Birthday Wish

482 5 7
                                    

Umuulan na naman. Ano bang klaseng birthday to, hindi ako makalabas ng bahay, bumabagyo na. Sa dami dami ba naman kasi ng pwedeng hilingin ko eto pa!

Ano bang malay ko sa mga wish wish na yan dati. Eh almost 7 years old lang ako nung binigyan kami ng chance na magwish. Ganun dito sa Encantadia, lahat ng bata sa 7th birthday nila may chance na magwish. Its a tradition here in our kingdom. They said whatever you wish for on your 7th birthday is surely granted by someone, God maybe, or maybe an accomplice of God, like a real genie, or a god or a goddess. Ewan. Basta kung ano daw ang iwish mo nun ay matutupad.

Aish ewan, pero totoo talaga siya. Kaya heto ako ngayon naghihintay na tumila ang ulan. Ano nga bang hiniling ko before? Childish but hiniling ko na sana tuwing birthday ko umuulan. Pfft. Can you believe that? What kind of wish is that?! Lame. Well, nung bata kasi ako palagi ako naglalaro sa ulan. It really calms me to stay out in the rain. Pinapagalitan pa nga ako ng mama ko. Pero tumatakas parin ako. One time, isang full moon na birthday ko, napalo ako ng mama ko, yung kapatid ko kasi...

---
Flashback

"Waaaaahhhhhh si kuya inagaw yung toy ko!"

Tsk. My younger sister is so irritating. Gusto ko lang naman lapitan siya kasi wala akong magawa eh :( I'll just play alone in the rain then. Mom won't know. And it's my birthday so why not?

Lumabas na ng bahay si Edward at nagsimulang maglaro sa ulan. Kitang-kita niya ang ibang batang masaya ring naglalaro sa ulan. Naglalaro lang siya nang makita niya ang isang batang babaeng umiiyak, tinanong niya ito kung bakit umiiyak. Sagot nito dinadamayan lang niya ang pagluha ng mga ulap sa langit. Natawa naman siya sa sagot nito. Ang bata bata pa ang drama na. Nakipaglaro nalang siya dito.

Nagulat nalang siya ng nahuli siya ng mama nya. Pinagtatatalakan siya habang ang kapatid niya ay nakangisi sakanya. Sinumbong pala siya ng kapatid, inaway daw siya at hinagis ang stuffed toy nito kahit hindi naman. Siya rin ang nagsumbong na nagbababad na naman sa ulan ang kapatid. Paborito ng ina niya ang kapatid niya at lahat ng isumbong nito ay pinaniniwalaan niya. Pinalo siya ng ina habang umiiyak siya. Palagi nalang siyang umiiyak sa bahay nila, dahil tingin niya ayaw sakanya ng nanay at kapatid niya. Naalala naman niya ang babaeng nakalaro. Inisip nalang nya na tuwing umuulan ay dinadamayan lang siya ng mga ulap sa langit.

At magmula noon, gumaan lalo ang pakiramdam niya tuwing umuulan. Hanggang sa dumating ang 7th birthday nya at iyon ang hiniling nya. Na umulan tuwing kaarawan niya. Nang maramdaman ng lahat sa pamamagitan ng ulan kung gaano siya kalungkot sa bahay nila.

---

"Aba Edwardo ano pang hinihintay mo diyan? Maglinis ka na ng sala, at magluto ng agahan, mamamasyal kami ng kapatid mo.", bulyaw sakin ni mama.

17th birthday ko ngayon. Pero parang normal na araw lang naman. Di nga ata naalala nila mama at KC. Kahapon lang sinabi sakin ni mama na naaksidente pala ang papa ko dahil sa bagyo kaya siya namatay. Kaya pala nung nalaman nila kung ano ang wish ko dati, lalo siyang nainis sakin. Ang di ko maintindihan bakit parang galit siya nung tinanong ko kung anong nangyari kay papa. Ewan ko ba, 4 years old palang kasi ako nung nawala si papa. Tanda ko magbbirthday na ko nun nung sinabi na wala na si papa pero wala ako matandaan na dahilan tsaka paano siya namatay. Tsk. Pero nalungkot ako na umuulan pala nung namatay si papa. Iba na tuloy ang pakiramdam ko ngayon pag umuulan.

Nagluto na ko ng agahan habang naghahanda na umalis sila mama at KC. Naglinis nadin ako ng salas pagkatapos namin kumain. Napatingin ako sa labas...

teka...

bakit parang biglang umaaraw na? Buong buhay ko hindi umaraw tuwing kada birthday ko. Anong meron? Hindi na ba effective yung wish ko?! Damn. What's happening?

Lumabas ako ng bahay nung nakaalis na sila mama. Nag ikot ikot ako sa village namin. Himala, wala nang ulan. Ang araw araw na! At wow may rainbow pa! Anong meron bakit hindi na umuulan? First time to sa birthday ko.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nakabungguan ako sh*t! Nalalag yung mga bitbit nung nakasalubong ko na nakalagay sa plastic. Tinulungan ko naman siyang pulutin to, mga prutas lang pala, puro mansanas. Napatingala siya sakin para magpasalamat...

...

Hmm she looks familiar? San ko kaya nakita tong babaeng to?

"Uhh thank you :)", sabi niya sakin.

Natulala naman ako sa kanya. Ang ganda niya. Well, she looks kinda simple, pero malakas ang dating.

"Wala yun. Edward nga pala", pakilala ko sakanya.

"Hi thanks ulit and sorry nagmamadali lang. Sige bye!", pagpapakilala naman niya.

Dali-dali naman siyang tumakbo palayo sakin. I didnt even get a chance to ask her name and why she was hurrying like that. What a waste!

Umuwi nalang ako ng bahay na umaasang makikita ko uli ang babaeng yun sa mga susunod na araw. Pero hindi parin maalis sa isip ko yung pagtigil ng ulan. Ano kayang special sa araw na to?

Wish GrantedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin