chapter 5

40.7K 97 0
                                    

Amber pov.

Nagising akong mag-isa sa kama niya, ng umagang iyon. Wala siya sa buong kwarto.

Umalis nalang ako sa kwarto niya at pumunta sa kwarto ko. Masakit man ang pagitan ng dalawa kung hita ay tiniis ko.

Paika-ika akong naglakad at pumasok ng banyo nag sipilyo at nag hilamos. Kaniskus ng kinuskos ang mukha pero parang ang lagkit parin kaya naisipan ko nalang maligo.

Mahigit isang oras akong nag babad sa ilalim ng shower. Kung hindi ako gininaw ay hindi pa sana ako umalis dun.

Tanghali na ng makaramdam ako ng gutom kaya naisipan kung bumaba at pumuntang kusina.

Naabutan kung nasa harap na ng hapag kaina si tito john. Tulalang nakatingin sa pagkaing nasa harap niya.

"Magandang umaga tito." may ngiti sa labi na bati ko dito. Saka may pag iingat na umupo sa harapan niya.

Napatingin ito sa akin na parang nagulat pa pero walang isang minuto nag iba na naman ang pagtingin nito sa akin. Naging seryoso na.

"Gising kana pala. Tapusin mo na iyang pagkain mo at sumunod ka sa akin sa opisina." tumayo nalang ito at iniwan ako.

may pagtataka man dahil sa ikinikilos niya nakakalungkot kung paano niya anu titingnan na parang walang nangyari sa amin kagabi.

Gaya ng sabi niya pinag patuloy ko nalang ang aking pagkain.

Pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan ay pumunta na ako sa opisina niya dito sa loob ng bahay.

Habang naglalakad patungo sa kanyang opisina. Maraming bagay ang pumapasok sa isipan ko.

Ang nangyari kagabi...ay subrang memorable sa akin inangkin niya ako ng may pag-iingat na parang isang babasaging bagay.

Pinaramdam niya sa akin ang pagmamahal. Ginawa niya akong isang ganap na babae. Subrang saya namin kagabi naramdaman ko ang kasiyahan niya.

Pero nitong umaga his action confused me. Bakit ang lamig ng trato niya sa akin.

Sa dami ng naiisip ko hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng opisina niya.

May pag-iingat akong kumatok sa pinto ng opisina niya.

"Pasok" narinig kong sabi niya kaya..
Dahang-dahan kong binuksan ang pinto.

Tumambad sa harapan ko ang loob ng opisina niya. Ito ang unang bises na pinapasok niya ako rito.

Ayaw niya kasing naiisturbo siya tuwing nag tatrabaho siya.

Nagtitigan lang kami mga ilang minuto walang sinu man ang gusto magsalita. Mga mata lang namin ang nag-uusap.

Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan,takot at ang lamig ng pagtingin niya sa akin walang buhay bakit...

Dahil sa parang wala siyang gana magsalita ay inunahan ko na.

"Bakit...bakit tito."

Bakit...bakit mo Pinaramdam sa akin ang ganoong pakiramdam kagabi.. Bakit mo ako inangkin may pagmamahal ka rin ba para sa akin?

Pero bakit...ngayun ganyan ang Turing mo sa akin nasaan na ang sweet kong tito john. Bakit hindi ko makita ang pagmamahal sa kanyang mga mata para sa akin.

Ang lahat ng katanungan sa isip ko ay nabigyan ng kasagutan dahil sa sinabi niya.

"Amber kagabi...maling mali iyong nangyari hindi dapat yun nangyari...sorry nadala lang ako ng bugso ng damdamin..wag mo sanang bigyan ng kahulugan iyon. At kalimutan nalang natin yun."

Ang sakit...tang*na paanu niya naaasabi sa akin na kalimutan iyon.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko.

"Tito ang nangyari sa atin kagabi ay hindi ko malilimutan. Kagabi pinaramdam mo sa akin ang pagmamahal. Naramdama ko ang pag iingat mo...binigay ko sayo ang sarili ko ng buong buo dahil sa mahal kita..pero kung yan ang gusto mo sige kalimutan nalang."

"Amber..." lalapitan pa sana niya ako ng tumalikod na ako at tumakbo papuntang kwarto ko. Malakas kong sinara ang pinto at pabagsak na napaupo sa likod nito.

Narinig kong tinatawag niya ako pero nagpapakabingi ako. Pumunta akong kama at padapang humiga doon habang humahagol gol ng iyak.

Hindi ko aakalain na mangyayari sa akin ito. Ang akala koy magiging masaya ako dahil sa pinaramdam niya sa akin ang pagmamahal akala ko mahal niya rin ako...pweo akala ko lang pala iyon. Isang bugso ng damdamin lang pala ang nangyari sa amin.



*
*
*

Sa nalaman ni Amber na hindi pala pagmamahal ang namagitan sa kanila...kundi bugso lamang ng damdamin...magiging maayos pa kaya ang lahat matapos ng mga nangyayari...alamin sa susunod na kabanata.



Author note://
Maraming salamat sa patuloy na supporta sa akin. Luvlots:-*

Don't forget to vote and follow :-*

My Stepfather SPGWhere stories live. Discover now