Chapter 4

15.4K 132 0
                                    

... SABIK...

BY:EMMZ...

CHAPTER 4....

Malungkot na umuwi ng bahay si Alvin dahil sa balitang sinabi ng kanyang boss na ipapadala siya Singapore..,, iisipin lang ang mawalay ng isang linggo sa kanyang mahal na asawa ay napakatagal na sa kanya iyon pa kayang isa at kalahating taon na mawalay siya hindi niya alam kung kakayanin niya ito pero ano ang gagawin niya kung trabaho naman niya iyon at ngayon ay obligado siyang sundin ang inuutis ng kanyang boss dahil kung hindi ay baka mawalan naman siya ng trabaho....

Malayo palang ang asawa ni Elvira ay tanaw na niya na malungkot ito kaya naman labis na nag alala kung bakit ganoon nalang ang hitsura nito kaya agad niya itong sinalubong sa may pinto...

"Hello hon bakit parang ang tamlay mo?... nagtatakang tanong ni Elvira sa asawa sabay halik nito sa kanyang labi...

"Hon may sasabihin akong importante sayo"... wika ni Alvin saka inakbayan ang asawa at inakay paupo sa may sofa...

"Ano yun hon at bakit parang namatayan ang iyong hitsura ano ba iyon ha?.... muling tanong ni Elvira sa asawa...

"Eh hon kanina ay dumalaw ang boss namin sa trabahi galing pa ng Maynila at kinausap niya ako tungkol sa aking trabaho na"... ani Alvin at sadyang ibinitin ang sasabihin dahil parang ayaw niyang sabihin sa asawa ang rason kung bakit siya malungkot...

"Ano ba ang dahilan ng pagkakaganito mo hon sabihin mo sa akin baka makatulong ako at ng hindi ka namomoblema ng ganyan!... saad ni Elvira sa asawa..

"Hon sabi ng boss ko ay ipapadala saw niya ako sa Singapore!...

"Huh!... Ilang araw ka naman doon mahal?!,,,gulat na tanong ni Elvira kay Alvin...

"Hon ang sabi ng boss ko ay isa't kalahating taon ako roon dahil may project kaming ipapatayo roon at ako lang daw ang maaasahan niya sa mga bagay na ito at hindi ko naman matanggihan...'nalulungkot na pahayag ni Alvin sa asawa..

" Hon ang tagal naman ng isang taon at kalahati parang hindi ko kayang mawalay sayo ng ganoong katagal mamimi miss kita ng sobra sa tagal na iyon!..malungkot na saad ni Elvira saka niyakap nito ang kanyang asawa...

"Hon ako man ay parang hindi ko kakayaning mawalay sa iyo ngunit ano ang gagawin ko kung tawag naman ito ng aking serbisyo at ngayon palang ay para na akong pinapatay ng pagkasabik sayo sa tuwing iniisip ko ang tagal na hindi natin pagkikita at talagang mamimi miss kita ng sobra!.... wika ni Alvin kay Elvira na bahagya g napaluha na ito...

"Hon sana makayanan ko ang pagkakalayo nating ito dahil mahal na mahal kita ikaw lang ang lalaki sa buhay ko at mahal na mahal din kita... hindi na napigilan pa ni Elvira ang mapaluha ng mga sandaling iyon at humagulgol siya sa dibdib ng asawa kaya agad namang niyakap ni Alvin ng pagkahigpit higpit ang asawa...

"Tama na hon wag ka ng umiyak dahil mas lalong bumibigat ang aking dibdib pag nakikita kitang ganyan parang ayaw ko na tuloy umalis!... saad ni Alvin na ang boses nito ay parang basag na pipiyok anumang oras...

"Sige na hon pasensiya kana hindi ko lang mapigilan ang bugso ng aking damdamin kaya ako naiiyak....paliwanag ni Elvira sa asawa...

"Tiis lang hon at pagkatapos nito ay magtatayo nalang ako ng negosyo at dito nalang ako para lagi tayong magkasama.... maya maya ay wika ni Alvin na agad namang sinang ayunan ni Elvira...

Matapos ang malungkot na deskosyunan ng mag asawa ay inaya ng kumain ng hapunan ni Elvira ang asawa saka nagsalo habang tahimik ang dalawa at ng matapos ang kanilang hapunan ay sandali munang namahinga ang dalawa sa sala habang magkatabi na nanood ng balita habang nakasandig si Elvira sa dibdib ng asawa ...

......SABIK...by..emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon