Chapter 1

17.6K 203 3
                                    

"Ang tagal namang spaghetti niyan!", sambit ni Charles habang papalapit kay Lance na nagluluto ng sauce ng spaghetti.

"Sandali na lang po senyorito.", sarkastikong tugon ni Lance sa nobyo.

Nang makalapit na si Charles ay binigyan niya ng mahigpit na yakap si Lance at habang tumatagal ay lalo niyang hinihigpitan at ginagalaw niya pa ito ng kaliwa't kanan na tila nagsasayaw kaya sinubukang kumawala ni Lance...

"Baka tayo matapunan nitong sauce, ang harot-harot mo.", natatawang sambit ni Lance.

"Nilalambing ka lang e.", si Charles na bumitaw at may tono ng pagtatampo.

"I'll just get this stuff done and we're off to the lambingan part!", tawa ni Lance

"Why don't we get to the lambingan part first and you'll get that done afterwards.", ngisi ni Charles na sinundan ng pangingiliti sa nobyo.

"Wag kasi!!!", tila nagpapanic na tono sa boses ni Lance na pinatay na ang kalan at tumakbo palayo kay Charles para makaiwas sa pangingiliti nito, madali kasing makiliti si Lance at may kakaibang dulot sa kanya ang mga panunundot sa kalamnan niya.

Ngunit anumang takbo ang gawin ni Lance ay nahabol siya ni Charles gawa ng mas athletic at sporty ito kesa sa kanya, nang maabutan siya ng kasintahan ay patuloy ang ginawa nitong pangingiliti hanggang sa matumba sila pareho, nasa ibabaw si Charles at siya naman ay nasa ilalim, nagkatitigan at tila naramdaman ang kakaibang mahika sa pagtitig sa mukha ng bawat isa, unti-unting lumapit ang kanilang mga mukha sa isa't isa at sa ganuong kaawkward na posisyon kung saan halos nakatuwad si Charles habang nasa ilalim niya si Lance na tila palakang nakatihaya, pero mas awkward na matapos ang kanilang pagtatawanan at pagkikilitian ay may nagsisimulang mamuong luha sa mga mata ni Lance.

"Bakit ka umiiyak? Nagdadrama ka na naman!", si Charles.

"Tange! Nakadagan ka saken, ambigat mo kaya.", si Lance na pinunasan ang namumuong luha sa mata saka tinulak palayo si Charles at umupo nang maayos.

"Malapit na tayong mag-isang taon dito sa bahay, malapit na rin yung second year anniversary natin.", usal ni Charles na umupo sa sahig katabi si Lance.

"Ambilis no? Akala ko dati imposible yung ganito, akala ko...", naputol na pagsasalita ni Lance nang gawaran siya ng isang mabilis na halik ng kasintahan.

"Para saan yun?", pagtatakang tanong ni Lance.

"Para sa'yo. Nag-eemote ka na naman kasi kaya baka yan lang yung kailangan para tumigil ka.", natatawang sambit ni Charles.

"Bwisit ka talaga.", naiinis na tugon ni Lance na agad namang inalo ni Charles.

"Biro lang naman yun. Alam mo namang para kang Nido e."

"Bakit Nido?"

"Cause you're my number one!", sambit ni Charles na nagpangiti kay Lance.

"Sana e maging Rexona ka na lang.", si Lance.

"Ayun o! Bumabanat ka na rin? Ahaha! Kaya lang sana hindi pangkili-kili. Ahaha! Pero bakit nga ba gusto mo akong maging Rexona?", natatawang usal ni Charles.

"So you won't let me down."

"Syempre naman. Living without you I like dying... kasi ikaw ang buhay ko.", si Charles na kinukurot ang matangos na ilong ni Lance.

"Hanggang kelan kaya tayong ganito?", biglang nag-iba ang tono ni Lance.

"Bakit? Nagsasawa na ba sa ganito? Ayaw mo na ba akong makasama na parang asawa mo?"

"Adik! Syempre gusto kaya lang kasi alam naman nating yung mga ganitong relasyon tulad ng sa atin e hindi lahat permanente, hindi lahat pangmatagalan e paano kung magsawa ka? Paano kung maumay ka na sa akin?"

HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon