Chapter 8

3.4K 92 4
                                    

Matapos ang ilang minutong pag-upo sa damuhan ay nagpasyang umuwi ang dalawa sa bahay nila. Pagkarating ay hindi na nagawa ng dalawa na kumain pa, buti na lang at kumain sila ng burger at fries bago umuwi. Magkatabi at magkayakap silang natulog sa kamang matagal na rin nilang hinigaan ng magkasama…

“You’ve got to love me for what I am, for simply being me… don’t love me for what you intend or hope that I will be…”

Pasado alas-onse na ng gabi ng tumunog ang telepono ni Charles at nang tingnan niya ang caller ID ng kanyang mobile phone ay nakita niyang hindi rehistradong numero ang tumatawag. Kadalasan na hindi niya sinasagot kung hindi niya kialla ang numerong tumatawag pero may kung anong pumipilit sa kanya na sagutin ang tawag na yun…

“Hello, sino to?”, si Charles.

“Charles, si Melissa to. Tulog na ba si Lance?”

“Oo. Kani-kanina pa, kakausapin mo ba? Sandali lang, gisingin ko…”

“Wag. Ikaw ang gusto kong makausap, let’s see each other tomorrow sa office ko and make sure that Lance won’t leave the house, ok?”, si Melissa.

“Bakit? May plano ba siyang umalis? At ano ba yung pag-uusapan natin.”, nagtatakang tanong ni Charles.

“I can’t say it over the phone so please just follow my instructions, please?”

“Ok.. I will.”

“Bye.”

“Bye.”

*END CALL*

                Nang matapos ang pag-uusap ng dalawa ay bumalik na sa paghiga si Charles at natulog muli na lingid sa kaalaman na gising ang taong katabi at dahilan ng kanilang pag-uusap… si Lance. Nakikiramdam ito at tila hindi mapakali, pansin sa mga mata nito ang pagkabalisa at nagsimulang mamasa ang mga mata… inilapit niya ang ulo niya sa katabi at bumulong…

“Hindi ko na alam kung anong problema sa akin, sa katawan ko… all I am certain is that I am sick…” sabay lapat ng kanyang labi sa noo ng kapareha.

                Kinaumagahan ay nagising si Charles na nakapaghanda na ng agahan si Lance para sa kanilang dalawa. Tulad kahapon ay ginising siya nito nang isang masayang ngiti at napakalambing na tinig. Matapos mag-inat ay dumiretso si Charles sa banyo upang maligo at maaga niyang balak puntahan si Melissa sa opisina nito para makausap at malaman ang nais nitong sabihin na may kinalaman sa kanyang kapareha.

“Aalis ka?”, tanong ni Lance nang lumabas si Charles sa banyo.

“Oo pero mabilis lang ako, meron lang akong imi-meet na client. Ikaw ba?”

“Hindi. Dito lang ako sa bahay, nagresign na kasi ako sa trabaho e.”

“Nagresign? Bakit?”, sambit ni Charles na nagbibihis para sa pagpunta niya sa opisina ni Melissa.

HOUSE FOR SALE (boyxboy) *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon