2nd

1.2K 12 1
                                    

2nd

"desperado a Spanish term means a person without hope, in tagalog walang pag-asa"

..................

Wala na ba talagang pag-asang maging kami ni Andrew MyLoves so sweet? Forever na nga ba ang love story nila ng ate ko? Sa kasalan na nga ba mauuwi ang lahat?

Tsk, syempre hindi ako papayag na maikasal ang ate ko at si Andrew ko. Desperada? Wala akong pake basta mapapasakin si Andrew, lahat ggawin ko makuha lang siya. Lahat gagawin ko mahalin lang niya ko.

Five straight months ng magjowabels ang ate ko at si Andrew MyLoves. Sa loob ng limang buwan na yun sa noo o kamay o sa pisngi lang hinahalikan ni Andrew si ate. Bilib din naman talaga ko sa Andrew ko, di lang tigang sa sex pati sa halik tigang na din.

Alam kong grabeng pagpipigil ang ginagawa ni Andrew, pero hindi yun ang tumatakbo sa utak ko. Yung ay mahal niya nga ang ate ko.

Kaya lalong umiinit ang ulo ko sa twing naiisip ko ang bagay na yun. Si Andrew MyLoves mahal ang ate ko? Hindi pwede, hindi maaari, hindi ako makakapayag.

Desperada na kung desperada, but I'll do everything just to make Andrew mine. Akin lang si Andrew, hindi siya pwedeng mapunta sa ate ko. Hindi ako papayag na ang ate ko na nga ang huling babae sa buhay niya. At lalong hindi ako makakapayag na mauwi sa kasalan ang relasyon nila.

Ngayon ay andito siya sa bahay namin, well lagi siya dito dahil sa ate ko. At nabibwisit ako, tama bang sa harap ko pa sila maglampungan na dalawa? Tama ba yun? Asan ang hustisya?

Dahil alam kong tatambay na naman ngayon si Andrew MyLoves ay nagayos talaga ko ng husto. Yung ayos na talagang mapapansin niya. At talagang ginamit ko pa yung isang mamahaling pabango ko para lang sakanya samantalang ang ate ko, nagsuklay at nagpolbo lang aba kuntodo ngiti tong si Andrew MyLoves sakanya at panay pa ang sabi na ang ganda ganda daw ni ate.

Ang sarap ngang umentra at sabihing "kung maganda ate ko, ano ko? Dyosa ng kagandahan?". Nakakainis mag-iisang oras at mahigit na siya dito samin pero ni isang beses hindi ata siya napatingin sakin.

Kanina pa ko nagpapapansin dito pero wa epek. Kanina tinanong ko siya kung uhaw siya sabi niya hindi ng hindi man lang naharap sakin samantalang nung si ate nagtanong aba umOO naman kagad. Iniistorbo ko din ang usapan nila sa pamamagitan ng paglakas ng volume ng TV at wa epek paein. Kahit nung ilipat ko sa isang channel na rated SPG yung palabas, hindi man lang natinag ni hindi man lang nagawang tumingin sa screen ng TV. Nagtititili na nga din ako kanina, kunwari may ipis na dumaan aba wala talagang epekto. Nung umalis nga sandali si ate para magCR, kinausap ko siya, ayos naman sana, kinausap niya naman ako e, pero hindi niya ko nilingon.

Hindi ako naniniwalang hindi siya naagandahan sakin. Ayoko ding isipin na wala siyang interes sakin. Maganda ko, sexy at talaga namang kaakit akit. Hindi sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko, pero malakas naman talaga ang sex appeal ko. Pero walang talab lahat ng yun sakanya.

Kulang pa nga siguro talaga ko sa pagpapapansin, kulang pa ang mga yun para mapansin niya ko. Pero hindi ako titigil, hindi ako titigil hanggang mapasakin siya.

Kaya naman habang kumakaen kaming lahat ay iniisip ko na ang lahat ng gagawin ko para mapansin niya ko. Para mapasakin na ang atensyon niya.

Kaso habang nag-iisip ako, hindi ko namalayan na nagpaplano na pala sila. Nagpaplano na sila ng pamilya ko ng bagay na magbibigay sakin ng isang malaking heartbreak.

Dahil habang abala ko sa pag-iisip, siya naman ay abala sa pagsabi sa mga magulang ko kung pano siya nagpropose ng kasal sa ate ko. Dahil habang abala ko sa kaiisip ng mga bagay bagay kung pano niya ko mapaoansin, ay nagpaplano na silang lahat para sa darating na kasal nila ng ate ko.

Akala ko isang common dinner ng pamilya lamang ang magaganap kasama siya, akala ko kagaya ng mga nangyari nitong mga nagdaang araw na kasabay namin siya magdinner ay ganun lang din ito. Yun pala may malaki silang pasabog ng ate ko, yun pala may plano na silang dalawa pagkagraduate nila, yun pala lahat ng pinplano ko sa utak ko ay hindi ko na magagawa pa kahit kailan.

Dahil ang Andrew MyLoves ko ay ikakasal na sa ate ko.

Pero hindi ako papayag, hindi ko hahayaan na matuloy ang kasal nila. Desperado? Oo desperado ko, at gagawin ko ang lahat wag lang matuloy ang kasal nila. Wala akong pake kung magalit man sakin ang ate ko o kung sino pa man sa gagawin ko. Basta ang mahalaga, maging akin si Andrew. Akin lang si Andrew, si Andrew Quinn ay para lamg kay Charmaine Anne Martinez. Ang apilyidong Quinn ay sakin mapupunta at hindi sa kapatid ko.

Wala akong pake sa sasabihin nila, wala akong pake kung anong iisipin nila sakin. Akin lang si Andrew, akin lang.

Still His WIFEWhere stories live. Discover now