Chapter 9

1.9K 29 2
                                    

Ginawang park ang basketball court dahil sa paglalandi ni Angela kay Lance. Hindi naman natutuwa sina Macoy at Cesar sa ginagawa ni Angela. Tahasang hinalikan ni Angela si Lance sa lips na parang sarap na sarap siya sa kinakaing ulam. 

"Tumigil ka nga Angela. Nakakahiya eh."

Sabi ni Lance pero hindi nagpapigil si Angela.Usap-usapan ngayon ng mga students ang "surprise entrance" ni Angela kaya si Cesar na ang nagsalita, "Excuse me miss pero baka mapa suspend si Lance dahil sa ginagawa nyo sa kaibigan namin." 

"Wala akong pakialam hampaslupa" Sabi ni Angela habang kinukuha ng pictures sa mobile phones ang mga students. 

"Miss, this is a school not a park nor a motel. If I were you, I'll just walk away. YOU'RE NOT WELCOME HERE, SO GET OUT!!!" Sabi ni Macoy, saka dumating ang mga security guards ng school. 

No choice si Angela kundi umalis. Bago umalis may sinabi si Angela kina Macoy and Cesar, "Next school year, magiging classmate nyo 'ko. Humanda kayong lahat sa akin. LANCE WILL BE MINE!" pero hindi nagpapigil si Macoy at sinabi, "We'll see that. For now, grades muna bago landi ah." 

At umalis na si Angela, kasama ang mga masasakit na salita mula kina Macoy at Cesar. Palakpakan ang mga sinabi nina Macoy at Cesar kay Angela, pero tumahimik na lang si Lance kaya nagpunta sa puno. 

"Huy Lance, okay ka lang ba?" Tanong ni Cesar sabay akbay sa balikat.

"Nakakahiya..nakakahiya talaga..pagpasensya mo talaga si Angela..para akong may mga kadena sa leeg - hindi ako makahinga sa kanya." Sagot ni Lance. 

"Hindi kami natatakot sa kanya. She's just nothing but an outsider, na gagawin nya para maging 'laruan' ka nya." Sabi ni Macoy.

Nagpahinga muna si Lance mula sa unang basketball batch at kumain muna sa school canteen kasama sina Macoy at Cesar. Bukod sa basketball, puro batches ng volleyball, table tennis at sepak takraw. 

"Lance, punta na lang kami sa practice ng basketball team. Makakalaban natin ang mga Seniors. Mukhang malalakas sila at parang mahihirapan tayo." Sabi ni Cesar. 

"Ahh okay sige po. Salamat sa inyo ah. Bye!" Sabi ni Lance saka tumayo mula sa kinauupuan at umalis mula sa canteen nang tinanong ni Macoy si Cesar, "Bakit hindi mo naman sinamahan si Lance sa practice?" Tanong ni Macoy at sinagot naman nito ni Cesar, "Mamaya na muna. Ikaw naman, anong reaction mo eh hinalikan ka ni Lance sa cheeks?" 

"Ummm..okay lang. Hindi naman ako kinilig..but I'm happy..unusual but happy." Ngumiting sagot ni Macoy.

Uminom ng orange juice si Cesar, saka tinanong ni Macoy, "Eh p-paanong dumating si Angela from Hell este Angela na ginagawang toy si Lance?" Sabi ni Macoy, "Uy, hindi po ako nakikipagtalo sa taong hindi ko naman ka level - in a mental way. Aral muna bago landi."

"Ahh okay..basta kung inaasar ka na ni Angela Demonyo, wag mong pansinin." Sabi ni Cesar, saka nag cheers sa kanilang iniinom na orange juice. 

Nag announce ng organizer na bukas ang kanilang match sa Freshmen. Sinundo nina Gio at Fidel si Macoy sa gymnasium.

"Oy bunso kamusta?" Sabi ni Gio na hinalikan ni Macoy sa cheeks habang nag mano si Fidel. 

"Okay lang po. Nanalo yung team namin.." Sabi ni Macoy nang dumating sina Lance at Cesar, "..ayun nandito na po yung naglaro kanina..sina Lance at Cesar."

"Good evening young men. Congratulations on your first win. Keep up boys" Sabi ni Fidel,

"Thank You Sir." Sabi nina Lance at Cesar."Sige, bye..." Sabi ni Macoy nang kinuha nya ang kamay ni Lance at sinabi, "Macoy, salamat nang marami." Sabi ni Lance saka hinalikan sa kamay.

Sumakay na si Macoy sa kotse at umandar ang kotse pauwi sa bahay. Tawang tawa sina Gio at Fidel sa ginawa ni Lance sa kanilang "bunso". 

