PROLOGUE

37.2K 821 146
                                    

Dedicated to JenAKOsau

*****

At dahil fav. niya sina Magnus and Alex
sa kanila ko ipapangalan ang main lead ko.

*****

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters,
businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved.

No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the writer/publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

P.S

I do not owned any of the pictures used in this story. All Credet go to the artist/ owners of the images.

This is a BOYSLOVE story. It is related to a men-to-men relationship. If you were not into these relationship nor even a certified homophobic, better leave the book.

There are some matured scenes in the book that is not suitable for minor ages below. Read at your own risk.


Started date: July 02, 2019

********

Nasaan ako?

Iyon ang unang tanong sa isipan ko ng magising ako sa pagkakatulog.

Ang huling natatandaan ko ay naglalakad ako pauwi sa bahay galing sa eskwelahan ng may isang grupong kalalakihan ang humarang sa daraanam ko at pinilit akong pinasakay sa isang puting van.

Magwala man ako ay wala akong nagawa dahil dalawang naglalakihang lalaki ang humawak sa magkabilang braso ko at mas nasasaktan ako kapag nagpupumiglas ako dahil sa mahigpit na pagkakahawak nila sa akin at sigurado ako na magmamarka na ang mga iyon sa balat ko.

Kaya naman sumigaw na lang ako baka sakaling may makarinig at may maawang tumulong sa akin pero nagalit lang sila at pinatahimik ako gamit ang kamao ng isa at sinuntok ako sa sikmura.

Halos maglaway ako dahil sa sakit ng pagkakasuntok sa akin? Kumilos na din ang isa para itali ako sa mga kamay at lagyan ng plaster ang bibig ko. Hanggang sa tuluyan na akong nanghina at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil binalot na ng kadiliman ang kamalayan ko.

At ngayon gising na ako. Nasaan ako?

Hindi man malinaw ang paligid dahil sa mapusyaw na lampshade sa gilid ay alam kong nasa isang silid ako.

Nasaan ang mga lalaking tumangay sa akin? Anong balak bilang gawin sa akin?

Hindi ko pa man din sila nakikitang muli ay nanginginig na ako sa takot?

Bakit nila ako kinidnap? Anong kailangan nila sa akin?

Hindi matapos tapos na katanungan ko sa isip habang hindi na ako mapakali na palinga linga sa paligid.

✅Looking Back To My Nightmare (BOYSLOVE) MPREG Where stories live. Discover now