Chapter 4

4 0 0
                                    


ATHENA'S
   POINT OF VIEW

Bigla Kong idinilat ang aking mga mata. Napalinga ako sa lugar. Puro puti lang aking nakikita sa kabuuan nito.

Nasaan ako?

Ang huli kong naalala ay tumakbo kami dahil sa takot ng mga tao sa amin. Ang kanilang pagtingin sa amin ay tela natatakot sila. At sa takot rin namin ay dali dali kaming tumakbo at di namin namalayan na may paparating na liwanag na di ko alam kong anong klaseng liwanag iyon. At naramdaman ko na tumilapon ako.

"Urghh!" Napadaing ako at napahawak say kanang balikat. At tela napakunot ang aking noo.

Ano to?

May puti na nakalagay sa aking balikat at hindi ko alam kong anong iyon. Akmang kukunin ko na sana ito ng biglang bumukas ang pinto at may nagsalita na ikinagulat ko.

"Gising ka na pala. Wag mo munang kunin iyan." Isang lalaki na hindi ko kilala.

Sino siya?

"Sino ka? Anong lugar ito? Bakit ako nandito?" Sunod sunod na tanong ko. Pero napakunot ang aking noo ng bigla siyang napahagikgik.

"Anong nakakatawa?"

"Wala. Ako nga pala si Macky. Nandito ka sa hospital dahil nabangga ko kayo."

"Nasaan ang mga kapatid ko?" Nagsimula na akong kabahan. Wala kasi sila sa paligid wala sila sa tabi ko. Nasaan sila?

"Wag kang mag alala. Ayos lamang ang iyong mga kapatid." Napaiwas ako ng tingin at napatingin sa likod ng palad ko na may nakatusok dito. Sinundan ko naman ito ng tingin.  Ano ito?

"Dextrose ang tawag diyan." Dextrose? Ano iyon?

"Nasaan ang mga kapatid ko?" Tinignan ko siya ng seryoso. Pero imbes na sagutin Nita ako ay tinapunan niya din ako ng seryosong tingin.

"Mayroon lamang akong mga katanungan. Bakit kayo napadpad dito? Anong ginagawa niyo dito? Alam niyo bang delikado ang pumunta dito? Isa iyong makasalanan." Tela napakunot aking noo sa kanyang sinabi. Hindi ko siya maintindihan. Kilala ba niya kami? Impossible. Tss

"Wala kang karapatan. Wala kang karapatan pagsabihan kong ano ang dapat naming gawin. Sino ka ba sa palagay mo?"

"Akoy nag aalala lamang sa inyo Mahal na prinsesa." Nanlaki ang aking mga mata say sinabi niya.

"K-kilala mo kami? Sino ka?" Kinakabahan ako.

"Nasabi ko na aking pangalan kani kanina lang Mahal na prinsesa."

"Sarkastiko ba yan? Tss. Wala pa din akong pakialam kong sino ka. At kung sino ka man kilala mo na kami. Kong may plano ka mang masama sa amin...." Tinignan ko siya ng matalim. "Ihanda mo na ang sarili mo. Gusto ko ng makita ang mga kapatid ko." Akmang tatayo na sana ako pero bigla akong nahilo at napaupo pabalik sa higaan.

"Nanghihina ka pa. Mas mabuting dito ka muna." Sino ba siya para diktahan ako? Tss.

"Wala.akong.pakialam. Gusto kong makita ang aking mga kapatid." Tinignan ko siya ng matalim. Nagkatitigan kami kaya siya ang unang nang iwas.

"Kaya mo bang tumayo at lumakad?" Tanong niya.

"Tss sa pagkakaalam ko may paa pa naman ako hindi ako naputulan kaya kaya ko pang tumayo at lumakad." Sarkastiko kong sabi. Napahagikgik lamang siya. Itinangal ko ang dextrose na nakaturok sa aking kamay at lumakad na.

"Ayos lang ako. Diyan ka lang. Wag mo akong hahawakan." Akmang hahawakan niya sana kasi ako pero  pinatigil ko agad siya kaya umatras siya.

4 goddesses meets the 4 angelsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora