TPM.14

868 35 17
                                    

TATLONG band aid ang binili ko para sa tatlong hickey na nasa leeg ko ngayon.

Hindi parin talaga mawala ang kunot ng noo ko habang nakatingin sa salamin. Papasok na ako sa school, at simula palang ng umaga ko ay sirang sira na!

Walanghiya talaga ang Caspian na yan! Hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya sa leeg ko!

"Loui! Musta? Sabay na tayong pumasok!" Binati ako ni Axel ng makasalubong ko sya sa school ground.

Hindi naman ako sumagot at hinayaan nalang sya, nasa utak ko parin kasi si Caspian. Naiinis ako! Naiinis ako sa kanya!

"Bakit may band aid ka sa leeg? May sugat ka?"aniya at umakmang hawakan ako.

"Wag mo kong hahawakan!" Napalayo ako agad.

Ayokong matanggal yung band aid! Bwisit talaga! Na c-concious ako ng sobra!

"Okay! Easy ka lang huh?" Tinaas nya ang dalawang kamay nya na para bang sumusuko na.

Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim. Nakakainis kasi talaga!

"Oh by the way.. kamusta yung date nyo kahapon ni Zach?" tumaas taas ang kilay nya sakin, tila parang nanunukso.

"Hindi kami nagdate"inirapan ko sya.

"Is that so? pero sabi nya mag d-date kayo?"

"Sabing hindi nga"tuluyan na akong nawala sa mood. Kung pwede ko lang syang sapakin para kay Caspian, kanina ko pa ginawa!

"Sungit mo talaga. Nakakainggit si Zach, sya lang ang madalas mong pansinin sa aming apat. Nakakahalata na ako, sya ba type mo sa aming apat?"

Napalingon ako sa kanya, nakanguso sya at nagpacute pa.

"A..anong-nagkataon lang na palaging nag k-krus ang landas namin no! At hindi ko sya type! Tss.."

"Then, if lagi ba tayong nagkikita papansinin mo rin ako?"

"Ano bang ginagawa ko ngayon? Inii-snob ka kita ha?"

Natawa naman sya at umiling iling.

"Sungit talaga"

"Sabing hindi ako masungit!"

"Haha! Oo na, hindi na"

"Tch! Oo nga pala, kumusta na ang rankings?" Nag iba nalang ako ng topic.

Minsan lang ako magtanong ng ganito. Sa totoo lang wala naman talaga akong pake, pero dahil nandoon ang banda ni Damon gusto ko rin malaman kung ano ng nangyayari.

"Well, fortunately... na move ang international competetion na sasalihan ng school kaya may chance ulit ang ibang banda na makapagparticipate" hindi ko alam kung bakit medyo malungkot ang boses nya ng sabihin yun.

"Bakit parang malungkot ka?"

"Well, actually hindi naman talaga ako malungkot. I'm a little bit disappointed about last time. Lumang kanta kasi ang ginamit namin this month kaya inalis muna ang banda namin sa ranking system ngayong month. Luckily, na move ang competition, it's really a big opportunity at sana naman ngayon swertehin kami"

"Bakit naman kasi lumang kanta ang ginamit nyo sa intraschool performance?"

"Sa totoo lang, hirap kami sa pag compose ng kanta. Yung recent songs namin, ay gawa pa ng senior member namin noon kaso graduate na sya at nasa ibang bansa"

"Mukhang mahihirapan nga kayo dyan"

"Pero naghahanap na ng paraan si lider Kurt, may ilang buwan pa para sa competition, dapat bago yun ay makagawa kami ng performance na hindi malilimutan ng mga tao"

✔She WritesWhere stories live. Discover now