"Uy bunso. Ano yun? Hinalikan ka nung Lance sa kamay?" Tanong ni Gio habang nagmamaneho ng car, "Kuya naman..biro lang yun.." Sabi ni Macoy nang may paalala si Fidel, "Bunso, hinay-hinay lang sa love ah. Baka masaktan ka lang nyan." 

Kaya ito ang sinabi ni Macoy sa kanilang Papa at Kuya. "Pa..Kuya..saka muna lang yang 'love' na yan. Priority ko muna ang studies at adoption papers ko." Sabi ni Macoy.


Dumating na sila sa bahay pero pansing may itim na Mercedes Benz na naka park ang sasakyan. 

"Papa, sino yun?" Tanong ni Macoy. 

 Lumabas sila ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Dumating ang bisita nina Carl at Grace na excited na makita ni Macoy.

"Macoy, kamusta ka na?" Masayang sinabi ni Jin kay Macoy, saka niyakap siya nang mahigpit. 

"Jin!!! Heto okay lang naman. Pasensya ka na sa bahay namin, minimalist para malinis." 

Kinausap nila si Grace para malaman kung bakit sila nandito. 

"Guys, he's here because we will do an executive check-up sa kanyang sakit. Once okay na, babalik sila sa Japan." 

Na-curious si Carl tungkol kay Jin, "Jin, anong grade mo na sa school?Sumagot naman si Jin, "Grade 8 sir, ahead lang po Macoy. Sorry, hindi pa ako fluent sa Tagalog."

"Ako din, kailangan pang mag practice sa Nihonggo. Alam kong ikaw ang nagpadala ng Doraemon set. Ang cute naman." Sabi ni Macoy. Nag blush si Jin sa sinabi ni Macoy. 

"Sorry huh, hindi ko alam mga taste mo." "Mag dinner muna tayo, kasama yung bodyguard at driver mo tapos pag-usapan natin ang mga likes natin, baka magkakasundo tayo." 

California Maki ang dinner ng lahat. Mababait ang bodyguard at driver ni Jin. Babalik din sila papuntang Japan para bantayan siya sa school. Kitang-kita sa mukha nina Jin at Macoy ang tuwa, dahil may similarities ang dalawa - pareho sa martial arts, sa key subjects like Math and Science. Mahilig ding magluto si Jin pero hindi niya gusto ang music. Macoy likes to watch horror, suspense and action films pero hindi nya gusto ng mga romantic movies.

"Bakit ayaw mo sa romantic movies? Ang saya kaya?" Sabi ni Carl habang kumukuha ng maki. "Kuya, ang corny naman yun. Gusto po nila may 'happily ever after', pero anong nangyari sa 'Message In A Bottle'?" Palaisipan nila kung ano ang ending ng pelikula.

"Mahal, napanood na natin yun di ba?" Tanong ni Fidel kay Grace, "Ay oo nga mahal..napanood niyo yun Gio..Carl?" Tanong din ni Grace kina Gio at Carl pero umiling lang sila. 

"Sige, this Saturday evening, panoorin natin yan sa living room." Sabi ni Fidel at natuwa sila.

Nagpaalam na si Jin at bumalik sa kanilang hotel. Bago humalik, may sinabi si Jin kay Macoy. 

"Macoy, thank you at nakilala kita. Until we meet again." Sabi ni Jin, sabay kiss sa cheek. Namumula ulit si Macoy sa sinabi ni Jin. 

"G-good night J-jin."

Kinabukasan, nanood ng basketball game si Macoy, kung saan kasama sina Lance at Macoy but as a surprise, sumama na rin sa gymnasium sina Fidel at Grace. Hindi naman sila sumisigaw pero may torotot sila para sumusuporta nang may sumigaw. 

"I LOVE YOU LANCE!!!"

Nanggaling yun kay Angela pero snubbed lang kay Lance. May mga banners na din para kay Cesar at nagpapa boost ng confidence sa kanilang dalawa ni Lance. Tinanong ni Grace si Macoy kung sino yung sumisigaw kay Lance. 

"Sino ba yun bunso?" Tanong ni Grace na sinagot ni Macoy. Sumagot si Macoy, "Si Angela daw po..rumored girlfriend ni Lance." 

Natapos na ang game na ang score 102-95 pabor sa Freshman. Nagsend ng congratulations sina Fidel at Grace kina Lance at Cesar. As usual, humalik din si Angela kay Lance sa lips. Naamoy nina Fidel at Grace ang kakaibang amoy ni Grace. "Excuse me. May mali ba sa amoy ko?!" Galit na tanong ni Angela kay Grace. "Ummm...wala naman hija. Medyo kakaiba ang amoy eh. Parang hindi kaaya-aya eh. If I were you, try to wash your teeth and mouth." Saka umalis ang mag anak.

BEDROOM WITH MY STEPBROTHERS (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon