CHAPTER # 3: BOYFRIEND? GIRLFRIEND?

778 27 0
                                    

=>RAIN'S POV<=

Rain Jean Tan, 17 freshmen at Dalton University, taking up Engineering.

Dahil sa tulong ni insan Ivo nagkaroon ako ng karamay at katulong, kaya lang, mukhang kahit kaming dalawa, eh, 'di magkakasundo.

"Nasan ka ba? Sabi ko punta ka dito sa room namin, eh" text nya sakin, oh diba ang sama? Papunta sya ng papunta sakin, pero pag pumupunta naman ako sa kanila wala na yung Lyra nya. Nakakapikon sya, ah.

"Papunta na ko" sagot ko lang, nakakainis, buti na lang break ko na. Palabas na sana ako ng room ng makasabay ko sila Jerson.

"Oh, may pupuntahan ka?" tanong sakin nitong new girlfriend nya na si Zarina.

"Ah, oo" sagot ko saka umatras na para padaanin sila.

"Magla-lunch ka na ba? Sino kasabay mo?" tanong na naman nya, ano bang pake ng babaeng to sakin?

"Great wala ka kasabay, tara sama ka na samin" sabi nya sabay hablot sa wrist ko.

"Ah, sandali lang, anu ka--" nagsasalita pa ko ng paupuin nya na ko sa tapat ng table sa canteen, gaga talaga toh.

"Baby, order ka na dun isa na lang food kunin mo" utos nya, ano ba balak nya? Inggitin ako?

"So may dinedate ka na ba?" tanong nya, chismosa to, ah!

"Ahm--" nagdadalawang isip akong sumagot baka di sya maniwala,

"Come on, don't be shy, we're friends naman, eh" sagot nya, aba, kelan pa?

"Ah, ahm magtetext lang ako sandali, pwede?" tanong ko habang nakikipag plastikan ng ngiti sa kanya.

Binitawan naman nya yung kamay ko na kanina pa nya hawak.

Tinext ko agad si Jhaydee para pumunta dito, naginginig na nga yung kamay ko habang nagtetext para lang masend sa kanya agad yung message.

=>JHAYDEE'S POV<=

Napakatagal naman ng ulan na yun, maglalakad na nga lang ng mabilis 'di pa magawa.

"BRO" sigaw ni Marty na humahangos pa pagbalik galing canteen.

"Ano? hinahabol ka ba ng aso?" tanong ko pagdating nya sa harap ko.

"Si Rain, nakita ko sa canteen, kasama yung new girlfriend ng ex nya!" mabilis nyang sabi.

"Ano? Bro walang multo, dahan dahan naman sa pagsasalita" reklamo ni Ivo.

"Kailangan nya ko" sabi ko.

Nagmadali akong pumunta sa canteen, at hinanap sya sa bawat table na nandun. Nakita ko sya na nakaupo sa harap ng isang lalaki na nasa tabi ng isang babae. Yun siguro yung ex nya, 'di ko makita yung mukha, eh. Hindi ko tuloy makita kung sino mas gwapo samin.

"Mommy!" sigaw ko, napatingin halos lahat sakin yung mga tao, pati yung kasama nya sa table. Sa hiya nya ata, eh, tinaas nya lang yung kamay nya saka na ko lumapit sa kanya.

=>RAIN'S POV<=

"Mommy" sigaw nitong si Jhaydee. Dahil sa pagsigaw nya napatingin lahat ng tao sa kanya.

Kadiri naman yung tawag nya sakin, mommy? Pangit nya umisip, ah. Dahil sa hiya tinaas ko na lang yung right hand ko para makita nya ako.

"Si Jhaydee may new girlfriend?" tanong nung nasa kabilang table na girl.

"Oh, so lucky naman nung girl" sagot naman nung isa,

"Gano naman kaya sila katagal ng girl na to this time?" tanong nung isa pa.

I Love You My REBOUNDWhere stories live. Discover now