Kabanata 30: Ang mga Guhit ni Brutson

15 1 0
                                    


                                                                               Si Brutson

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                                                                               Si Brutson

        - May natanggap na imbitasyon si Lolo Singto sa kanyang mga kaibigan na mga Intsik at mga pinsang Intsik sa isang Lungsod na malayo sa kanilang tinitirhan. Isa itong nauukol sa gaganaping Dragon Boat show, kapistahan at tunay ngang siyay namiss ng mga ito sapagkat ilang taon na ang nakakalipas simula nang hindi nila nakita ang matandang intsik na si Lolo Singto. Dahil ritoy sinabi ni Lolo Singto sa kanyang mga apo, kay Lawrence at kay Freyah ang nilalaman ng liham- imbitasyon. Natuwa ang lahat sapagkat ito ay masaya at sa wakas ay makikita na nila ang Lungsod. Nagdalawang isip ang matandang Intsik kung syay tutuloy sapagkat naiisip nyang walang maiiwan sa tahanan at templo at hindi nya masisilayan ang mga magagandang dilag. Nang malaman ni Freyah ang pag- aalangan ni Lolo Singto ay siyay nag- empake lahat ng mga gamit. Ganun rin sina Jia, Chin at Yang. Kinabukasan, nagpaalam si Freyah kay Amalthea na aalis sila patungong Lungsod upang daluhan ang imbitasyon na natanggap ni Lolo Singto. Ayaw sumama ni Amalthea at nais na lamang nitong magpaiwan sa templo at magbantay na lamang. Makalipas ang ilang oras ay kinaladkad ng mga apo at ni Freyah si Lolo Singto upang magtungo na sa Lungsod, Sumama rin Si Lawrence. Walang nagawa si Lolo Singto at hindi sya nakapalag kung kayat silay umalis na at winika nitong tatlong araw silang mag- iistay sa Lungsod. Tuwang tuwa silang lahat sa kanilang pag- alis. Samantalang makaraan lang ang ilang oras pagkatapos nang pag- alis nila Freyah ay dumating sina Makiling at Metalica sa templo. Hinanap nila si Freyah ngunit ito ay wala, kanila lamang naabutan si Amalthea sa templo na nag- iisa at sinabi nitong umalis si Freyah kasama ang buong pamilya at nagtungo sa Lungsod at silay tatlong araw na mawawala. Sa kanilang pananatili sa templo ay silay nag- usap usap at nagkwento si Amalthea ukol sa lupain ng Fornapyxis at sa kaharian ng Henrophrydie. Habang silay nag- uusap usap ay may isang turistang dumating at nagpakilala bilang Bruno, siyay isang magaling na pintor at mang guguhit. Nagpaalam siya kina Metalica at Makiling na kung maaari ay siyay magpinta sa templo at sa buong kapaligiran nito sapagkat magaganda ang tanawin, kapaligiran at ang templo. Pumayag sina Makiling at Metalica sa nais ng lalaking si Bruno at silay naaliw sa pagpipinta nito at silay nanood. Natapos ang pagpipinta ni Bruno at siyay nagpaalam na uuwi na may pasasalamat ng buong puso. Bago umuwi si Bruno ay nagbigay siya ng paintings nina Makiling at Metalica. Tuwang tuwa ang dalawa sapagkat napakaganda nila sa painting at silay nasorpresa sapagkat hindi nila namalayan na silay ipinipinta ni Bruno habang nakaupo. Nagpasalamat rin ang dalawa kay Bruno at silay tunay na tuwang tuwa. Pagkatapos nitoy umuwi na si Bruno sa kanyang tinutuluyang bahay. Kanyang muling tinignan lahat ng kanyang mga obra at siyay nagulat sapagkat sa bawat paintings nya ay may lalaking balot na balot na kulay itim. Siyay nagtataka kung saan nanggaling ito at wala syang matandaan na naipintang lalaking balot na balot na kulay itim at nakakapagtakang lahat ng paintings ay nandoon ang misteryosong lalaki. Kaya ritoy natakot si Bruno at mayamayay gumalaw ang misteryosong bagay sa mga paintings at ang lalaking nakabalot na balot ay si Azanigin.

Princess FreyahWhere stories live. Discover now