad kita"

Kisses-"ay ang OA nya"

Donny-" ayaw nito maniwala, sige na sleep na kayo para maaga tayo makaalis bukas"
Hinalikan naman sya ni Donny sa noo at hinatid na si Kisses sa room kasama si Devon

Naka akyat na din sila gelo at Kuya mnny Para mag ready sa pag tulog , iniayos na din ni mommy C ang salas at nilagyan ng extrang unan at kumot.

Nasa guest room na sila , huling pumasok si Donny , pag pasok nya nakatingin lahat sa kanya.

Donny-" ohh mga gago pag t tripan nyo na naman ako"
Inunahan nya na agad ang mga ito bago sya alaskahin

Markus-" ang defensive naman"
Natatawang sabi nito

Humilata sya sa lapag kung saan naglagay ng comforter si Mommy C. Katabi nya si Inigo and Marcus, sa kama naman andun si Kiko, Jerome and Elmo .

Habang nakahiga si Donny nakadapa lang ito at nakapikit.

Inigo-" hoy! Ano tulog tulugan agad? May tatanong pa kani sayo"

Donny-" ano na naman, pahinga na kayo, bukas na lang tayo mag q and a."
Sabi nito.

Inigo-" wait , nag aalala ako sayo eh. Paano na yan? "

Habang nakahiga ang tatlo, sumilip sila sa lapag kay Donny at nag agree sa tanong ni Inigo

Donny-" bahala na... basta andyan kayo suportado nyo ko sapat na, pag nawalan ako ng trabaho kayo na bahala sumagot pag may mga lakad tayo hahahah"
Pag bibiro nito napapailing na lang ang lima sa reaction nya.

Kiko-" wala inlove na talaga eh, wala nang paki yan sa carrer nya ngayon.."

Donny-" bahala na sila kung ayaw na nila sa akin, eh di wag! hindi ko ipipilit ang sarili ko, showbiz is temporary alam nyo naman yun, and i think mas mahalaga pa din ang sarili kong kaligayahan. And i don't regret what i did"

Jerome-" sabagay totoo yan, mahirap mag pasaya ng tao kung yung sarili mo di mo mapasaya ng totoo"
Seryosong sabi ni Jerome na ikinagulat nilang lahat

Markus-" wow! May hugot? "

Kiko-"hanep ah seryoso?"

Elmo-" Jerome? Ikaw ba yan"

Jerome-" hirap sa inyo... tingin nyo lagi sakin clown eh. Matino din naman ako paminsan hahaha"

Markus-" hahaha.. "

Donny-" guy's basta thank you ah. I love you mga bro, salamat sa support nyo at pagsama nyo samin"

Elmo-" oo naman "

Jerome-" basta ikaw"

Kiko-" no problem bro"

Markus-" di ako pwede mahuli"

Inigo-" mas lalo ako, kaya tara tulog na tayo para maaga tayo bukas excited na ko"

Elmo-" sana maganda dun tsaka sana wala masyado mga tao"

Kiko-" its not peak season yet kaya sure di marami ang tao"

Donny-" o sya lets all sleep na. But lets pray muna bago matulog"

At sinumulan na na nga ni Donny ang prayer bago sila matulog.

Kinabukasan:

Maaga sila nagising 4am palang gising na sila, dahil ang usapan nila 5 ang alis kaya they need to be early.

Nag shower na sila isa isa pinagkasya nila ang isang oras para mag freshen up. May tatlong bathroom sa condo isa sa room ni Kisses sa parents nito at sa may malapit sa kitchen.

Kisses use her parents bathroom para maka ready na si Devon para magamit din ng boys yung sa room nya pag freshen up.

Pagkaligo ni Kisses, papasok sa room nya andun si Devon, Kiko sa may kama at nag aayos na si Devon habang pinapanuod lang sya ni Kiko and si Donny na galing ng batroom. Pag kakita nila sa isa't isa nag yakap sila at nag good morning.

Donny-" good morning love, pag ganito ako gigising sa tuwing umaga? Sigurado buo lagi araw ko"
Sabi nito pagkakita nya kay Kisses, natawa naman si Devon at Kiko sa banat ni Donny

Kiko-" hayaan mo na Devs, corny talaga sya eh inlove eh"

Devon-" ibig sabihin hindi ka inlove"
Tanong nya kay Kiko, nag taka naman si Kiko dito

Kiko-" huh? Syempre inlove ! Tinatanong pa ba yun"

Devon-" eh bakit hindi ka corny?"
Tanong nya

Nakatingin lang si Donny and Kisses sa dalawang nag uusap at nag kakatingianan sila sa dialogue ng dalawa

Kiko-" Devs, isa lang dapat ang corny sa relasyon, sa ating dalawa ikaw yun at sa kanila naman"
Sabay tingin sa dalawa

Kiko-" si Donny yun! Ano nasagot na ba tanong mo"!
Nagtawanan sila sa sinabi nito.

Kisses-" ang cute nyo hahah"

Devon-" kayo din"

Donny-" o sige love mag reready na kami ayusin na mga gamit sa kotse"

Bago unalis pinag usapan nila ang convoy nila

Malaki naman ang van ni Donny, pero di sapat sa kanila kase naka customize ito kaya hindi na kalkulado ang kakasya

Napagkasunduaan nila na si Devon at Kiko Marcus and Inigo ang magkakasma and sa isang sasakyan naman sila Kisses and Donny Jerome and Elmo

Kasama din si Gelo sa sasakyan ni Donny kaya ibinaba na nila ang mga gamit , halos sabay sabay na sila nag paalam kay Mommy C and Daddy G, inihatid sila nito sa lobby ng condo at ipinunta ng mga driver nito sa harapan ang mga sasakyan para mai ayos ang gamit.

Ikaw Nga Ba🌺 llTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon